EPISODE 120

426 46 7
                                    

Kim's POV

Pagkatapos kong ipinakita ang mga litrato nila Sir Greg at Pia kay Alfonso, sinunod kong inilapag ang isang ziplock sa sahig kung saan nakaupo na si Alfonso habang tinitignan ang mga litrato. Kinuha niya yung ziplock na may naglalaman ng Pregnancy Test at tinignan rin ito.

"Your Dad's Mistress is pregnant" i said.

Nakita ko yung P.T kung saan ko nakitang nagsusuka si Pia sa C.R noong bridal shower ni Manang Imee. Iyon yung object na itinapon niyang padabog sa basurahan noon. Nacurious ako kung ano yun kaya tinignan ko hindi ko naman akalain na P.T na pala. Galit na si Alfonso at kita ko sa fist niya, na crumbled na rin yung litrato dahil sa sobra niyang pagkakatikom ng kanyang kamay.

"Aaaaaaaaaah!!!" Sigaw ni Alfonso at doon na rin niya ibinagsak ang luha niya.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi, edi sana nasabihan na si ninang Pia at nang hindi umabot pa sa ganito?!!" Galit na tanong ni Alfonso.

"So kasalanan ko pa bang umabot sa ganito? Sisihin mo ang daddy mo at ang kabit niya, wala akong intensyong sirahin ang masaya ninyong pamilya kaya hangga't maaari hindi ako magsasalita, tiniis ko nalang ang mga binabatong salita ng daddy mo sa akin without knowing na may alam ako sa kanila tungkol sa kabit niya. Pinili kong manahimik dahil gusto ko buo pa rin kayo at nang hindi masaktan ang mommy mo" i sobbed.

"Yang mga pictures na yan bago man macapture ng camera ko, nakita na yan ng buo ng sarili kong mga mata. Ako na yung nasasaktan para sa mommy mo, kaya please huwag mo sakin iblame lahat hindi mo alam ang pinagdaanan ko, para akong na-raped that time. Para akong ginahasa dahil kitang kita ko paano halikan at haplusan ang daddy mo ang kabit niya mula sa labas kita ko ang anino nila sa bintana" hagulgul kong sabi.

Humahagulgul na rin si Alfonso. Alam kong nasaktan siya sa nalaman niya pero kailangan niyang marinig lahat ng ito.

"Kung may time ka, panuorin mo ito. Kailangan ko nang umalis" i said then i gave him the flashdrive.

Nandoon lahat ng footages ng dash cam at iba pang evidences. Bago pa man ako makalayo sa kanila tinawag ako ni alfonso.

"Kim!!!" He shouted at napatigil ako.

"Paki-ingatan ang mommy ko, sana hindi mo siya iiwan kapag once na nalaman niya ito" he added.

Nakatalikod ako sa kanya kaya pagkarinig ko iyon mas lalong bumagsak ang luha ko, napatakip na lamang ako ng bunganga dahil sa sakit na naramdaman ko.  Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi na lumingon sa kanya. Hanggang sa elevator, bumuhos pa rin yung luha ko.

Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko ito sasabihin. Kaya unti-unti konitong irereveal sa lahat hanggang malaman ni Ms. Irene. Kung sa akin man isisi, aakuhin ko na. Sabi nga ni Alfonso, bakit ngayon ko lang sinabi edi sana hindi umabot na mabuntis ang kabit ni Sir Greg.

Greg's POV

Inamin sa akin ni Pia na buntis siya pagkatapos ng kasal ni Manang Imee. I said to her na ipa-abort pero ayaw niya. Kung ayaw niya, umalis siya ng pilipinas tutustusan ko nalang lahat ng pangangailangan niya sa panganganak at sa bata basta huwag na huwag lang silang uuwi ng pilipinas. Pero ayaw pa rin ni Pia na umalis ng Pilipinas. Kaya dahil doon, hindi na ako nakikipagkita sa kanya at tinuon ko nalang ang oras ko kay Irene.

Safe naman kami pero bakit nabuo? Sinabi ko rin kay Pia na baka hindi akin yung bata, pero mas lalo siyang nagalit sa akin. At dahil hindi na ako nakikipagkita kay Pia kahit panay dalaw ngayon sa bahay. Kinakabahan tuloy ako baka banggitin na ni Pia tungkol sa dinadala niyang bata. Hindi pa ito masyadong halata kaya hindi pa ito napapansin ni Irene.

At dahil malapit na yung wedding anniversary namin ni irene, naisipan kong mag out of town para naman sa aming dalawang momento. At para hindi niya palaging nakakausap si Pia. Blinock ko lahat ng access ko kay Pia bago kami lumuwas ni irene, ayaw kong maistorbo kaming dalawa sa aming trip.

Irene's POV

"Goodmorning hon" bati ko sa asawa ko.

"Hmm, goodmorning too hon" he answered saka niya ako niyakap.

"3 days nalang anniversary na natin, gusto mo bang ikasal ulit?" greg uttered.

"Ano ba nag beach wedding na nga tayo nung silver wedding anniversary natin eh" sabi ko.

"Mag-party nalang tayo rito sa bahay with our family and friends" i added saka na ako bumabangon.

"Ok hon, masusunod po" Greg said.

"Tss" mahina kong sabi.

Parang batang nagpo-po eh mas matanda naman siya sa akin ng mahigit isang dekada.

"Tara na sa baba hon para makapag-breakfast na. Tanghali na may work pa tayo" i said.

*FF

Pagkadating ko nang office nandoon si kim na naghihintay.

"Hello kim, kumusta?" Bati ko.

"Aaah o-ooh, hello po Ms. Irene, ok lang po kayo po ba?" She replied.

"Mugto yang mata mo, may nangyari ba?" Tanong ko.

Umiyak ba ito ng umiyak kasi mugto ang kanyang mata at kita mo talagang pagod na.

"Aaah wala po ito. Dahil lang ito sa puyat, tadtad kasi ang trabaho sa malacañang, anyways, may pinapapirma po ang executive assistant ng pangulo pinasuyo po sa akin dahil nasa mindanao po ang pangulo" she said.

Inabot naman sa akin ang isang folder na aking pipirmahan. Pagkayari nun, hindi na siya nagtagal dito. Tahimik lang siya na hindi tulad noon na andami niyang kwento kapag magkasama kaming dalawa lang. Hindi rin niya ako matignan sa mata kapag nag-uusap.

Dahil nagmamadali na siyang umalis, hindi na ako nakapagpasalamat sa mga bulaklak na kanyang dinadala kapag bumisita siya sa bahay nang wala ako.

Sana ok lang siya at sa kanyang trabaho sa malacañang, alam kong mahigpit ang patakaran doon at tanging utos ng pangulo at ang kanyang kaligtasan lamang ang kanilang tungkulin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now