EPISODE 36

537 28 7
                                    

*CONTINUATION

Irene's POV

"Goodmorning ma'am" sabi ng pulis sabay salute ito sa kanya. I saw her na nagsalute din para igrant yung salute ni mamang pulis na nagsita sa amin.

"Bakit anong problema sir, mukhang kanina pa to ha" tanong ni kim. Hindi pa kami nakikita dahil nasa side kami hindi kami agad makikita.

"Oooh, ma'am imee at Ms. Irene" gulat niyang sabi. I noticed na hindi niya ako tinignan sa mata nung binanggit niya yung pangalan ko.

"Bakit anong problema po sir? Wala bang lisensya?" Tanong ulit niya kay mamang pulis.

"Ok naman po sa license ng driver, eh ma'am, expired na po yung OR/CR ng sasakyan nila. E nasa batas po na hindi dapat payagang bumyahe ang isang sasakyan kapag expired ang registration nito" paliwanag ni mamang pulis.

"Yuuuh tama, aware po ba kayo rito sa batas na ito ma'am imee?" Tanong ni kim kay ate imee.

"Aware kami sa batas na iyon pero hindi kami aware na expired na pala ang registration nito. At hindi nacheck ni irene after sila lumuwas dito lastweek kaya ngayon lang namin nalaman" ate imee.

Kay ate imee lang nakatingin si kim. Hindi pa rin niya ako tinitignan. Aaaah! Bakit siya ganyan?

"Ganoon po ba? Saan po ba ang alis maam imee?" Kim asked.

"Uuwi na kami ng manila dahil birthday ni dawn bukas. Kaya need na naming bumyahe ngayon at may flight kaming palawan mamayang gabi" sabi ni ate imee.

Sinabi na lahat ni ate imee yung dahilan para payagan na kaming bumyahe. At sana naman maging effective na iyon dahil totoo naman.

Maya-maya dumating si kuya bonget galing sa kabilang sasakyan mukhang naiinip na sa kakahintay.

"Anong problema? Bakit hindi pa tayo umaalis?" Galit na tanong ni kuya bonget. Pero napawi yun nung nakita niya si kim.

"Oooh kim, ikaw pala? Anong problema?" Tanong uli nito.

"Hello po Sir" sagot nito.

Inexplain naman lahat ni kim. At bigla-bigla nalang sumulpot si borgy sa pintuan ng sasakyan namin.

"Hi kimmmm! Long time no see" sigaw nitong sabi.

"Hello borgy!" Sagot nito sabay kaway kay borgy.

"Ikaw talaga borgy, pumasok ka nga sa loob" alburotong sabi ni ate imee.

And i saw kim chuckled. Napakacute niya. And still hindi pa rin niya ako pinapansin at tinitignan sa mata. Ano bang problem nito? Tatanungin ko sana siya kaso bigla nang nagsalita.

"Ok ganito nalang. Sir, ako na bahala sa kanila. Go to your previous position na" sabi ni kim sabay tap ng balikat ni mamang pulis sabay alis.

"At dahil may importante kayong pupuntahan. Papalagpasin ko po ito ngayon at sana po pagdating ng manila iprocess na po yung papers ng sasakyan para wala nang aberya" she explained.

Tumango tango lang kami bilang sagot. At saka niya kinuha yung wallet niya sa bulsa.

"Eto po passing card, alam kong masisita pa kayo jan sa daan dahil expired na ang registration ng sasakyan. Need niyo ito habang nasa byahe" sabi nito.

Inabot naman sa akin yung card dahil sa van namin yung may problema sa paper. Inabot niya ito na sa iba nakatingin. Iniiwasan niya ba ako?

Hindi na muna namin tinignan yung card dahil nagmamadali na kaming umalis at sumakay ng van para makabyahe na, baka mahuhuli na kami sa flight mamayang gabi.

"Sige kim, buti nalang nandyan ka palagi. Salamat ng marami" sabi ni ate imee sabay yakap nito at nagpaalam.

