EPISODE 25

512 24 2
                                    

Greg's POV

Nagising ako dahil sa liwanag galing sa bintana. Nagtaka ako bakit iba yung nasa paligid ko. At pagtingin ko si Pia yung nasa tabi ko at hindi si Irene.

Nabalingkwas naman ako dahil magdamag akong nandito at hubad kaming parehas ni Pia. Agad akong nagdamit at umalis. Iniwanan ko na si Pia na tulog.

Nagdrive na ako. Tinignan ko yung cellphone ko panay missed call ni irene at ni anton. Boys night out yung paalam ko sa kanya at hindi alam ni irene na kasama si Pia sa inuman.

Kinakabahan na ako baka malaman ni irene ito. Tinawagan ko si anton para gumawa ng alibi.

*CALLING TO ANTON

"Hey! Kagabi ka pa namin kinokontak. Bakit hindi ka sumasagot? Ang aga mo namang umuwi kagabi" Salubong sakin ni anton.

Gumaan yung pakiramdam ko dahil hindi nila alam na kasama kong umalis si pia kagabi. Alam nilang andoon si Pia pero hindi nila alam na magkasama kaming umalis ng bar.

"Malakas na kasi yung tama ko. Tsaka pagod kaya umuwi na ako" palusot ko.

"Ganoon ba. Sayang lang kasi hindi ka nakasama, nandito kami sa guesthouse ni pao. Dito na namin tinuloy yung pag-inom after sa bar at dito na natulog" anton.

"Pati si Pia, bigla bigla nalang din nawala kagabi. Nakasabay mo bang lumabas ng bar? Baka mamaya may kumidnap na doon" dagdag pa nito sabay tawa sa biro niya.

"Aaah, uhm nakasabay ko siya palabas ng bar pero sumakay agad siya ng sasakyan niya" palusot ko ulit at kinakabahan kong sinabi.

"Ganoon ba? Osige. Baka ngayong araw na yung balik namin ng manila. Update ko nalang kayo kung uuwi na kami" sabi ni anton.

"Sige. Baka matagal pa kami dito, maraming projects si irene na dapat niyang asikasuhin e" i said.

"Maganda kung ganoon. Baka may plano si dawn nextweek about outing. Balitaan nalang namin kayo, sige pare byeee!" Paalam ni anton sabay baba ng phone.

It's 7am na at saktong nandito na ako sa malacañang. Nakita ko namang lumabas si irene sa kabilang kwarto.

"Oh hon, dumating kana pala. Nag-enjoy ka ba?" Irene.

Kinabahan ako sa tanong niya.

"Maganda ba yung guesthouse ng kaibigan niyo?" Dagdag niyang tanong.

Alam niyang sa guesthouse ako galing kaya gumaan uli yung pakiramdam ko.

"Yes hon, ang presyo ng hangin doon hon" palusot ko.

Hindi ko na alam kung makakapagpalusot pa ako sa susunod niyang tanong kaya nagpaalam na ako para maligo.

"Sige hon, maliligo lang ako" i said.

"Btw, bakit ka galing jan?" Habol ko.

"Aaaah, jan natulog si kim. E nilalagnat kaninang madaling araw kaya jan na rin ako nakatulog dahil nilagyan ko siya ng bimpo sa noo. Para bumaba yung lagnat" irene.

"Eh ok na ba siya ngayon?" greg.

"Ok na siya. Sige baba na rin ako para magpaluto ng may sabaw. Alam kong lahat ng staff may hangover" irene.

Nagpaalam na siya at ako naman pumasok na ng kwarto para maligo.

Kim's POV

"Hmmmmm" i said sabay dilat ng mata.

"Bat ako nandito?" Tanong ko sa sarili ko.

Medyo hindi ko maalala yung buong nangyari pero naalala kong lasing ako kagabi.

Nakapa kong may nakalagay sa noo ko kaya tinanggal ko na yun saka ako tumayo. Nakita ko yung sugat ko medyo tuyo na at nailalakad ko na siya ng maayos.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Walang pang tao dito sa baba kaya lumabas muna ako.

