EPISODE 90

476 42 2
                                    

Kim's POV

Pagkatapos kong matali itong manyakis na ito. Inutusan ko siyang i-turn in niya yung sarili niya sa mga police.

"Papanuorin kitang maglakad papunta sa mga police na nandoon" sabi ko sa lalaki habang tinuturo yung police car na nakaparked sa harap ng dome at katabi lang iyon sa mga medics. I saw hailey naman na ginagamot na.

"Kapag ikaw tumakbo or tatakas hindi ako magdadalawang isip na ipaputok sa iyo itong dala kong baril" dagdag ko pero wala talaga akong dalang baril ngayon.

Kasi di ako authorized na idala yun o gamitin kapag nasa public ako lalo na at personal matter yung gagawin ko. Pero nasa sasakyan ko yun lagi for just incase na may emergency. Pero ngayong may ganitong situation hindi ko dala dala.

Hindi siya sumasagot sa akin ni kahit tango lang sana kaya binatukan ko siya.

"Ano? Naiintindihan mo ba ako?!" Galit kong sabi sabay binatukan.

"Oo na! Eto na maglalakad na. Pero tandaan mo ito, nakaguhit na sa akin yang pagmumukha mo humanda ka at baka" sabi ng lalaki sabay tingin sa dibdib ko.

"At baka nga! At baka gusto mong matusok yang mata mong manyakis ka?" Sabi ko sabay akmang parang tutusukin na yung mata niya.

"Sige na magsimula ka nang maglakad at baka masipa pa kita jan nang mkarating kana kaagad sa mga pulis" mainit init kong sabi.

Inirapan lang ako ng lalaking ito saka na nagsimulang maglakad. Nakafocus lang yung tingin ko sa kanya at baka biglang tumakas.

Habang hinihintay siya makarating sa mga pulis. Nandito lang ako nakatayo sa may malayo at kinakapa yung braso kong nasaksak ng matulis na basag na bote. Tumutulo pa rin yung dugo sa kamay ko. Sobrang sakit niya.

Since naka long sleeves akong shirt at kulay black pa ito, hindi nakikita yung tumutulong dugo sa kamay ko. Sa may mismong pagkakasaksak naman, konti lang yung punit ng damit kaya hindi rin ito mapapansin.

Nakarating na siya sa mga pulis, at agaran naman itong inasikaso at parang may idea na sila about dito at hindi na ako nagtaka for sure ininterview na si hailey about dito.

Nagsimula na rin akong lumakad papuntang parking area, at baka nag-alala na si Ms. Irene doon. Medyo isang oras na din akong nawala sa kanya. Sinabi kong saglit lang pero may ganitong nangyari.

Habang naglalakad napalingon ako sa nagtawag sa pangalan ko.

"Kim? Ikaw ba yan batchmate?" Sabi ng isang familiar na boses.

Paglingon ko si lorraine, bacthmate ko sa training center noon. Isang pulis rin na nassigned dito.

"Lorraine? Omg, kumusta kana? Dito ka pala sa Paranaque naka assigned. Anlayo mo naman" i said.

"Kaya nga eh. Buti ka pa malapit ka sa pamilya mo. Pero sandali, bat ka namumutla? Kim, bakit ka duguan?" Pag-alalang tanong ni lorraine.

"Hindi, galos lang ito" sabi ko.

"No! Don't tell me, ikaw yung tinutukoy nung victim na nasa medics kanina na tumulong sa kanya. At isa daw itong pulis. Ayaw sabihin ang pangalan. At ngayon, Kasalukuyan naming hinahanap yung sinasabi niyang lalaki na aakmahing gagasahin siya pero dahil ayaw nung babae sinasaktan ito ng lalaki" lorraine explained.

"Yes, nasa kamay na ng kasamahang mong pulis. Pinakusa ko na siyang isuko yung sarili niya" i said.

"Good job kim. Idol talaga kita since day 1" lorraine complimented.

"Pero ayos ka lang ba talaga? Tara sa mga medics nang magamot yang sugat mo. Tignan mo nga tumutulo yang dugo sa kamay mo" she added.

"I'm fine buddy. Ano nalang, do you have any lip balm, lip tint, lipstick, anything na pwde ipahid sa labi" i asked.

"Halik ko gusto mo? Charizzzzz! Lip balm may dala ako" pag-bibiro ni lorraine.

Inabot naman sa akin yung lip balm at pinahid na sa labi ko para hindi mahalatang namumutla.

"Sige Lorraine, i have to go may naghihintay rin sa akin" pagpapaalam ko.

"Wait! I have discovered kani-kanila lang. Gusto kong chikahin saiyo yun pero need mo nang umalis, pwde pa tayong magkita bukas? Miss na rin kita buddy" lorraine said.

"Yes sure! Update nalang kita sa messenger, since friends naman tayo doon. I will message you if what time, kasi may work din akong aasikasuhin" sagot ko.

"Sige, day off ko naman bukas kaya update mo lang ako anytime. See you!" Sabi ni lorraine.

"Bye buddy! Arestuhin niyo na yung manyakis na yun, pati ako pinagnanasahan, napakabastos talaga. And wait, huwag mo na ipaalam sa kanila na ako yung tumulong, salamat!" habilin ko sabay talikod kay lorraine.

Naglakad na ako ng naglakad hanggang makarating ako ng parking area kahit may iniinda akong sakit. Napansin kong nasa loob na nang sasakyan si Ms. Irene.

Medyo nanghihina na ako dahilan sa dami na ng dugong nawala sa akin. Pumasok ako ng sasakyan na parang normal lang. Since sa left ko yung nasaksak hindi na iyon makikita ni Ms. Irene kapag nagdrive na ako, at buti nalang talaga at sa kaliwang kamay kundi hindi ko na magagamit yung gear lever ng sasakyan.

Medyo nakatulog na si Ms. Irene, sa kakahintay sa akin. Pero nagising siya nung nararamdaman niya akong pumasok.

"Bakit antagal mo?" Sabi nito sabay hikab.

"Sumasakit na rin kasi yung tyan ko, kaya natagalan sa CR" pagpapalusot ko.

"Ayos ka na ngayon?" She asked.

"Yuuuh! Ok na yung pakiramdam ko. So let's go home na" pag-aayaya ko at pinaandar na ang sasakyan.

Irene's POV

Isang oras na yung lumipas at wala pa rin si kim. Susundan ko sana siya pero diko alam kung saang comfort room siya nagpunta. I will just wait here not until naantok na ako at nakaidlip.

Hindi pa naman malalim yung tulog ko nang marinig kong bumukas yung door ng sasakyan at naramdaman ko nang may pumasok. I know na si kim na ito.

Tinanong ko kung bakit antagal niya at sabi naman niya na sumakit yung tyan kaya natagalan sa CR.

At ngayon pauwi na kami ng mansion at excited akong magkwento kila manang imee, bonget, liza at kay Mommy tungkol sa napakasayang concert na ito.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now