EPISODE 130

401 41 3
                                    

🤵
BONGET

"Paano po napunta sa inyo yan sir?" Pagtatakang tanong sa akin ni kim.

*FLASHBACKS

Mula dumating si alfonso siya lang ang aking tinitignan at inoobserbahan. According sa pagtatrace namin kung sino ang nagpost ng mga litrato nila irene at kim sa social media at naging malaking issue ito at problema sa aming pamilya, hindi ko nanaising sariling mo ring palang kadugo ang sisira saiyo.

Si alfonso ang lumabas sa resulta sa pagtatrace. Natuntun namin ang pugad ng kanyang technical team na siyang tumutulong na sirahan ang aking kapatid at si kim. Sila din ang mga nagcocomment ng kung ano-anong hindi maganda.

During the investigation, binilinan na namin lahat ng technical team ni alfonso na huwag ipaalam kay alfonso na nahanap namin sila at sila'y bibigyan na lamang ng ibang trahabo at hindi sa ganitong paraan sila maghanap buhay. Sumang-ayon naman ang technical team ni alfonso sa deal namin at ngayon burado na lahat ng kanilang in-upload.

Pero hindi na nating maiwasan na may paghuhusga pa rin kahit na burado na ang mga litrato. Lalo na't marami na ang nakakita rito.

So mabalik tayo kay alfonso ngayon, nararamdaman kong may binabalak siya ngayon dahil sa kaniyang kinikilos. Nagtungo siya sa may operator at plinug ang isang flashdrive.

Kinakabahan ako at baka lumabas pa ang mga iba pang litrato nila kim at irene. Bakit niya ito ginagawa sa kanyang sariling ina? Ano ang kanyang binabalak? Dahil naguguluhan na ako, gusto ko nalang siyang pigilan para walang gulong mangyari rito sa party na ito.

Agad akong nagtungo kay alfonso at aakmahin na sanang pigilan siya at dahil sa malayo pa ang pagitan namin para mapigilan ko siya hindi ko na ito naabutan dahil nag-play na ang video sa LED Tv.

Pero sa laking gulat ko, hindi ito ang aking inaasahan. Isang kwentong pambata ang nasa palabas dahilan na nagsitawanan ang lahat ng bisita.

Alfonso is looks frustrated. Kaya'y agad agad niyang hinugot yung flashdrive sa PC. Papasok siya sa loob ng bigla niya itong tinapon sa damuhan. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa flashdrive na iyon, may kutob akong naglalaman ito ng mga misteryong mga bagay.

Tanging ako lang ang nakapansin sa pagkakatapon niya dahil lahat ng tao tuwang tuwa sa pinanuod. Agad ko itong hinanap saka pinulot. At dahil sa aking curiosity, gusto kong malaman kung ano ang totoong laman ng flashdrive na ito. Para kung sakali may kinalaman ito sa nangyayari sa aking kapatid at kay kim.

May kutob rin ako kay Gregorio dahil may nakabanggit ng pangalan niya mula sa technical team ni alfonso habang iniimbistigahan sila pero bigla nila itong pinatiklop.

Nagpunta muna ako sa sasakyan dahil nandoon nag aking laptop. Maraming clips ang nandito. At dahil kwentong pambata yung nasa unang clip na naplay kanina ni alfonso kaya yung nasa huling clip ang pinindot ko.

Same lang din naman ang lumabas, parehong kwentong pambata ang nasa video. Iniisa isa ko na rin lahat ng clips at ganoon lang din ang lumabas. Napahilamos ako ng mukha at napatingala, pinapakinggan ko nalang yung kwento sa palabas.

Napapasang-ayon na lamang ako sa kwento dahil may aral kang napupulot, pero ilang sandali pa lamang biglang nawala yung sounds dahilan na binaba ko na ang aking ulo.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon