EPISODE 27

485 33 9
                                    

Irene's POV

Nasa sala kaming lahat habang nanunuod ng netflix at hinihintay maluto yung ulam para sa hapunan. Naisipan ko nang maligo para deretso kama na after ng dinner.

"Aakyat na muna ako ha para maligo. Tawagin niyo nalang ako kapag nakapaghain na" sabi ko sa kanila.

I think narinig naman nila yung sinabi ko kahit focus na focus sa tv. Umakyat naman na ako sa kwarto.

Pagkayari kong maligo, inayos ko yung mga duming damit at ipapalaba ko kila manang bukas. Chinicheck ko bawat bulsa kung may mga coins o perang naiwan.

Nakapa ko yung isang bulsa na may papel. Pagkahugot ko yung polaroid picture ni kim. Bumilis ang tibok ng puso ko nung nakita ko yung ngiti niya.

Binaba ko yung picture saka ko nilagay yung kamay ko sa dibdib ko at nararamdaman ko talaga na ang lakas ng tibok nito.

"May nararamdaman ba ako kay kim? Bakit ganito tumibok yung puso ko pagkakita ko ng picture? Nooo, hindi ito tama.

"May asawa kana irene at matanda na" sabi ko sa sarili ko.

Nagulat nalang ako nung biglang bumukas yung pintuan.

"Hon, let's eat na. Nakapaghain na sila. Halika na" greg.

"Aaah yes hon. Sunod ako" sagot ko.

Kinuha ko yung polaroid picture at nilagay yun sa likod ng cellphone ko. Saka ako bumaba para sa dinner.

*FF

Habang nasa hapag kainan. Nasa isip ko parin si kim. Hindi siya maalis sa isipan ko. Parang namimiss ko siya at gustong makita pero how? Ang layo namin sa isa't isa.

Ni hindi ko nga nakuha yung contact number niya. Aahhhhh! Parang gusto kong humagulgul dahil I miss heeeeeeer!!!!

Naguguluhan na ako sa sarili ko na hindi ko maipaliwanag. Maya-maya may biglang nagsalita.

"Hey irene! Ayos ka lang? Ang lalim ata ng iniisip mo? Hindi ka umiimik, may problema ka ba?" Tanong ni ate imee sakin.

Tulala ako pero sa loob looban ko parang nagwawala.

"Aaah ate, do you have a contact number ni kim?" I said.

"Meron, sandali kukunin ko lang sa wallet ko" sagot naman ni ate imee.

What? Seryoso ka ba dyan irene? Bakit mo kinukuha number ni kim? Hindi interesado si kim sayo kasi matanda kana at may asawa. Siya, single at ang dapat para sa kanya yung mga kaedad niya.

"Here" sabi ni ate imee sabay about ng isang papel.

"Business card nila yan. Pero kung personal number ni kim wala ako nun" ate imee.

Kinuha ko naman yung business card na inabot ni ate imee at tinignan yun.

"Bakit mag-iinquire ka rin ba sa kanila?" Kuya bonget.

"Hindi kuya. E diba taga isabela siya. Why not kung sa kanya ako magpatulong makahanap ng lupa for my projects" i said.

"Good idea" kuya bonget.

"Mukhang close na close na kayo ni kim ha, hon" greg.

"Ahhh? Uhmm, sempre mabait na bata. Maraming alam. Napakatalented pa. Yun ung mga gustong gusto kong tao" paliwanang ko kay greg.

Tama, baka kaya ganito ako makareact sa kanya dahil nasa same path kami, same vibes, we're the same habit. Kaya ako siguro napalapit lalo noong nandito pa siya dahil doon.

Napansin ko naman dati na wala ako interesado sa kanya and dahil she's very attractive at attachable. At napa genuine na tao. Sa mga bagay na yun doon lumambot yung puso ko sa kanya.

"O siya, done na ako kumain. Aakyat na ako ng kwarto" paalam ko sa kanila.

Tapos na rin naman sila kumain kaya nauna na akong umakyat. Magpapahinga na ako dahil may meeting ako bukas kay Mr. Clyde para mapagusapan yung mga project proposal ko.

Nakatulog naman na ako dahil sa pagod.

Kim's POV

Katatapos lang namin kumain dito sa station. At maya-maya magsisimula na mag-patrol yung kasamahan kong pulis. Maiiwan ako dito dahil may gagawin akong report para bukas. May respective assigned task naman bawat isa, eh ako dito lang sa station.

Para kung may emergency call or mga report na dapat sagutin, eh andito ako para gawin yun.

Inopen ko na yung laptop ko dahil dito na ako gagawa para at the same time magchecheck ng mga pictures.

Sinaksak ko na rin yung mga card reader for camera at nung memory card ng dash cam.

Inuna ko munang ginawa yung report, kasi duuugh baka magpush-up'n ako kapag hindi naipasa on time kaya eto muna gagawin ko.

"Ma'am, kape po" sabi ni ma'am rosal sabay about ng kape.

"Yuuuh yes, thank you" i replied.

"Btw, ma'am rosal. Asan na yung mga reports regarding sa drugs operation niyo kahapon?" Tanong ko.

"Eto po ma'am. Nandyan na rin po yung mga naconsfiscate na mga paraphernalia na ginamit ng mga drug users" paliwanang ni ma'am rosal.

Sakin nagrereport si Ma'am rosal dahil mas mataas yung rank ko sa kanya kahit sabay kaming pumasok ng PNP. Under siya sa superiority ko. Mas nauuna akong napopromote dahil sa mga advance qualifications na meron ako at mga special promotion na nai-encounter ko.

Pero sa work lang kami ganyan. Close friends kami kapag nasa labas, marami pa din kaming pinagsamahan. Pero minsan kailangan ng konting pagdidisiplina kapag pasaway sila sa work, kaya napapagalitan ko sila at namamase mase.

*FF

It's past 1 am na and finally nagawa ko na yung sarili kong report at naprocess ko na rin yung report na binigay ni Ma'am Rosal kanina.

I'm about to open na yung mga laman ng memory card ng camera at napakadaming pictures ni Ms. Irene ang bumungad dito. Iniisa- isa ko ito para magawan rin ng board puzzle. Yung laman ng kwarto ko puros board puzzle na pictures ni Ms. Irene, at dahil wala nang mapagdisplay'n sa dami nang nagagawa kong board puzzle sa kanya, nasa baba nalang ito.

At sa sobrang daming pictures na nakuha ko sa ilocos, ni wala kaming pictures together! My gooooosh! Sa 2 days ko doon at laging nakakasama si Ms. Irene ni wala kaming picture?

Parang sumama yung loob ko sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung magkikita pa kami, e kahit sanang picture na magkasama yun na yung remembrance ko.

Pero sandali, meron kaming pictures together. Tamaaaa! Yung kuhang picture ni kuya ben. Napasigaw ako sa saya dahilan na nagulat yung mga ibang naka duty'ng pulis na inaantok.

Pero hindi binigay ni kuya ben yung memory card ng camera na bilin ko sa kanya. Kaya kukunin ko nalang yun bukas.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now