EPISODE 63

450 37 9
                                    

*CONTINUATION

Kim's POV

Habang inaayos ko yung report ko may biglang nagsalita at nagulat ako sa boses na iyon.

"You can sleep naman beside me, ang luwang ng kama mo. For sure kasya naman tayo at hindi naman ako malikot matulog" pag-aaya ni Ms. Irene.

Si Ms. Irene pala akala ko guni-guni ko lang. Napatingin tuloy ako kung saan nakahiga si Ms. Irene. Mukhang nagising ko ata siya.

Tinignan ko naman yung time sa laptop ko at it's 1am na pero still working on my report.

"Omg! Nagulat naman ako sa inyo" sagot ko sabay hawak sa dibdib ko dahil kinabahan ako sa gulat.

"Hindi, ayos lang po ako Ms. Irene, you can enjoy the bed" i added.

"Magmamadaling araw na at gising ka pa din? And you're even drinking alcohol. Alam mo halika na para makapagpahinga kana rin" pag-aaya ni Ms. Irene.

Matagal pa bago ako sumagot. Nilaklak ko na muna yung last can ng beer at doon palang sumagot.

"Ok fine. Pero it's that really ok with you?" Pag-aalinlangan kong tanong dahil nagdadalawang isip pa ako kung makikitabi na ako sa kanya sa pagtulog.

Nahihiya ako at the same time this is the first time na magkatabi matulog. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako ng maayos kapag si Ms. Irene na ang katabi ko.

"Yeah of course, hindi naman ako malikot matulog" she answered.

Shinut down ko na yung laptop ko at nag-ayos ng table. Sa aking pagtayo nakaramdam ako ng hilo dahil sa dalawang beer na ininom ko.

After kong sinettle yung mga gamit at sarili ko. Nagtungo na ako sa bed at nahiga. Sakto lang yung space para sa amin ni Ms. Irene. Sempre tag-isa kami ng unan pero share kami ng duvet blanket.

Pumayag na akong makitabi sa kanya sa pagtulog dahil baka sila mama naman ang maistorbo ko kapag sa kanila ako nakisiksik at sempre no choice na dahil sobrang kulit nitong katabi ko.

Hays! The feeling tho. I can't explain how my feelings are, right now. Masaya na kinakabahan dahil makakatabi ko sa pagtulog ang isang Irene Marcos-Araneta. Akalain mo iyon? Matatanaw ko yung mukha niya paggising ko.

Pero feeling ko sa mga ganitong pagkakataon, hindi na ako matutulog. Tititigan ko nalang o panunuorin ko nalang siyang matulog. Walang kurapan.

Napatingin naman ako sa kanya at mukhang nakatulog na siya ulit. She's even snoring. Acck! Nakakakilig pa ring dinggin yung hilik nito.

Maya-maya nararamdaman ko na yung antok ko kaya hinanap ko yung bolster ko para mahimbing yung tulog ko. Ang kumportable kasi kapag nakasampay yung paa mo sa bolster o kaya kapag niyayakap mo ito. Pero i saw na nasa right side niya ito at ako yung nasa left side niya.

Hinayaan ko nalang iyon at nagsimula nang umidlip. Tinaas ko nalang yung arm ko saka ko pinatong sa noo ko, isang way ko rin para makatulog.

Irene's POV

Pumayag na si kim na makitabi sa akin sa pagtulog. At saka ang luwang luwang ng kanyang bed, ayoko namang iba yung tatabi sa akin at baka multo iyon. Kaya pinilit ko na siyang tumabi na sa akin.

Nagsettle na siya saka tumabi sa akin. I didn't say anything pagkahiga niya dahil bumalik uli yung antok ko at nakatulog na.

Share kami ng blanket kaya ramdam ko kapag gumagalaw siya kahit tulog nako. Naco-conscious pa rin ako kapag.

Hindi naman ganun kahimbing yung tulog ko kaya minsan nagigising gising ako. After an hour mukhang nakatulog na rin si kim. Buti naman natulog na, dahil may work pa siya bukas. Grabe niyang magpuyat pero ako hindi ko na kayang magpuyat ng ganung oras.

Sakto lang naman yung kama para sa amin pero medyo dumidikit sa akin si kim. Nakatalikod ako sa kanya pero naramdaman kong sumandal yung ulo niya sa likod ko.

Pagkatapos ng ilang sandali, hindi na siya nakasandal sa likod ko kaya ako naman yung humarap sa kanya dahil nangalay naman ako. Siya naman yung nakatalikod sa akin.

Minulat ko ng bahagya yung mata ko at shocks nagulat naman ako sa nakita ko. Nakaharap ako at nakikita ko lamang yung strap ng kanyang bra at balikat nang wala nang saplos. Pero the rest covered ito ng duvet blanket. Kaya tanging balikat at strap ng kanyang bra ang nakikita ko.

Napansin ko naman yung suot niyang pantaas kanina na nasa bedside table na ito kaya i'm surely she's naked sa pantaas. Lord! Huwag naman fully naked.

Naramdaman ko namang mahina lang yung aircon kaya feeling ko naiinitan pa din siya lalo na at umiinom pa ng alak. Kaya lalo na siyang uminit.

Paidlip na sana ako nung muli na naman itong tumagilid at sa akin na siya nakaharap. Ngayon magkaharap na kami parehas. Another shocks ulit nung bigla niyang pinasok yung kamay niya between my neck. At pinalipot niya ito dahilan na lumapit ako sa kanya.

Hindi ako makagalaw sa ginawa niya dahil maski yung isa niyang kamay yumakap na ito sa akin. And right now, nastuck ako sa leeg ni kim, dumadapo na rin yung lips ko sa leeg niya dahil sobrang niya akong niyakap.

I can felt her naked body pero buti nalang may saplot sa baba. Nangalay na yung kamay kong nastuck rin between ng aming tyan kaya nilabas ko ito ng dahan dahan. Mukhang naramdam naman niyang gumalaw ako kaya lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya.

Dahil sa naging kumportable ako sa pwesto ko, niyakap ko na rin siya pabalik. Hays! Ngayon lang ulit ako nakaramdam nito habang natutulog. Ang sarap sa pakiramdam kapag may kayakap.

Nararamdaman ko rin yung kanyang breast dahilan na napakagat ako ng labi. Nung nakayakap na rin ako sa kanya, hinawakan niya yung ulo ko at lalo niya pa itong sinuksok sa kanyang leeg. Nadadapo na rin yung labi niya sa aking noo. Napangiti naman ako sa ginawa niya dahil napakagentle niya sa pagkakagawa nun kahit tulog na siya.

To be continued.



WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now