EPISODE 126

359 36 21
                                    

🧒
ALFONSO

Napansin kong hindi ok sila mommy and daddy at tungkol ito sa kagagawan namin ni daddy pero hindi pwdeng ganito nalang sila kaya kinausap ko si Daddy pagkarating niya rito sa office ko.

"Dad, i know you are just acting like you are mad at mom" i said.

Obvious naman talagang nag-gagalit galitan lang siya, eh siya naman ang may idea itong planong ito.

"Why? Panget ba acting skills ko?" He answered then laughed.

"Dad hindi pwdeng buong buhay kang galit kay mommy. You should settle with mom, ipakita mong mahal mo pa rin siya para hindi niya isiping may nagawa kayong mali with ninang Pia. At sa ganoon, wala na siyang duda sa inyo. Ako nalang bahala kay ninang at sa magiging kapatid ko" i said then i smirked.

Pero peke lang lahat ng sinabi ko, gusto ko lang makuha pa lalo yung loob ni daddy para mapabilis yung proseso ng transferring of title ng kanilang mga properties sa pangalan ko. At sa totoo lang, hindi ko matatanggap na kapatid ang anak nila ni ninang pia kahit pareho kami ng ama.

"Sabagay, hindi na ako makatiis sa mommy mo. Siya pa rin ang ina niyo, tutal wedding anniversary na namin bukas. Should we have a party?" He asked.

"Of course naman dad, matagal tagal ring walang party sa bahay eh. Doon nalang tayo magcelebrate kesa lumabas pa" i said.

Tumango tango naman si daddy bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"By the way dad, kumusta na yung transferring ng of title sa name ko? Para makapagsimula na rin ako dahil ang dami kong plano eh" aniya ko.

"Aaaah, just relax son. Nagmamadali ka ata masyado anak, wala ka bang nareceive na email?" Tanong nito.

And when i checked my emails wala naman akong narereceive na kahit na anong certificate of transferring. Sana naman hindi ako binibilog ni daddy. May kutob pa rin akong may iba siyang plano at nakikipagkasundo lang sa akin para sa kanilang sariling kapakanan.

Well! Nasa kamay ko pa rin ang flashdrive na bigay ni kim sa akin, hindi ako magdadalawang isip na ilantad yun kay mommy once na trinaydor ako ni daddy. Tapos si daddy kapag nalaman ito ni mommy, malakas ang hatak ni mom sa mga stakeholders, investors, clients, mga empleyado, mga board members at iba pang matataas na tao kaya niyang pabagsakin si daddy kahit ipinamana ito ng kanyang ama na aking lolo. Si mommy ang may pinakamataas na shares dito sa kumpanyang ito.

"Sige na dad, makipag-ayos kana kay mommy. Umuwi kana muna at ako na bahala rito. And don't forget, magdala ka ng flowers para kay mommy" i said then i gave him a fake smile.

Natuwa naman siya sa suggestion ko kaya dali dali na siyang umalis.

🧑‍🦳
IRENE

Habang naghahanda ako ng lunch dahil dadalaw dito sila luis, xandra at si andy. Maya't maya dumating na sila. Agad naman silang nagtungo sa kusina at namangha sa inihanda kong pagkain.

"I miss your dishes mom" luis said with puppy eyes.

"Sige na maupo na kayo para makakain na" pag-ayaya ko naman saka ko nginitian si luis.

Habang kami ay nasa kalagitnaan ng pagkain, ito na yung hinihintay kong banggitin ni luis tungkol sa issue namin ni kim na kumakalat ngayon, mapa social media man o dyaryo. At handa ako kung ano man ang sasabihin niyang hindi maganda sa akin.

"Mom, wala akong ibang naiisip na malisya sa kumakalat na litrato" wika ni luis.

Buti pa si luis hindi makitid ang utak.

"Huwag mo na isipin ang mga sinasabi ng mga tao samin, your tito bonget trying to trace the person who uploaded the first photo at alam kong may kinalaman din siya sa isa pang lumabas na litrato" i said.

"Yes, i saw that. But kim was being so sweet to you mom. Pero wala naman akong iniisip na iba. Parang anak na nga turing mo sa kanya eh, tapos puros lalaki pa kami. Parang siya yung naging anak mong babae" luis uttered.

"At nakikita ko rin kay kim na parang nanay na rin ang turing niya sayo" he added.

Nabulunan ako sa huling sinabi ni luis. Hindi ko mawari kung nanay ba talaga tingin sa akin ni kim at anak ang tingin ko sa kanya dahil hindi naman nagkakalayo ang edad nila luis at alfonso sa kanya.

But kim and I is being inlove to each other. May kissing scene bang nangyari kung walang attachment ang namamagitan sa amin? Ginusto ko ito at ginusto rin niya. Dumating man sa puntong nagkaroon ng ganitong problema ganoon pa rin ang tingin ko kay kim. Sa ngayon, bilin ni manang imee na huwag na muna ako makipagkita kay kim kahit gustong gusto ko na siyang makita at mayakap.

Nababaliw na rin ako minsan, iniisip kung ayos lang ba siya ngayon kasi alam kong naapektuhan rin siya ng sobra. Gustong gusto ko na siyang kausapin kahit phone call lang pero hindi ko magawa dahil for sure iiyak siya ng iiyak at ayokong marinig iyon. Maghihina ako.

"Mom, mom, ito po tubig" sabi ni xandra.

Hindi ko maimagine na pagkatapos kong mabulunan ay napatulala ako, ang lalim ng aking iniisip. Gusto nang lumuha ang aking mga mata dahil may anak akong may nakakaintindi sa akin.

Pero nilakasan ko ang aking loob dahil ayokong ipakitang mahina ako sa harapan nila. Hindi makakawala sa akin kung sino man ang may pakana nito.

"Are you ok mom?" Tanong uli ni xandra pagkatapos kong mainom ang inabot niyang tubig.

Tumango tango lang ako bilang sagot.

"Sige na kumain na kayo, ito menudo masarap ito. Andy apo, you want some?" Pag-aalok ko.

"Yes, mommy-la" he answered.

Malapit na kaming matapos nang dumating si Greg. Napa-aga naman ata ang uwi nito eh kapapasok lang.

"Hey, looks who are here. I miss my apo" greg said.

"Daddy-lo!" masayang sabi ni andy at agad itong niyakap.

"Kumain kana dad? Halika na marami pang ulam" offered ni luis.

Hindi ko siya pinansin dahil alam kong hindi rin niya ako papansin but he came to me and gave me the flower that he was hiding behind his back.

"Oooh it's your wedding anniversary tomorrow mom and dad, where we go to celebrate?" Luis asked.

"Here" bilis na sagot ni greg.

Aba! Ano kaya nakain nitong si greg at good mood na siya. Napatawad na kaya niya ako? Eh halos hindi siya makausap kagabi dahil sa issue namin ni kim.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now