Dumeretso ako sa sasakyan ko para kumuha ng damit dahil maliligo na ako. Amoy alak pa ako. Kumuha rin ako ng bottled water saka ko ibinuhos sa mukha ko para mahimasmasan ng konti.

Nung pabalik na ako sa loob, napansin ko yung nakapark na sasakyan. Mukhang familiar, nakita ko yung plate number kaya nagulat ako dahil yun ung sasakyan ni sir greg kagabi.

"Nakauwi na pala siya. Tsk! Akala ko naman hindi na uuwi sa sobrang landi nila sa isa't isa" mahina kong sinabi sa sarili ko.

Pero nagulat ako nung may nagsalita.

"Ano? Anong sobrang landi? Akala ko ba single ka?" Tanong ni Ms. Irene na nasa loob ng sasakyan.

"Ah ah, wala po Ms. Irene" sagot ko.

"Talaga ba? E kagabi nga cheater ka ng cheater habang tulog, e sabi mo namang wala kang boyfriend at kaya ka ba naglasing?" Ms. Irene.

"Aaaah binangungot lang po siguro ako" i said.

"Bakit ano pong ginagawa niyo jan?" Tanong ko. Nagchange topic na ako baka ano pa itanong sakin. Nahihiya na ako kung ano man yung pinanggagagawa ko kagabi.

"Nauntog ako dito sa rearview mirror ng sasakyan e nadislocate na. Hindi ko na alam kung paano ibalik sa dati" Ms. Irene.

"Ako na Ms. Irene, alam ko yan ayusin" offer ko naman ng tulong.

Pumasok na ako ng sasakyan at inayos yung mirror, napansin kong umiilaw yung dash cam so meaning naka-on ito. Naisip kong kunin yung memory card para makapag-gather pa ng mga ebidensya.

At para malaman pa kung ano yung pinaggagawang pangloloko ni sir greg kay Ms. Irene. Agad ko na itong kinuha para hindi mapansin ni Ms. Irene at walang makakitang iba. At naayos na rin yung mirror kaya lumabas na ako ng sasakyan.

"Ok na po Ms. Irene" i said.

"Thank you" sagot ni Ms. Irene with ngiti.

"Ayos kana? nilalagnat ka kasi kaninang madaling araw" Ms. Irene.

"Ayos na po ako. Ok na rin po yung paa ko. Kayo po ba ulit gumamot Ms. Irene?" I said.

"Aaah oo, kasi lasing na mga staff mo kaya ako na gumawa. Baka maano pa yang sugat mo lalo" ms. Irene.

Kinilig naman ako dahil siya pa din gumamot sakin. Baka siya rin naglagay ng bimpo sa noo ko. Ayieeee! Kinikilig gang bones.

"O siya, pumasok na tayo. Nagpaluto ako ng may sabaw para sa hangover ninyo" Ms. Irene sabay tawa.

Ngumiti naman ako at sumunod sa kanyang maglakad.

Gising na rin sila karla at ate dean.

"Ano? Iinom ka pa ba?" Bungad na tanong ni ate dean sakin.

"Hindi na po" sagot ko naman sabay pouty lips.

"Naalala mo ba lahat ng pinaggagawa mong kadramahan kagabi?" tanong uli ni ate dean.

"May naalala naman ng kaunti ate" i answered.

May konti lang ako naalala dahil sobra kong lasing kagabi. Naalala kong inom ako ng inom dahil sa nakita ko tungkol kay sir greg. Hanggang naalala kong nagsosorry ako kay Ms. Irene.

Naalala ko yun kaya napaluha ako ng bahagya. Pero pinunasan ko kaagad dahil marami na naman silang tanong kung tinuloy kong umiyak.

"Diba may pa sabaw ka Ms. Irene?" change topic ko.

"Halina kayo dito at kumain. Saka kayo magsibihis at nang makauwi na kayo" sabi naman ni ma'am imee na galing sa likod ng kusina.

Kumain na kami dahil need na naming umuwi. At may duty na ako mamayang gabi. Start na ang night shift ko kaya always sabog na naman ang ate niyo.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now