EPISODE 62

515 38 7
                                    

Kim's POV

Dumating si mama dito sa kwarto para ipaalam na dito na matutulog sila Ms. Irene at Sir Greg. Sinabi ko namang nakatulog na si Ms. Irene at si Sir Greg naman sobrang lasing na at baka hindi na niya kayang umuwi.

Nagulat naman si mama nung makitang natutulog si Ms. Irene sa couch. Kaya sinuggest niya kung pwdeng ilipat siya rito sa kama ko.

Pero baka magising siya kung bubuhatin namin. Habang nagiisip kung paano ilipat si Ms. Irene sa kama biglang may malakas na tunog galing sa baba.

Agad naman kaming lumabas ng kwarto ni mama at nakita naming bumagsak na sa sahig sila Papa at Sir Greg.

"Nako! Talaga naman kapag lasing" inis na sabi ni mama sabay pamewang.

"Kaya ba nating buhatin itong si Sir Greg papuntang guest room? Eh kay laki ng katawan" dagdag nito.

"Kaya natin yan ma, malakas naman akong magbuhat" sagot ko.

Sanay na akong nagbubuhat ng mabibigat lalo na nung training. Mga malalaking gulong at mga kaban kaban na sako ang pinapabuhat sa amin kaya basic nalang pagdating sa mga lasing na ito.

Buti nalang nasa baba yung guest room kaya pwde nalang hilain papasok itong mga ito eh.

Nagsimula na naming buhatin si Sir Greg, pinaakbay namin siya ng magkabilan ni mama. Saka lumakad ng pakonti-konti hanggang mahiga namin sa kama. Inayos na namin siya sa pagkakahiga at kinumutan, hininahan na rin namin yung aircon. Saka namin iniwanan dito sa kwarto, hindi na siya kumibo dahil sa sobrang lasing.

Sinunod naman namin si Papa, pinasok na namin siya sa kwarto nila ni Mama saka niya sinettle.

"Iinom inom tapos hindi naman kayang buhatin ang sarili. Nakoo!" Inis pa rin na sabi ni mama.

Aalis na sana ako nung biglang nagsalita si mama.

"Sandali anak, paano si Ms. Irene? You can join naman samin para dun nalang si Ms. Irene sa kwarto mo. Kung ipapalipat pa natin siya sa Guest Room baka maistorbo pa natin siya" sabi ni mama.

"Sige ma, ako nalang bahala kay Ms. Irene na ilipat sa kama ko. And huwag mo nang ilolock yung pinto niyo para hindi na rin kayo maistorbo mamayang papasok ako ng kwarto niyo" i explained.

"Kasi may gagawin pa akong report para bukas" i added.

"Sige anak! Makisiksik ka nalang samin mamaya" aniya nito.

Tumango tango naman ako bilang sagot at lumabas na ng kanilang kwarto. Bago ako pumunta sa taas, kumuha muna ako ng dalawang can ng beer sa refrigerator at dinala iyon sa kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto, nasa couch pa rin si Ms. Irene, naaawa na ako sa position niya dahil hindi siya nakakagalaw dito kaya no choice na ako para gisingin siya para lumipat sa kama.

"Ms. Irene" mahina kong sabi sabay tapik ng kanyang braso.

"Hmm" response nito na nakapikit pa din.

"Lipat ka po sa kama, para kumportable po kayong matulog" sumbat ko.

Dinilat naman niya ang kanyang singkit na mata na namumula na, mukhang malalim na yung tulog nito pero kailangan kong ipalipat dito sa kama.

"Aaah sorry, nakatulog na ako. Saan na si Greg? Hindi pa ba kami uuwi?" Sabi nito habang bumabangon.

"Nakatulog na rin po siya sa may guest room, kaya bukas na po kayo makakauwi" i said habang inaayos yung paghihigahan niya.

"Mahiga na ulit kayo Ms. Irene para makatulog na kayo ulit" pag-aaya ko.

Tinignan ko naman yung orasan at magmimidnight na.

"Aaah ganun ba? Doon nalang rin ako sa guest room niyo with greg para hindi kana maistorbo rito sa kwarto mo" sabi ni Ms. Irene.

"No, ayos lang po Ms. Irene, ako nalang po ang lilipat sa kwarto nila Mama. Dito kana nalang po" i answered.

"Are you sure?" Sabi nito sabay hikab.

"Hmm hmm! Kaya mahiga na po kayo" i said.

"Okay sige" sagot nito.

Humiga na si Ms. Irene saka ko nilagay ulit yung kumot sa kanya. Pinatay ko na yung mga ilaw at tanging yung lampshade lang ang naka-on. Pagkayari nun, pumikit na ulit siya at ako naman pumunta ng banyo para magpalit ng pantulog para ready to sleep na sa kwarto nila mama.

But before I go to their room, I need to revise my report for tomorrow. Kaya after kong magpalit nagtungo na ako sa may study table ko at inopen yung laptop ko. Nagbukas rin ako ng isang can ng beer saka ako humigop nito.

"Aaah! Ang sarap" mahina kong sabi.

Nagsuot ako ng anti-rad na eye glasses dahil tanging yung laptop ko lang ang liwanang na nakikita ko maliban sa lampshade na nasa bedside ko.

Habang nage-encode, nararamdaman ko na yung antok ko kaya kumuha ako ng cornik sa may food storage ko para naman may kasabay sa pag-inom ng beer at hindi antukin.

Malimit lang akong gumalaw at baka magising si Ms. Irene.

Irene's POV

Ginising ako ni kim para lumipat sa kanyang kama. Sinabi ko namang sa guest room nalang ako matutulog kasama ni greg pero sinabi niyang dito nalang ako at si kim nalang ang lilipat sa kwarto ng kanyang parents. No choice na ako at baka pagalitan na naman ako neto kaya nahiga na ako para makapagsettle. Kanina niya pa kasing hawak hawak yung kumot.

Pagkahiga ko, kinumutan na niya ako saka niya pinatay ang mga ilaw. Pumikit naman na ako para ituloy yung putol kong tulog kanina.

Ilang minuto lang ang lumipas, hindi pa naman ganun kalalim yung tulog nagising ako dahil sa rinig kong ingay. Dumilat ako and i saw kim sit on her swivel chair na nakataas ang kanyang dalawang paa na naka indian sit at may hawak na beer? Ang kanyang isang kamay naman kinakalutkut ang kanyang laptop.

Tumingin ako sa kanyang world clock at it's past 1am na, and still kim awake. I thought nasa kwarto na siya ng kanyang parents pero hindi, gising pa rin siya at umiinom ng alak sa harapan ng kanyang laptop at sa ganitong oras.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now