EPISODE 18

542 22 2
                                    

👮‍♀️
KIM

Nagising kami ng alas kwatro ng madaling araw dahil maliligo pa kami. Dalawa lang yung CR kaya maaga kaming gumayak. Gusto ko lahat kami fresh.

Dahil kasama ako sa parade. Magsusuot ako ng jacket dahil mainit na mamaya, pero may tshirt na akong suot. At sempre sunglasses at sumbrero na rin. Nakita ko si karla na naglalakad papunta sa kwarto ni ralph.

"Karla, nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po masyado ate, ang sakit ng katawan ko" sagot ni karla.

Same here. Akalain mo naman kasi parang isang beses lang ako tumagilid dahil walang space.

"Eto salonpas" sabi ko sabay abot sa kanya.

"Pwde po bang ilagay niyo sa likod ng balikat ko ate?" Pag-uutos ni karla.

Aba! Inutusan pa ako. Pero why not naman divaaa? Walang malisya.

Lumapit naman ako sa kanya at nilagay yung salonpas sa likod ng balikat niya.

"Salamat ate kim, napakabait mo talaga. Ikaw ang hero namin" karla complimented.

"Aysuuuus. O sige na, gumayak na tayong lahat guys!" Sigaw ko.

Gumayak naman na sila at ako pumasok na ng sasakyan.

*FF

Nakaready na ang lahat. Kumpleto na rin ang Marcos Family. Nakasakay na rin sila sa float. Ako naman sasakay dito sa isang elf kung nasan yung sound speaker. Kasama ko dito si apo operator.

Bigla ko naman naalala yung pagkanta ko kagabi.

"Kuya, huwag mo papaalam kahit kanino tungkol sa pagkanta ko kagabi. Huwag mo sasabihin sa iba na ako yung kumanta" sabi ko kay operator.

"Bakit naman hindi? Baka may makadiscover pa sayo" sabi ng operator.

"Basta kuya, mahabang kwento kaya ayokong ipaalam. Pinilit lang ako ni kuya arnold kagabi, e no choice naman ako" sabi ko.

"Osige, kung yan ang gusto mo boss. I will zip my mouth" operator promised.

Hindi ko na nabilinan si kuya arnold pero aminado na akong hindi niya rin ito ipagsasabi sa iba.

🧓
IRENE

Nakabihis na kaming lahat para sa parade. Sumakay na kami ng van para pumunta ng capitol. Doon magsisimula kasi ang parade, saka kami magiikot. Madadaanan namin yung venue pero nasa kabilang kalye yun. Dadaan din kami ng paoay at vigan tsaka kami babalik ng batac.

Nandito na kami sa capitol. Lilipat na kami ng sasakyan, doon kami sa may float. Nakita ko si kim na nasa kabilang sasakyan na elf kung nasaan yung speaker.

Magsstart na yung parade at nasa harapan namin yung drum and lyre. Yung mga alaga ko makikiparade din pero hindi sila tumutugtog. Nasa pinakalikuran naman sila kim. Marami ring sumama sa parade kaya masaya.

Kumakaway lang kami sa mga tao at nagvivictory sign. Habang nasa daan kami tinanong ako ni greg.

"Hon, ayos ka lang ba kagabi?" Tanong niya.

"Hindi na kasi kita inistorbo nung nakauwi ako kagabi dahil tulog kana" he added.

"Oo ayos lang ako hon, pagod lang ako siguro" sabi ko.

Magpretend muna akong ok sa kanya. Hintayin ko siyang magsabi sakin ng totoo. Kaya ko pa naman ihandle yung sakit tsaka nagawa na niya yan dati, kaya parang manhid na rin ako minsan.

After ng nakapahaba at napakainit na parade nakarating rin kami dito sa batac. Puwesto kami dito sa may stage para panuorin yung drum and lyre na magpeperform.

Pinuntahan ko muna yung mga alaga ko dahil after magperform ang drum and lyre, susunod na sila. May taga manage naman sa kanila kaya no problem. Bumalik na ako sa stage dahil maya-maya magsstart na.

"Irene, tignan mo yung hawak ng bata picture natin noong bata tayo. Nakakatuwa naman" sabi ni kuya bonget.

Napatingin naman ako sa hawak ng bata.

"Kuya, sabihin mo na pumunta dito sa stage" utos ko kay kuya bonget.

Pumunta naman siya sa may emcee para hiramin yung mic.

"Yung batang may hawak ng picture noong bata kami, pwde ka bang pumunta rito sa stage?" Sabi ni kuya bonget.

Pumunta naman yung bata sa stage at kumuha ng marker si kuya bonget. Nilagyan niya ito ng signature.

"Manang imee, ikaw rin. Tsaka mo ibigay kay irene" kuya bonget said.

Nagsignature naman si manang imee, saka niya ibinigay sakin. Pagkatapos nun, nagpicture kaming lahat kasama yung bata na hawak hawak yung picture namin.

Nakita kong kumuha rin si kim ng picture samin maliban sa mga photographer niya. Mukhang hilig na rin niya ito, pareho kami. Mahilig rin akong kumuha ng litrato pero ngayon hindi ko na masyadong nagagawa.

*FF

Natapos na ring magperform yung mga drum and lyre kaya susunod na yung orchestra. Nandito lang ako sa stage pumapalakpak. Nakakaproud dahil ang gagaling na nilang tumugtog. Pwde na silang isalang kapag may mga international na event.

👮‍♀️
KIM

Wow! Ang gagaling naman tong mga students ni Ms. Irene. Sabay tingin naman sa kanya sa may stage at pumapalak siya. Proud na proud yarn?

Naisipan kong bigyan sila ng tubig, kaya kumuha ako sa likod ng stage ng tubig dahil nandoon ang cater.

"Rey, pwde mo ba akong samahan na bigyan ng tubig sila ma'am imee" yaya ko kay rey.

Kumuha naman na siya ng tubig saka kami umakyat ng stage. Sempre inuna kong binigyan si Ms. Irene.

"Ms. Irene, water po" pag-aalok ko.

"Oooh, thank you kim" sagot naman niya sabay kuha ng tubig.

Nakita kong binuksan na niya ito at ininom. Napalutok naman ako dahil napakaexpensive niyang uminom. Pwde po paturo Ms. Irene, yung how to drink a milk ganun ay este water pala. HAHAHAHAHHA.

*FF

Tapos na lahat ng activities ngayong umaga. Kaya kakain na sila ng lunch bago uli bumalik sa venue para sa show mamayang hapon. Nauna na kaming kumain lahat ng team, dahil sila ate dean magseserve ng lunch ng marcoses pati na rin yung mga bisita nilang opisyal. Wala na kaming time kumain kapag nakisabay kami sa kanila. Kaya kumain na kami habang nagpeperform yung orchestra kanina.

Kami naman, aayusin yung mga upuan. Iaarrange namin sa harapan ng stage dahil may mga artistang magpeperform mamaya. Naglagay rin kami ng tent para sa mga bisitang manonood ng shows. Para naman kumportable sila habang nanunuod.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon