EPISODE 118

273 25 4
                                    

*CONTINUATION

Kim's POV

"If you remember the paparazzi'ng sumunod sa inyo sa Davao" sabi nito.

"Ooooh it's you nga. Nareceive mo na pala yung mensaheng sinabi ko sa alagad mo " i said then chuckled.

"Sabik ka na bang makita ang mga litrato?" Dagdag ko saka ngumisi.

"I'll message the location, ayoko ng late" sabi nito saka niya binaba ang tawag.

Diko marecognize kung babae or lalaki dahil sa ginamit niyang voice changer, pero ang idea ko lang na aking naiisip ay si Sir Greg dahil sabi niya sa footage sa kanyang dash cam dapat mahuli niya kami ni Ms. Irene bago sila mahuli kasama si Pia kaya siya ang alam kong mastermind at likod ng boses na iyon.

Nahimasmasan ako sa antok dahil sa pagkakabulagta ko dahil sa tawag na iyon. Nagpop-up naman yung message sa aking screen.

*MESSAGE FROM UNKNOWN NUMBER

"Clickety Clack Company, floor 106, BGC, Taguig City. 8pm tomorrow, I assume that you will there before i arrived or else, alam mo na"

Yan ang message na nareceive ko mula sa kanya. At dahil hindi pa ako masyadong familiar sa mga companies, sinearch ko ito sa website.

At bumungad sa akin yung family pictures ng Araneta Family, with the company name. Malaking kumpanya pala ito at isa sa pinaka-successful Business dito sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa.

Natulog muli ako at sa aking paggising may operation kaming gagawin. At sa operation na iyon, doon namin nahuli ang suspect na nagtangkang saktan ang pangulo kahapon habang nasa meeting siya sa Antipolo City.

Irene's POV

Kakauwi namin ni Greg galing sa Palawan. Nag-out of town kaming dalawa dahil malapit na naming icelebrate ang aming 28th Wedding Anniversary, at ilang araw na lamang. Bumalik yung Greg na nakilala ko noong una, super sweet na niya ngayon hindi tulad noong nakaraang buwan.

Pilit man yung kasal na iyon, natutunan ko ring mahalin si Greg bandang huli kahit na may naging kasalanan siya sa akin dati at unti-unti ko na siyang napapatawad. I think this is out of town na ito na kami lang dalawa doon namin na-realized na kahit andaming pagsubok na aming hinarap we're still together.

Maski na dito sa bahay hindi na siya ganun madaling magalit kapag kinakausap siya. Hindi na rin madalas nakikipag-hangouts sa mga kaibigan niya. Tsaka lang aalis ng bahay kapag kailangan siya sa company. Nandoon naman si Alfonso para imanage ang kumpanya. Kaya this time, mas marami nang time si Greg sa akin.

Habang nape-prepare ako ng foods for dinner naalala ko si kim dahil sa itlog na niluluto ni manang sa kabilang kalan. Hindi na rin kami nakakapag-usap. I know naman na busy siya sa work kaya minsan na-iignore ko na yung mga messages at calls niya sa akin.

Hindi makapagtagpo ang aming mga oras dahil we both busy on our own business. Not until manang utter.

"Madalas po rito bumisita si Ms. Kim, Ma'am" aniya ni manang habang nagluluto.

Tinignan ko naman siya pagkasabi nito.

"Talaga ba?" I asked.

"Opo ma'am, kulang nalang po matulog na siya rito dahil hinihintay kayong dumating. Eh hindi naman kayo nauwi nun ni Sir Greg noong araw na iyon" sabi nito.

"Hindi na ba kayo nag-uusap ma'am?" Tanong nito.

"Hindi na kami masyadong nakakapag-usap eh. Pero i'll call nalang siya later" i said.

"Sige po ma'am, may bulaklak din siyang binibigay. Eh dahil may out of town po kayo at para umabot yung flowers sa inyo nilagay ko nalang siya sa vase, ayon po" sabi ni manang sabay turo sa vase na nakadisplay sa side table.

"Galing yan kay kim? Ang ganda ng bulaklak at ang bango. Yan yung una kong nakita pagkauwi namin ni Greg" wika ko.

Nako si kim talaga, she never failed me. Namiss ko tuloy siya. Kaya pagkatapos naming kumain, tumambay muna ako sa garden at naisipan na siyang tawagan. Ngunit sa aking pagdial ng kanyang contact number, hindi ito sumasagot. And for the nth times hindi pa rin niya ito sinasagot. Inisip ko nalang na may duty siya sa malacañang.

Kim's POV

I just got here at Clickety Clack Company, floor 106 pero ito na pala ang huling floor at rooftop na pala ito. Dala dala ko ang isang envelope na punong puno ng litrato.

Walang tao rito kaya naglibot muna ako dahil garahe din pala ito ng kanilang mga choppers at ilang mga sasakyan. I think maaga naman akong nakarating dito kasi wala pang tao at maga-alas otso palang. Nagpaalam na muna ako kay commander at buti naman pinayagan akong umalis. I said na emergency ang pupuntahan ko.

Hindi katagalan naririnig ko na ang yapak ng mga tao, nandito lang ako sa loob ng garahe habang tinitignan ang mga sasakyang naka-parked dito. At nang maramdaman kong malapit na siya sa akin doon na ako humarap.

"So nice to see you again Sir Greg!!" bati ko sabay harap with hand gestures pa.

"Sir Greg? May nakikita ka bang Sir Greg rito?" He said.

Laking gulat ko dahil hindi si sir greg ang nasa harapan ko.

"Alfonso? Bakit ka nandito? May trip ka ba? May pupuntahan ka ba? Mag cho-chopper ka?" nahihiya kong sabi dahil i feel embarrassed kasi ganoon ang sinabi ko pagkaharap niya. Akala ko si Sir Greg na yung dumating si Alfonso lang pala.

"No wala akong pupuntahan, dito lang sadya ko" he said.

Natigil ako nang bahagya nang marealize na baka siya yung boss.

"Wait! Don't tell me ikaw si Mr. Boss?" Gulat kong sabi.

"That's right" sabi nito then he smirked.

Nakita ko naman yung nasa likuran niyang lalaki at siya yung paparazzi na kumuha ng litrato namin ni Ms. Irene.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now