EPISODE 16

553 25 11
                                    

🧓
IRENE

Tapos na yung event. Bukas sa batac naman, may pa konting shows dahil may pupuntang mga artista para mag-entertain. At sempre ang hindi mawawalang napakasayang activity which is yung flashmobs.

Bukas na ring magpeperform yung mga alaga ko. Hindi sila nagperform ngayon dahil pinakausapan ako ni kuya bonget na sa batac nalang dahil may drum and lyre ring magpeperform at may parade. Para puros instrumental ang magaganap bukas.

Andito palang kami sa cultural center, pinaguusapan kung ano ang magaganap bukas, pati si kim kausap rin dahil siya pa din ang magdidirect ng event. Yung mga bisita nagsiuwian na.

Pero pagkatapos ng usapang ito umalis rin si kim agad para tumulong sa pagliligpit dahil magaayos pa sila sa batac. 8:30 pm palang naman kaya may time pa silang magset-up doon.

Sila dawn andito pa dahil hindi pa siya masyadong nakakalakad.

"Are you ok na?" tanong ko sa kanya dahil nag-aalala pa din ako sa nangyari.

"Yes i'm ok, buti nalang nagamot agad nung napakagandang dalaga kanina" dawn said.

"Mabuti naman kung ganoon" i responded.

"Anyways, kumusta yung lakad niyo kahapon nila greg? He said na nasa restaurant kayo" i asked.

"Sa restaurant? Eh ngayon lang kami nagkita ni greg eh. At kaninang madaling araw lang kami dumating from manila" dawn answered.

Nagulat ako sa sinabi ni dawn. So meaning, nagsinungaling si greg sakin. Tinignan ko si greg sa may kabilang table at pinipigilang huwag umiyak. Doon ko na napagtanto na, niloloko ulit ako ni greg.

Akala ko nagbago na si greg, akala ko hindi na yun mauulit, akala ko ako lang ang babaeng mamahalin niya, akala ko hindi na niya ako lolokohin, akala ko hindi na siya mambabae. PERO ISANG NAPAKALAKING AKALA!

"Aaah ganun ba? Baka namali lang ako ng rinig" cold kong sabi dahil nasasaktan na ako.

"Are you ok, irene?" tanong ni dawn.

"Yuuuh, i'm ok" i said.

"O siya, mauuna na kaming umuwi. Kita kits nalang bukas" paalam ni dawn.

"Sige ingat kayo sa byahe" i said.

Napaupo ako at nanginginig ang tuhod ko dahil sa nalaman ko. Nakita ko si greg na hawak ang cellphone niya. Focus na focus siya dito na hindi man lang niya kinausap sila dawn at anton. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya.

"Irene, ayos ka lang? Tanong ni manang imee.

"Ayos lang manang. Uhmm, pwde na ba akong maunang umuwi?" Tanong ko.

"O sige, tawagin mo na si greg para may kasama ka at makapagpahinga na kayo. Pupunta pa kasi kami ng batac para samahan sila kim" manang imee said.

"Greg, mauna na kayong umuwi ni irene" sabi ni manang imee kay greg.

"No manang, gusto kong mapagisang umuwi" sabi ko.

"May problem ba hon?" Greg asked.

"Nothing, magpapa-drive ako kila manong, kila manang imee ka nalang sumabay umuwi" sabi ko kay greg.

"Ayos ka lang ba talaga irene?" Pag-alalang tanong ni manang imee.

"Oo manang, mauna na ako" nagpaalam na ako dahil hindi ko na kaya, gusto ko nang ilabas yung nararamdaman ko.

Naglakad na ako nang naglakad at tumutulo na rin yung luha ko. Hindi ko na sila nilingon para hindi nila ako makitang umiiyak. Habang nasa hallway ako nakita ko si kim na paalis din.

Tumahan na muna ako at baka paglingon niya dito sa likod eh makita pa akong umiiyak. Pinunasan ko nang maigi yung mata ko at nag-ayos ng sarili.

Ang haba ng hallway dahil pa-exit ng cultural center ito papunta sa likod. Hindi ko tinawag si kim dahil baka mapansin pa yung mata kong mugto.

Habang naglalakad bigla siyang napahinto, napahinto rin ako sa paglalakad dahil ayokong makisabay sa kanya. Inopen niya yung camera niya na nakasabit sa kanyang leeg, at kinuhanan ng picture yung pusang kumakain ng isda na nasa gilid ng hallway.

Napangiti naman ako dahil kahit mga ganitong bagay alam niyang iappreciate.

Dumahan dahan siyang umupo para makuha yung best shot. Ang cute niyang panuorin habang kumukuha ng litrato. Andami na niyang nakuhang pictures dahil sa sunod sunod na naririnig kong pagclick ng camera.

Tumayo na siya at biglang nahulog yung cellphone na nakabulsa sa likuran niya. Pagkayuko niya nakita ko yung breast niya pero agad din yang tinakpan. Natulala ako sa nakita ko. My god irene, meron ka rin niyan. Skip skip.

👮‍♀️
KIM

Mauna na akong pumunta ng batac para makita yung venue. Dito na ako sa exit dadaan dahil doon nakapark yung sasakyan ko sa likod.

Habang naglalakad ako sa napakahabang hallway. May nakita akong pusa na kumakain ng isda. Aba! May nagpuslit ng ulam kanina ha.

Naisipan kong kuhanan ng pictures para sa gagawin kong board puzzle. Andaming anggulo yung nakuha ko kulang nalang humiga ako sa sahig.

Pagkatayo ko nahulog yung cellphone ko sa likuran ko. Tumalikod naman ako para kunin yung cellphone kng nahulog. Nagulat ako sa hindi ko inaasahan, dahil nasa likuran ko si Ms. Irene na mag-isa.

"Oooh Ms. Irene, nandyan po pala kayo" i said sabay click ng camera. HAHAHAHAHOKAGE MOVES YARN?

Hindi naman siya nagreklamo sa ginawa ko kaya napaisang capture pa ako.

"Noooo Ms. Irene, don't smile poker face lang" sabi ko habang kinukuhanan ng anggulo.

Nagpoker face naman siya pero natawa siya sa ginawa niya kaya sabay naclick yung cam. Pero maganda yung pagkakacapture, pinakita ko naman sa kanya at nagtawanan lang kami pareho.

Napatitig lang ako sa kanya habang tumatawa, nakangiti lang naman ako. Ngayon naranasan ko ng mapangiti siya. I wish na mapapasakin ka but malabo na yun 'coz you are already married at alam kong masaya ka na sa family mo. Sabi ng isip ko.

I will keep this as memories. Hindi ko to malilimutan. Imagine, dalawa lang kami sa hallway na nagtatawanan. Sobrang saya ko dahil sa wakas nasolo rin kita kahit ilang minuto lang. And i know hindi na ito mauulit pa.

Naglakad na kami palabas ng cultural center.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Ms. Irene.

"Sa batac po para makita yung venue at doon ko na rin hintayin yung team" i answered.

"Kayo po ba? Uuwi na po ba kayo?" I asked.

"Oo, gusto ko na kasing magpahinga" she answered.

"E bat kayo nalang po magisa? Si sir greg po?" Tanong ko.

"Mahuhuli pa sila eh, antukin kasi ako kaya gusto ko nang umuwi" sabi ni Ms. Irene sabay tawa ulit.

Sleepyhead pala to. HAHAHAHAHAHAHA. ayos lang, handa naman tong balikat ko para isandal yung ulo mo habang tulog.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now