After yumakap sina ate imee at kuya bonget that time lang kaming nagkatinginan. Nginitian ko lang siya pero yumakap siya sa akin.

"Mag-iingat po kayo sa byahe" bulong niya ito dahilan na napatulo ng luha ko.

Hindi ako tumugon sa pagkakayakap niya dahil bumitaw rin siya after niya masabi iyon.

Palagi siyang nandyan kapag may problema ako. Siya yung hero ko. At ngayon kung hindi dahil sa kanya hindi na kami makakaluwas ng manila. Naramdaman kong pinunasan ni kim yung luhang nasa pisngi ko. I feel her warm hand, parang ayoko nang humiwalay sa kanya.

"Irene tara na" sabi ni ate imee sa may bintana ng sasakyan.

Nagulat ako sa sigaw ni ate kaya dali-dali na akong sumakay ng van.

"Thank you kim, see you soon" sabi ko.

Kumaway naman siya habang lumalayo sa kanya. Pero bigla siyang sumigaw.

"Ms. Irene, sandali!" sigaw nito.

Lumapit siya sa akin at kinuha yung kamay ko.

"Lagi niyo po itong susuotin. Magiging lucky charm niyo po ito" sabi nito sabay suot yung bracelet sa kamay ko.

"Ang ganda naman nito. Salamat, lagi ko itong susuotin" i answered sabay pasok sa sasakyan.

Nauna na yung sasakyan nila kuya bonget para maguide kami kung may checkpoint.

Kim's POV

Binigyan ko ng passing card sila Ms. Irene para makaluwas sila papunta ng manila. Nakalagay doon yung pangalan ko, at sign para payagan sila kung masisita man sila sa checkpoint. At masisita talaga sila dahil sa problema ng sasakyan nila. Kapag pinakita nila iyon agad na silang makakaraan sa checkpoint.

Mga VIP lang ang binibigyan ko nito. And Ms. Irene is a very important person to me.
Naiyak siya nung nikayap ko siya. Pinunasan ko ito para gumaan yung loob niya at tumahan naman dahilan na rin sa pag-aya ni Ma'am imee sa kanya na pumasok na ng sasakyan.

Bukod sa passing card na binigay ko kay Ms. Irene binigay ko rin sa kanya yung bracelet. I realized na siya yung taong pinakaimportante sa buhay ko. Kahit alam kong malabong makakasama habang buhay. Pero gusto kong siya yung taong mananatili sa puso ko until i die. And i'm always here sa oras na kailangan niya ako.

Paalis na sila Ms. Irene kaya nagstart na rin yung pag-iinspect ko. And then, after ko dito pupunta na ako doon sa shop para bisitahin sila at kumustahin kung marami pang inquiries at sempre para makatulong, divaaa?

Irene's POV

Habang nasa byahe at may checkpoint kaming madadaan kaya hinanda ko na yung passing card na binigay ni kim. Noong tinignan ko yung card, sa likod nito may kasama itong isang piraso ng puzzle na galing rin kay kim.

"Bakit ito?" Tanong ng isip ko sabay hinawakan.

Naisip ko na baka hanapin ito, e hindi mo naman mabubuo ang isang puzzle kung nawawala ang isang piraso. Kaya kineep ko ito para pagbalik ko ng isabela ibibigay ko ito sa kanya.

"Sir, patingin po ng OR/CR ng sasakyan" tanong ng LTO.

Nasa tabi lang ako ng driver's seat kaya narinig ko kaagad ang sinabi. Dali dali kong inabot yung passing card at inexplain yung problema ng sasakyan.

"Sir, expired na po kasi yung registration ng sasakyan eh hindi po namin alam bago kami bumyahe. Eto po yung passing card namin" i explained sabay about ng card.

Nakita ko naman sila ate imee na kinakabahan. Kulang nalang magpray-over sila sa sobrang tahimik nila sa likod. Kinuha naman ni mamang pulis yung card at binigay din kaagad.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora