EPISODE 125

279 27 5
                                    

*CONTINUATION

👮‍♀️
KIM

Aakmahin na sana ulit akong sampalin ni Ma'am Imelda pero nahuli ko ang kanyang kamay.

"Hindi niyo ako makokontrol at mapipigilan sa lahat ng gusto ko at wala kayong karapatang saktan ako" matigas kong sabi tsaka ko iniwagis ang kanyang kamay.

Lumapit naman yung isa niyang bodyguard pero pinigilan ito ni Ma'am Imelda dahilan na napahinto siya. Lumingon naman ako sa bodyguard at tinignan siya ng masama.

"Simula ngayon hinding hindi ka makakalapit kay Irene. Hindi ka ba nakokonsensya? Magkakalapit lang ang mga edad ninyo kila luis at alfonso, hindi mo ba naisip na ang layo ng generation gap niyo ng anak ko? You're so ridiculous, nakakatawa ka. Ganyan ba itinurong asal sayo ng magulang mo? Alam mo, mukha ka palang batang may gatas pa sa labi" sabi nito saka dali dali naglakad paalis ng akong condo.

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni Ma'am Imelda, wala siyang alam sa lahat ng nangyayari ang tanging kanyang pinapairal ay ang kumakalat na issue tungkol samin ni Ms. Irene.

Ayokong sabihin o aminin sa kanya tungkol sa paglolokong ginawa ni Sir Greg sa anak niya dahil baka katulad din siya ng mag-amang greg at alfonso. Na kapag sinabi ko ang lahat ng nalalaman ko, mababaliktad rin ako dahil isa lang akong simpleng tao at walang sapat na kapangyarihan para patulan sila.

Ilang minuto ang lumipas, inayos ko na ang aking sarili para makapasok na ako ng trabaho.  Nagmamadali na akong pumunta ng parking area at hinarurot ang aking bagong sasakyan. Dahil hindi ko dala ang Raptor ko nung lumawas kami dito sa manila, bumili na ako dito since noon ko pa balak bumili. Audi R8 ang napili kong bagong laruan ngayon.

Pagkarating ko ng quarter, hindi ako makapasok dahil hindi naveverify ng login monitoring ang aking fingerprint. Laging failed ang lumabas sa screen. Hindi naman ako makapasok sa loob ng quarter dahil may barrier na nakalagay, tanging bubukas lang ito kapag na-verified kang official member ng PSG.

Tinawagan ko ang isa kong colleague para tanungin kung bakit ayaw akong papasukin. At yun na nga ang kinagulat ko ng sobra and at the same time tumagos na yung anger and fury sa akin.

My colleague said na napawalang bisa yung professional license ko kaya automatic na navanished yung pangalan ko sa membership ng PSG. Automatic ring nabura yung license number ko doon sa login monitoring kaya pala nagfafailed yung biometric ko.

Tinotoo nga ni Ma'am Imelda ang kanyang sinabi kanina. She will revocate my professional license. Still she has a power to communicate the authorized person to revocate this but, sobra naman ito.

Napasabunot ako ng buhok at napakagat ng labi dahil hindi ko na alam ang aking gagawin. Nangangatog na rin ang tuhod ko dahilan na napaupo ako sa harapan ng gusali. Sa galit na nararamdaman ko at sakit ng loob napaiyak na lamang ako.

Ang dami kong napagdaanan para lang makamit itong pangarap na ito pero binawi ito ng ganung ganun lang. Pumasok muna ako ng sasakyan at duon humagulgol. Nagsisigaw sigaw ako at hinampas hampas ang manibela ng sasakyan.

"Aaaaaaaaaahhhh!!!!" Pagalit kong sigaw sa loon ng sasakyan.

Sinasabayan pa ng iyak ang galit na nararamdaman ko dahilan na nanikip ang dibdib ko. Sa sobrang paghikbi ko napayuko ako at napasandal ang ulo ko sa manibela.

"Deserve ko bang mangyari ito sa akin? Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang circumstances na mararanasan ko?" Mahina kong sabi sa aking sarili.

Ilang minuto ang lumipas, napapikit ako ng matagal at sa pagdilat ko isinabay ko na ring iniangat ang ulo ko. Huminga ako ng napakalalim at ibinuga ito ng may tunog pa. Inopen ko na ang engine ng sasakyan tsaka ko pinatakbo.

I'm trying to reach nicole, secretary of Ms. Irene and I asked her if she know where is Ms. Irene right now. At ang sabi niya nasa bahay lang nila at nagpeprepare para sa kanilang wedding anniversary celebration nila ni Sir Greg.

Aba! May lakas ng loob pa silang magcelebrate ng kanilang wedding anniversary eh same lang naman silang cheater. Yes, cheater na rin si Ms. Irene, alam ko namang ginusto niya rin ang mga halik ko sa kanya.

At ngayon, galit na rin ako sa kanya mismo dahil hindi man lang niya kayang magparamdam o magpakita sa akin kahit bigyan lang ako ng isang matamis na ngiti bago ako sumuko.

Pero umiling iling ako habang nagdadrive, hindi dapat ako sumuko. I have my right to speak up. Kailangan kong lumaban, nabawi man yung lisensya ko pero hindi nila mababawi ang sinabi ko kay Ma'am Imelda na mahal ko ang kanyang anak.

Medyo malayo ang makati kung saan ang kanilang location mula sa quarter ng PSG. Napabili ako ng alak sa nadaanan kong convenience store, wala naman akong balak na makijoin sa celebration nila gusto ko lang kausapin si Ms. Irene.

Naabutan na ako ng gabi sa byahe at sa pagdating ko sa kanilang bahay, nagsisidatingan na ang kanilang bisita. Kita rin mula sa labas ang dancing LED spotlight sa kanilang likuran.

Nag-stay muna ako dito sa gilid at pinagmamasdan ang mga taong pumapasok sa kanilang bahay. Napansin ko si Pia na ang loose ng kanyang damit, mukhang halatado na ang kanyang tyan kapag nagsuot siya ng fitted.

Dahil nakauniform palang ako, kumuha muna ako ng damit sa aking mala wardrobe sa likuran ng sasakyan. I just wear, plain t-shirt saka ko pinatungan ng blazer then pants. Para disente pa rin kapag napag-isipan kong pumasok sa loob kahit hindi invited.

Pero ang balak ko, tapusin muna yung celebration nila bago ko makausapin si Ms. Irene even through phone call lang. When i opened my phone, i received a message from my mother.

Sinabi niyang nasa manila na raw sila, at kung ok lang ba ako dahil nabalitaan rin nila tungkol sa rumors na kumakalat sa social media tungkol samin ni Ms. Irene. Doon ko lang naalala na ngayon pala ang luwas nila dito para sa kanilang check-up next week.

Nireplyan ko naman sila na bukas ko na sila dalawin dahil may work pa ako. Nagsinungaling ako na nasa work pa dahil ayoko silang biglain about sa pagwawalang bisa sa professional license ko.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now