EPISODE 83

390 34 0
                                    

Kim's POV

Pagkatalikod ni Ms. Irene, biglang bumuhos ang luhang kanina pang gusto bumagsak. Nagtakip ako ng bunganga nang hindi marinig ang paghikbi ko.

Nang nakalayo na siya ng kaunti, dali dali akong lumabas ng mansion ngunit sa kasamaang palad hindi ako pinayagan ng guard dahil masyado nang gabi para lumabas pa.

Pero sa kalaunan pinayagan na akong lumabas dahil nagpalusot akong bibili ng gamot dahil kanina pang sumasakit yung tyan ko with matching action pa para makumbinsi si manong guard.

Hindi ko na ginamit yung sasakyan ko at baka mapansin pa ako nila Manang Imee kaya magtataxi nalang ako. Nagpadala ako sa isang convenient store para maghanap ng kape na maiinom pero alak ang nahuli ng aking mga mata.

I just got one bottle of soju at isang large size na potato chips. Pumwesto uli ako sa may bintana at tanaw ko ang mga tig iisang sasakyang dumadaan sa kalsada.

Ilang sandali pa lang nakalahati ko na yung soju at medyo tipsy na rin ako. Hindi ko na inubos pa yung soju at baka hindi na ako makarating ng mansion.

Naghihintay na ako ng taxi pero wala akong mahagilap kahit na isa. It's already 1am na kasi malamang need rin nilang magpahinga ang mga taxi drivers.

Pero biglang bumuhos ang ulan, walang malapit na masisilungan at medyo napalayo na ako sa mismong convenient store pero no choice na ako para bumalik na uli doon at nang makasilong. Dito na rin muna magpapalipas ng oras at maghintay na masasakyang taxi.

Medyo matagal tagal nang umuulan pero wala pa rin taxi, nilalamig na rin ako dito sa labas ng convenient store. At baka nag-alala na si Manang Guard sa Mansion, for sure hinihintay akong makauwi.

Napaupo na lamang ako sa sobrang lamig nang bigla may naglagay ng isang jacket sa nanginginig kong katawan. Pagkatingala ko, it's Borgy.

Nagulat ako sa nakita ko kaya agad ako tumayo at tinanong siya.

"Borgy?" Gulat kong sabi.

Nginitian lang niya ako at inayos yung nilagay niyang jacket sa akin.

"May dala ka bang sasakyan?" Tanong nito.

"Wala nag -" putol kong sabi dahil hinila na niya ako agad.

Sinakay niya ako sa isang sasakyan at mukhang bago pa ito.

"Teka Borgy, may driver's license ka ba? Baka mahuli pa tayo ng mga nagrorondang pulis. Ako na magda-driver" I said.

"No! Amoy alak ka, baka jan pa tayo mahuli. I got my license already since nung binili ni daddy tong sasakyan as my graduation gift" he explained.

"Oooh yes narinig ko kay manang Imee, btw congratulations!" i greeted.

"Thank you kim" he said then smirked.

"So bakit ka pa nasa labas? Saan ka galing?" Tanong ko.

"Galing ako sa celebration ng friends ko, kaya iyon napagabi" borgy said.

"Galing kang party, sempre may inuman meaning pati ikaw nakainom din. No way! Ako na talaga ang magdadrive, ako bahala kapag nahuli tayo" pag-alala ko dahil baka mapaano pa kami sa daan.

"HAHAHAH relax kim! Allergic ako sa alak kaya don't worry. Ni kahit isang patak ng alak walang dumapo sa dila ko" borgy said.

"Aaah ganun ba? Buti naman may mga taong pang allergic sa alak. Sige sa mansion tayo" sabi ko at nilagay na yung seat belt ko.

Borgy's POV

Pauwi na ako galing sa graduation party ng isa kong friends at biglang umulan. Hindi na rin masyadong makita ang daan dahil sa sobrnag lakas ng ulan. Huminto muna ako dahil naka STOP signal ang traffic lights, sakto namang napalingon ako sa isang convenient store kung saan nakatapat sa akin.

Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa harapan nito at namukahan kong si kim iyon. Naalala kong kinuha siyang wedding organizer nila mommy, pero i just wondering bakit siya nandyan sa oras na ito. Nilalamig na rin siya, kaya lumabas na ako para sunduin siya.

Tumakbo na ako dahil wala akong dalang payong. Hinubad ko yung suot kong jacket nang maikumot ito sa kanya. Nanginginig na talaga siya sa lamig.

Nagulat siya nung nakita niya ako pero ngitian ko lang siya. Tinanong ko siya kung may dala siya sasakyan pero wala kaya bigla ko na siyang hinila.

She asked kung may driver's license ako at meron naman ako nito. Since binilhan ako ni daddy ng sasakyan bilang graduation gift, nilakad na rin namin yung license ko para makagamit ko na rin itong sasakyan kaagad.

Nag-alok siyang siya na ang magdadrive dahil galing akong party at ang akala niya nakainom ako pero ang totoo hindi ako umiinom ng alak dahil allergic ako dito. Once na uminom ako ng alak, mahirap na akong huminga at yung mukha ko para nang kamatis sa sobrang pula nito.

Mukhang siya pa ang nakainom dahil amoy alak siya at sakto pang nasa convenient store.

"HAHAHAH relax kim! Allergic ako sa alak kaya don't worry. Ni kahit isang patak walang dumapo sa dila ko" i said.

"Aaah ganun ba? Buti naman may mga taong pang allergic sa alak. Sige sa mansion tayo" sabi niya at nilagay na yung seat belt.

Nag GO signal na yung traffic lights kaya nagstart na akong magmaneho.

"So sa mansion ka pala pinatuloy. Akala ko sa Sofia Hotel, kasi ako doon ako nakatira sa Penthouse" i said.

"Oooh! Sa inyo pala yung hotel na iyon, grabe talaga ang pamilya niya no?" Kim said.

"Bakit Sophia Hotel pinangalan, eh wala naman kayong kapatid na babae" tanong ni kim.

"Actually, meron pero nakunan si Mom, dahil nalaman niyang nagcheat si daddy at doon naapektuhan ang pagbubuntis ni mommy. Sophia dapat ang pangalan niya, pero sa hotel nalang ito pinangalan ni dad kasi siya ang nagmamay-ari ng hotel na iyon. Hanggang sa napunta sila mom at dad sa hiwalayan" i said.

"Tapos ngayon, ikakasal na uli si Mom. Masakit man sa amin ang nangyari sa kanila ni dad, pero we will respect them kung ano man ang mga desisyon nila. Basta huwag lang nila kaming kakalimutan. Pero as of now, napupuna naman nila yung pagiging magulang nila sa amin kahit hiwalay na sila" i added.

"I'm also happy, na may nahanap si Mom na ikakaligaya niya hanggang sa pagtanda. Ayos naman yun kay daddy, hindi naman niya yun masisisi dahil siya unang nagloko at dahilan na nakunan si mommy" pagpapatuloy ko.

Tumango tango naman si kim, na ibig sabihin nakikinig siya sa kwento ko.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now