EPISODE 61

435 35 7
                                    

Kim's POV

Lumabas na si Ms. Irene galing sa C.R at kinuha na niya ang kanyang bag and i think babalik na siya mg kubo.

Kinuha ko yung bigay niyang camera para naman magkaroon pa ng laman kaya kinuhanan ko ulit siya ng litrato without permission. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya.

She said na bakit puros stolen shots nalang yung kinuha kong larawan niya kaya i decided na magselfie kami using my instax. Kinuha ko iyon saka ako nagtungo sa kanya.

Nilapit ko yung sarili ko sa kanya para magfit yung angle namin sa camera at sinabing "smile" dahilan na lumapit rin siya sa akin.

"Click!" Saka lumabas na yung film.

So cute! Eto yung unang selfie namin kaya magiging treasure ito sa akin. Pinakita ko rin sa kanya at napansin ko yung damit niya. Oversized shirt yun pero ginawan niya ng paraan para bumagay sa kanya. Namangha naman ako sa ginawa niyang iyon.

Ang tagal kong tinitigan yung picture namin ni Ms. Irene tapos naisipan kong ilagay naman sa likod ng aking phone.

Matagal ko na rin kasing napapansin na nakalagay yung polaroid picture ko sa likuran ng kanyang cellphone, kaya pala ang tagal kong hindi nakikita yung picture na iyon, eh hindi ko naman masyadong hinahanap dahil sa sobra kong daming selfie.

Wala akong idea kung bakit nasa kanya yung picture kong iyon at paano napunta iyon sa kanya. Hindi ko naman iyon binabanggit sa kanya since nung nalaman ko. Hinahayaan ko lang, para kunwari walang alam at baka once na sinabi ko mahihiya siya sa ginawa niya.

"O ayan! May picture narin ako sa inyo. Plus magkasama pa tayo. Akala niyo ba ikaw lang may ganito Ms. Irene" sabi ko.

Bigla naman siyang napatingin sa akin at nagulat ata sa sinabi ko.

"Ha?" Gulat nitong sabi.

"I said na may picture na rin ako sa inyo na nasa likuran ng phone" madiin kong sabi.

"Ha? W-what d-do you m-mean?" Confused niyang tanong.

"Meron kasi akong nawawalang polaroid picture, eh hindi ko mahanap at naisip ko baka naitapon ko na" pagpapalusot ko.

"Tapos?" She interestingly asked.

"And i thought, basurahan ba yung phone ni Ms. Irene? Kaya nagtaka ako bakit nandoon yung polaroid picture ko?" Pag-aasar ko.

Tumawa ako saka ko siya kinulit kulit dahilan na natawa rin siya.

"HAHAHA Wait! Let me explain" ngiti nitong sabi ni Ms. Irene saka niya kinuha yung phone niya at nilabas yung picture galing sa likod ng phone niya.

"This polaroid pi---" putol niyang sabi dahil bigla ko na itong hinugot sa kamay niya.

Nilayo layo ko sa kanya yung picture pero pilit niya itong kinukuha. Tinaas taas ko na rin hanggang magtip-toe ako nang hindi na niya mabawi sa akin.

"Sandali! Wala pa akong explanation. Tsaka that's mine now!" she said while trying to reach the picture on my highest point of my finger.

Tumalon talon na rin siya mabawi lang pero iniiba iba ko yung direction dahilan na hindi pa rin niya makuha.

Namula ako sa sinabi niyang "that's mine now" kaya na out balance ako just because na rin sa pangangalay na kanina pang nakatip-toe.

Natumba kami pareho sa couch. At napadapa siya sa aking dibdib. Eto na naman tayo na hindi makagalaw habang nakatitig sa kanya. Dalawang beses nang nangyari ito sa magkaibang pwesto ng kwartong ito. Ito na naman ba yung sign para halikan siya ulit?

No way! Hindi na ito tama. Ang lakas ng tibok ng puso ko at sa tingin ko nararamdaman rin iyon ni Ms. Irene. Kaya bigla na akong bumangon dahil baka hindi ko ulit macontrol yung sarili ko.

Aggressive pa naman ako kapag mga ganung bagay. Aaah! Kim gising!

"Ooh! Sorry" sabi ko habang bumabangon at buti naman gumalaw rin siya dahilan na nakabangon ako.

Hindi ko na siya kayang tignan dahil sa kahihiyan. Hindi ko na rin alam kung ano yung reaksyon niya basta kanina gulat rin siya sa nangyari. At dahil sa kahihiyang pangyayaring iyon, dumeretso ako agad ng C.R at naghilamos.

Matagal pa bago ako lumabas ng C.R dahil nagrereflect ako sa salamin kung ano yung mga kahihiyang ginawa ko.

Paglabas ko ng C.R lumapit ako kay Ms. Irene dahil nakahilata pa rin siya sa couch at nakita kong tulog na pala ito. Napagod ata sa kakatalon. Hinayaan ko nalang siyang matulog kaya kumuha na ako ng kumot at nilagay sa kanya. Hininahan ko rin yung aircon para hindi masyadong malamig.

She is still gorgeous kahit tulog. Sana ganito rin yung makikita kong ganda paggising ko araw-araw. At hindi ko na kailangan ng exercise kada umaga dahil kapag ganitong mukha makikita ko tuwing umaga may energy na ako kaagad.

Binalik ko na yung polaroid picture ko sa kanyang phone at baka magtampo, sa kanya raw e. Baka hanapin paggising. HAHAHA

Lumabas naman ako sa balcony para icheck kung umiinom pa rin sila Papa at Sir Greg sa kubo dahil matatanaw mo sila rito sa balcony. Nakita ko naman silang naglalakad paalis ng kubo. Dahan dahan lang silang naglalakad na nakaakbay sa isa't isa dahil pagewang-gewang na sila at pinipilit lumakad.

I'm about to go down stairs para tulungan yung dalawang lasing pero biglang bumukas ang pinto at bumungad si Mama.

"Sa tingin ko dito na sila magtutuloy ng gabi. Lasing na si Sir Greg mukhang hindi na niya kayang lumakad. And where's Ms. Irene?" Tanong ni mama.

"There, she's flat also. Nauna nang natulog kesa sa mga lasing" sabi ko sabay chuckled.

"Grabe ka naman anak! Bakit sa couch mo pa naman pinatulog" sabi ni mama.

"Eh hindi ko naman alam na makakatulog na siya dyan. Eh kung alam ko lang edi dito sa bed ko na siya pinatulog" i explained.

"Ilipat kaya natin dito sa kama? Mangangalay siya jan kasi hindi niya maspread yung katawan niya jan" mama said.

"Ha? Paano? Baka magising kung bubuhatin siya" mahina kong sabi.

"Edi gisingin nalang natin siya then sabihin natin na lumipat dito sa kama" pagpapaliwanang ni mama.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now