EPISODE 117

284 29 4
                                    

Kim's POV

As usual na ginagawa ng isang PSG is to protect the president at all cost. Nasa Marcos Ancestral House kami ngayon and they're having dinner with the whole marcos family. Then suddenly, president's executive secretary approached me to come in. Sempre nagtaka ako bakit ako lang ang tinawag.

Pagpasok ko sa hall, bumungad na sa akin yung likod ng presidente at nang kaunti pang lakad nasulyapan ko na si Ms. Irene. At nang nakita na nila akong lahat, nagulat sila.

"Omg it's you" sabi ni Atty. Liza.

"Sabi ko na eh" sagot naman ni Sir Bongbong.

"Major Santiago, introduce yourself" wika ng pangulo.

Nanlaki ang aking mata dahil kailangan pa ba iyon? Eh mukhang kilala naman na nila akong lahat eh.

"Sir?" Pag-uusisa ko.

Tinignan lang ako ni Mr. President at pati si Manang Imee.

"Aaah sorry, Police Major Santiago, a newly member of Presidential Security Group under Pres. Rodrigo Roa Duterte" i confidently said to everyone.

Bigla namang lumapit si Ma'am Imelda at niyakap ako.

"Hindi man kita kadugo pero i'm super proud of you, anak" she said.

"Mahal ko po ang trabahong paglingkuran ang Pilipinas. Natutuwa rin po akong nakilala ko kayong lahat at ganito ang trato niyo sa akin" i replied.

Nginitian naman niya ako at nginitian ko rin siya pabalik at niyakap uli siya.

Nakita ko naman ang mga nasa likod na mga lalaki na ngumisi ngisi. Mukhang pinagti-tripan ako ng mga lokong ito.

"Anyways, halika na dito at makisalo. I just filed my COC kanina kaya please join us sa maagang celebration" pag-aaya ni manang imee.

"Sorry po Manang Imee pero on duty po ako, wala po yan sa handbook namin" pagtatanggi ko.

"Hayaan mo na yang handbook na iyan, dito kana sa tabi ni Irene maupo" sabi naman ni pangulo.

Nagulat naman ako dahil bakit sa tabi pa ni Ms. Irene mauupo, pwde naman doon sa mga lokong mga lalaki sa likod para makurot ko sila isa-isa. Lalo na itong si Vinny ngiting-ngiti yarn?

Pero no choice na ako at naupo na sa tabi ni Ms. Irene. Hindi ko na gaano idinikit yung upuan ko kay Ms. Irene kasi katabi niya si Sir Greg. Naupo lang ako ng naka half-sit para snappy pa rin. Konti lang yung kinuha kong pagkain kasi nakakahiya.

"You looks good" mahinang sabi ni Ms. Irene sa akin nang hindi siya nakatingin sa akin.

"Pardon me?" Pakipot kong sabi na kunwari walang narinig with matching nguya-nguya pa.

"Bagay na bagay yang suot mo kako" sabi nito.

Nagkaroon ng butterflies sa aking tummy at napangiti ako ng bahagya dahil sa narinig mula kay Ms. Irene.

Hindi naman nagtagal nagsiuwian na ang lahat at sempre kay Mr. President ako sumunod. Ang pormal pa rin ni Ms. Irene na hindi mo akalain na magpapaalam siya sa akin nang hindi pinapahalata.

Irene's POV

Nakauwi na kami dito sa bahay nang bigla akong hilain ni Greg papasok sa kanyang personal office.

Sinandal niya ako sa pader at dahil sa kanyang kalakasan hindi ako makakalas.

"Sandali, anong gagawin mo sa akin Greg?" aniya ko.

Agad naman niya akong sinunggaban ng halik pero nakaya ko siyang naitulak.

"Greg? Is that what you call to me kapag dalawa lang tayo?" Sabi ni Greg.

"Oo! At dahil sa ginawa mo sa kin ngayon hindi kita tatawaging hon" sagot ko.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako sa likod.

"Bakit hindi mo ba namiss mga pinag-gagawa natin dito noon?" he asked.

Kumunot naman yung noo ko dahil na awkward'an ako sa sinabi niya.

"Anong bang klaseng tanong yan?" Sabi ko.

Pero ngumisi ako bandang huli dahil namiss ko naman talaga. Kaya humarap ako sa kanya at sinunggaban din siya ng halik.

Naglakad kami ng naghahalikan patungo sa sofa at nakabasag pa ako ng ilang mga gamit dahil sa pagkakapa ko habang naglalakad ng may kahalikan.

"I miss it hon" hingal kong sabi habang ginagawa niya ang kanyang part.

"I miss it too hon" hingal din niyang sagot.

Pagkatapos nun, kinabukasan gumising kaming hubad at magkayakap dahil limited lang yung space ng sofa. Pagkabangon namin at pagkabihis nagsipunta na rin kami sa kanya-kanyang trabaho.

Kim's POV

Habang nasa meeting si Mr. President dito sa malacañang, nandito lang kami sa labas ng silid na nagmamasid. Isang buwan na rin akong naglilingkod sa kanya and so happy naman dahil napoprotektahan namin siya ng maayos.

Madalang ko na rin makita si Ms. Irene kahit na may time akong dalawin siya hindi naman nagtatagpo ang aming panahon para magkita. Bumibisita rin ako sa kanilang bahay sa makati para machikahan naman siya pero lagi daw silang umaalis ni Sir Greg.

One time nga, nag out of town ang dalawa ng halos isang linggo sabi ng isang yaya sa bahay nila. Naisipan ko rin siyang tawagan o imessage sa telegram pero hindi na siya ganoon ka-active. At doon ko nalang napagtanto na, "aaah may pamilya pala siyang inaasikaso". Kaya minsan, hinahayaan ko nalang siya. Naiisip ko pa din naman siya at namimiss kahit sobrang tutok ako sa work.

Minsan gusto ko siyang makita kasi i felt sick and weak dahil sa pagod at siya lang ang nakakapagpawi nun kaya niyaya ko siyang lumabas kahit isang oras lang but she refused. At doon ko na naman mare-realized na, "aaah may trabaho siyang aasikasuhin".

Napa-focus nalang ako sa work lalo na noong may kailangan kaming operation dahil may gustong magtangka sa pangulo kaya bantay sarado ang malacañang pati narin siya.

At ngayon, 48 hrs na kaming gising dahil sa nangyaring iyon. Nakakatulog naman ako ng kaunting oras kapag ako na ang binigyan ng oras para matulog, sinusulit ko naman. Not until, nagising na lang ako dahil panay ring ang phone ko. Pagtingin ko unknown number. Pero sinagot ko pa rin ito kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako sumasagot ng tawag kapag unknown number pero naisip kong baka emergency kaya sinagot ko na.

*CALLING FROM UNKNOWN NUMBER

"Hello" bungad kong sabi.

"Hello, it's me" sabi nito in a voice changer.

"Anong it's me kung hindi kita kilala? Sino ka ba?" Pranka kong sagot.

Baliw rin itong caller na ito. Ang sakit ng ulo ko dahil kulang sa tulog tapos ito pa ibubungad sa akin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon