EPISODE 7

550 20 4
                                    

👮‍♀️
KIM

It's 4am at rinig ko parin yung alarm ko. Sanay naman na akong magising ng maaga kaya isang beses palang magring yung alarm nagising na ako. Minsan nga nauunahan ko pa yung alarm ko. Jusko.

Nagbihis na ako at agad bumaba. Nagexercise lang ako ng mga 10 mins. Para magising tong katawan ko. Nagising na rin si mama, maaga siyang nagigising dahil marami na naman siyang aayusing mga paninda.

"Oh anak, punta kana ng shop?" Tanong ni mama.

"Opo ma" sagot ko habang inihahanda yung uniform ko dahil dederetso na ako ng station pagkagawi ko ng shop.

"Paghanda kita ng breakfast, sandali lang" mama said.

"Wag na ma, anong oras na po baka hinihintay na ako ng team ko" sabi ko naman.

"Kimberlyn Santiago?!" Sabi ni mama with pamewang pa.

"Sige po ma, hintayin ko na hehe" hiya kong sabi.

Tinawag na ako sa buong pangalan e kaya sige na ma, magluto kana hihintayin ko. HAHAHAHA

"Pero kung wala ka nang time talaga, baunin mo nalang at kainin kapag nagutom ka" sabi ni mama.

"Sige po ma" sabi ko at inibot na niya yung tupperware.

"Sana mamayang hapon bumalik yang tupperware na yan, kung hindi aysuuuus" mama said.

Natawa naman ako sa sinabi ni mama. Minsan kasi ito yung mga anak ng mga nanay eh. Mas mahal pa nila tong mga tupperware nato kesa sa anak. HAHAHHAAH

"Opo maaaa. Gagayak na ako at naghihintay na sila duon. Byeeeee Ma!" Sabi ko sabay yakap.

"Tignan mo dinadaanan mo, magingat ka" bilin ni mama.

Tumango nalang ako bilang sagot at bago ako pumasok sa sasakyan chineck ko muna itong sasakyan kung may problema, kung may tumutulo bang langis o wala. Hindi pa kasi gising si papa kaya ako na muna magchecheck. Alam ko naman na yung ginagawa ko sa sasakyan ko kapag wala si papa.

Goods naman kaya sumakay na ako at nagdrive papuntang shop.

Habang nasa byahe naisipan kong bilhan sila ng coffee, kaya nagdrive thru ako dito sa starbucks. Habang naghihintay dahil nagoorder pa yung sasakyang nasa harapan ko. Tinawagan ko si karla.

*CALLING TO KARLA

"Hello karla, malalate ako ng bahagya. Pabilang nga kung ilan kayo lahat jan nang makabili ako ng kape para sa inyo" sabi ko.

Naririnig ko naman siyang nagbibilang.

"12 po kaming lahat ate" sagot naman niya.

"Sige, pahintay nalang saglit jan ha. Salamat" i said.

*CALL ENDED

👧
KARLA

Napakabait talagang nitong boss ko kaya andito pa rin kami nagtatrabaho sa kanya dahil maganda yung trato niya sa amin, hindi nila kami pinagsasabihan ng masasama kapag may palpak kaming nagawa. Basta wag mo na yun uulitin. Sempre may laging mga ganitong treat, hindi siya madamot. On time rin siyang nagpapasahod sa amin.

Kaya napamahal na rin ako sa boss ko, kasi naman bukod sa napakabait, napaka ganda pa, maganda rin yung katawan niya dahil nga pulis siya alam kong laging may exercise ito kasi minsan habang nagpapalit siya ng damit nakita kong may 4 packs siya. Rawr HAHAHAHAHAHAH nubayan karla?

Sexy siya, matangkad at maputi. Nasa kanya na lahat ghorl. At higit sa lahat magaling din siyang kumanta, siya nagmimic test at nag tutune ng mga instruments sa banda. Passion niya talagang tong music kaya pinupush niya rin tong trabahong ito. Kaya sino ba naman hindi magugustuhan tong tao na divaa? Pero hindi ko yun pinapahalata na may gusto ako sa kanya dahil alam kong mas priority niya yung trabaho at passion niya.

Nagulat ako nung tinapik ako ni ralph, kasama namin sa team.

"Nandyan na si ate" anya nito.

"Aaaay! to naman nagulat naman ako sa mahinhin mong tapik" sabi ko sabay tawa. Mahinhing lalaki kasi to, malambot bessssh.

Agad ko namang sinalubong si ate kim dahil alam ko namang may dala itong mga kape.

"Kunin mo na ito, at ibagay sa kanila" sabi ni ate kim.

Kinuha ko naman at dinistribute ko na sa team para mainom.

"Okay guys, it's almost 5am. Need na natin gumayak at karlaaaaa! come here" ate kim said.

Nung tinawag ako ni ate nagulat ako kasi medyo lutang pa. Ramdam kong nagising na lahat maski membrane ng utak ko nagulat.

"Alam mo naman na ang gagawin ha. Pero kung kailangan mo ng tulong, eto yung guidelines. Nandyan na lahat ng need mo kung sakaling hindi ako mareach dahil sa work. Ikaw na ang bahala. Susunod at susunod naman ako duon e, okay?" Bilin ni ate kim.

Kinuha ko na agad yung guidelines dahil baka mangawit si ate. Hindi niya ito pinapaiwan sa iba ngayon lang dahil hindi pa siya sasama sa amin. At ngayon ko lang din to nahawakan ngunit nakikita ko na ito kapag nasa shop siya, nagnonotes siya dito. Ang kapal mamsssssh ha.

"Karla, ikaw na bahala ha. I trust you" Sabi niya habang ako kinikilig dahil sa sinabi niya.

"Pagkarating niyo doon tawagan mo ako then sabi ni maam imee, dumeretso kayo sa malacañang of the north dahil may short meeting pa kayo" dagdag niya.

"Yes ate, don't worry. Makakaasa po kayo". Anya ko.

👮‍♀️
KIM

Nabilinan ko na si karla kaya babyahe na sila. Nagsama sama kami at pinagpapatong patong yung mga kamay.

"Stgo Creation!!!" sigaw ko.

"Fighting!!" sigaw ng lahat habang tinataas yung mga kamay namin.

Nagsipasok na sila sa sasakyan at nagsialisan na.

"Ingat kayo guys" sigaw ko padin sa kanila. Kumakaway naman yung isang staff na parang sa ibang bansa ang pupuntahan. HAHAHHAHA.

Pumunta naman na ako kila ate dean para tignan kung ano na ganap nila. At ayun naabutan ko pa naman sila.

"Ingat kayo sa byahe ate ha. Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo. Tawagan mo na rin si karla para magkakasama kayo, sabi rin kasi ni maam imee na may short meeting pa kayo sa malacañang of the north kaya doon muna kayo dumeretso" i said.

"Oo ading, don't worry. Nagagawi na rin ako dati sa ilocos kaya hindi kami masyadong maliligaw. Then sempre uso google map ngayon HAHAHA" sabi niya sabay yakap. Sumakay na rin sila sa sasakyan at umalis.

It's 5:30 am, kakainin ko na yung pinabaon sakin ni mama. After nun nagbihis na nang makapasok sa work.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now