EPISODE 79

501 37 8
                                    

Irene's POV

Nasa NAIA na kami at saktong 6:00 am na, sa san juan na kami tutuloy dahil andun sila manang. Bukas nalang kami uuwi ng makati. Malapit na sa BGC yun at sa hotel kung saan si Kim naka stay. Pwde ko naman yang patuluyin sa bahay para hindi na siya sa hotel at alam kong mag-isa nalang siya doon.

Ilang minuto meron na yung magsusundo sa amin. Hindi ko muna pinapansin si Greg dahil medyo hindi pa ok ulo ko sa kanya.

Habang nasa byahe biglang tumawag sa akin si kim. Hindi ko rin ito sinasagot dahil maski ito may kasalanan sa akin. Nakoo! Ang sakit ng ulo ko sa dalawang ito.

Nakatitig lang ako sa pangalan niyang nasa screen ko habang tumutunog ang selpon ko. Ilang beses siyang tumawag pero still i won't answer her calls.

Bahala siya, sabi kong iupdate ako pagkarating ng manila, pero hindi niya nagawa at ngayon dahilan kung bakit andito na rin kami sa manila.

Nandito na kami sa bahay dito sa san juan, si ate imee lang ang nakaka-alam na nandito na kami. Siya rin ang nagpadala sa amin ng sasakyan para sunduin kami ni greg.

Buti naman hindi na tumawag si kim at pupuntahan ko nalang siya sa BGC mamaya. Nauna na akong pumasok at nahuli pa si Greg, inaayos pa yung mga gamit namin.

Pero pagkapasok ko nang bahay tumunog uli yung cellphone ko at tumatawag ulit si kim.

"Nakoo! Alam mo na ngang mag-alala ako tapos di ka sumusunod sa usapan" mahina kong sabi sa sarili ko at sinagot na nga yung tawag.

Pagsagot ko ng call at saktong napalingon ako sa may hallway dahil doon din ako tutungo sa may dining area.

Nagulat ako dahil I saw kim staring at me na nasa hallway rin.

"Hello" bungad ko.

Nakatulala lang si kim sa akin na parang multo ang nakita.

"M-Ms. I-Irene" utal niyang sabi.

"Oh bakit ka gulat na gulat? Multo ba nakita mo?" I answered then I hang up the call.

"Sisteeeeer nandyan ka na pala. Where's greg?" Salubong sakin ni Manang imee.

"Nasa sasakyan pa, inaasikaso pa mga gamit namin" sagot ko at nakipagbeso kay manang.

Dinaanan ko lang si kim at hindi pinansin at agad nagtungo sa dining area at nakita ko roon si Mommy meldy kaya agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

Sumunod na rin si kim sa amin at natuwa rin si Mommy meldy dahil nakita niya ulit si kim.

Masungit muna tayo kay kim for today's story para matuto siya kung ano ang kanyang pagkakamali.

Nagsiupo na kami upang makakain na ng umagahan.

"Aaah wait! Huwag ka jan. Dito ka" pag-aalok ni Manang Imee kay kim sabay turo sa katabi kong upuan.

"Aah hindi po, dyan po si Sir Greg. Hmm! Sa inyo nalang po ako tatabi, kung pupwde po Ma'am Imee" kim said then smiled at her sweetly.

"Aaah sabagay. Sure, lika na maupo na tayo" pag-aaya naman nito.

Dumating na rin si Greg at sa tabi ko rin naman siya naupo. Noong naihain na ang aming umagahan biglang namang may tumawag kay Greg.

*PHONE RINGINGS

"Who's that?" I asked.

"It's Anton" sagot naman ni Greg at pinakita sa akin yung screen niya na si Anton nga ang tumatawag.

"Excuse me" he added.

I just wondering, na yung nakita kong katext niya kanina ay walang contact name pero he said that it was Anton pero ngayon may nakalagay nang pangalan. Nag-start na naman akong mag-overthink pero bumaling rin ako dahil ayoko mastress ngayon.

Mabalik tayo kay kim, siya ang naglead ng prayer before we eat kahit wala si Greg. Nakapikit siya at ako tumitig naman ako sa kanya habang nagdadasal.

Napaka-amo talaga ng kanyang mukha at ang pula ng kanyang labi. Nababakla na ako sa babaeng ito, hindi ko magawang umiwas sa kanya lalo na't siya na ang hinahanap hanap ko araw araw.

"In a jesus name, amen!" Sabi nito at sakin kaagad nakatingin ang kanyang mata kaya umiwas rin ako ng tingin sa kanya.

Pero napansin kong ngumiti siya sa akin kaya i feel the butterflies in my tummies. Kinikilig ba o gutom? HAHAHAHAHA. Pero set aside, masungit tayo ngayon kay kim yun ang agenda natin ngayon.

"Ok! Let's eat" manang imee said.

Nagsikuha naman na kami ng kanya kanyang pagkain at dumating na rin si Greg after niya makausap si Anton.

"I heard this is your favorite" sabi ni manang imee sabay lapag ng sunny side up egg sa pinggan ni kim.

Kumunot naman ang noo ko ng bahagya dahil sa action na ginawa ni manang imee kay kim. Alam kong ikakasal na siya pero huwag na siyang maghokage moves kay kim dahil madaling mahulog ang loob ni kim sa mga middle aged woman.

Hindi ko nalang sila pinansin para hindi halatang nagseselos. Kumuha na lamang ako ng bacon at sandwich at iyon na lamang ang kakainin ko.

Kim's POV

Nahuli kong nakatitig sa akin si Ms. Irene habang nagdadasal pero umiwas rin siya ng tingin dahilan na napangiti ako.

"Ok! Let's eat" sabi ni ma'am imee at nagsikuha na nang pagkain. Mahuhuli na akong kumuha ng pagkain pagbibigay respeto sa kanila kahit buraot naman talaga ako kapag mga kaibigan ko kasama ko.

"I heard this is your favorite" sabi ni manang imee sabay lapag ng sunny side up egg sa pinggan ko.

Nagulat naman ako dahil paano niya nalaman na favorite ko ito. Pero naalala ko may kapatid pala siyang madaldal kaya hindi na ako nagtaka pa.

"Thank you Ma'am Imee, pero ako na po" nahihiyang sabi ko.

Hindi ko mabasa ang reaction ni Ms. Irene ngayon. Kailangan na bang suyuhin siya ngayon? Pero baka masampal lang ako nito dahil sa ginawa ko.

Magpapatulong ako mamaya kay Ma'am Imee for sure matutulungan niya ako sa naiisip kong plano.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now