EPISODE 38

543 31 4
                                    

Irene's POV

It's almost 12 am na at maya-maya birthday na ni dawn. Marami sa amin mahimbing na ang tulog kaya hindi na namin magagawang salubungin yung birthday niya ng kaming lahat.

Maski si Dawn mahimbing na rin yung tulog dahilan na rin sa pagod sa pagpe-prepare ng celebration niya.

Kaya ang ginawa namin, magdadala kami ng cake sa quarter nila anton at susurpresahin siya. Kararating lang din nila Pia at smally, magkasama silang pumunta rito dahil sinundo ni Pia si smally sa airport para sabay makapunta dito sa palawan.

Kinuha na ni smally yung cake na binili nila habang nasa byahe papunta rito. Sinindihan na rin namin yung kandila. And now, she is 34 years old na.

Nandito na kami sa tapat ng pintuan nila ni anton kasama ko sila greg, pia, smally, liza, kuya bonget, at si ate imee na magvivideo raw.

Bumukas naman yung pintuan at bumungad sa amin si anton.

"Halina kayo, huwag kayong masyadong mag-ingay at dahan dahan lang kayo ng apak para hindi siya kaagad magising" anton whispered.

Tahimik naman kaming pumasok at dahan dahang naglakad. Bumubwelo na kami para kantahan siya ng happy birthday habang nasa kalagitnaan ng tulog ni dawn.

Si Smally ang nakahawak ng cake para siya agad ang makita. 2 years rin kaming hindi nakita si smally dahil sa U.S na naninirahan.

Naglead na ng bilang si anton para sabay sabay kaming kakanta.

"1, 2, 3" anton.

"Happy Birthday to you, happy birthday to you" kanta ng lahat.

Nagising naman siya at kumurap kurap pa bago kami nakitang lahat. Napatakip nalang siya sa bibig dahil sa ganitong surprise na natanggap niya.

"Happy birthday, happy birthday, happy birthday dawn" all.

Sempre sa dulo ng kanta binirit ko na dahilan na napatingin sila sa akin.

"Nakooo irene, hindi pa rin nagbabago. Napaka-angelic talaga ng boses" puri sa akin ni dawn.

Nginitian ko lang siya at simula nang bumati.

"Happy birthday sayo dawn" i greeted sabay beso at yakap.

Sumunod naman yung iba para igreet si dawn. Laking gulat pa nito noong nakita niya si smally. Napatili yung dalawa habang magkayakap. Tumayo naman na si dawn sa kama para hipan yung kandila.

Si ate imee tutok kay dawn dahil pinivideohan ito. Kumukuha naman sila greg at anton ng litrato.

"You make a wish na" sabi ni smally.

Pumikit naman si dawn at hinawakan ang kamay para makapagwish na.

"Nakooo anton, another baby daw" pagbibiro ni pia.

Namula naman si anton sa sinabi ni pia.

"Why not? Later gagawa na kami HAHAHAAH" sumbat naman ni anton.

Nagtawanan naman ang lahat. Si dawn nahihiya sa sinabi ni anton kaya pinalo niya ito sa balikat after niya ito masabi.

Nagsikuha na kami ng mga litrato para may maipost sa IG itong mga feelinnial na amiga ko. I don't have any account of social media. I'm good enough as being a private person. Hindi ko kailangang ipaglakandakan sa lahat ng tao na ganito ako.

After ng surprised na iyon, nagsibalikan na kami sa mga kanya-kanyang kwarto dahil magmamadaling araw na at bukas nalang ituloy ang celebration.

Marami daw pa activity si dawn habang nandito kami sa coron kaya need na namin matulog at isave yung mga energy namin for tomorrow.

Kim's POV

Tapos ko nang gumawa ng report about sa checkpoint operation kahapon. And now, oras na para magpahinga dahil pagod sa general cleaning kanina. Naamoy ko itong kwarto na fresh na fresh, at bukas yung bintana kaya pumapasok yung hangin dito sa loob. Napakapresko.

Hihiga na ako pero hindi pa matutulog. Cellphone muna, checking of emails, messages, at sempre tiktok at browsing sa Instagram.

Pagkapunta ko ng Instagram bumungad sa akin ang fresh na fresh na post ni Ms. Dawn. Follower na niya ako dati pa. Aminin, kapag bagong sign-in na account sa IG mga artista agad ang finafollow. Eh sempre Dawn Zulueta, sikat na sikat na artista yan with her ka loveteam na si Richard Gomez. Nakooo! Lagi ko nga silang inaabangan sa "walang hanggan" e.

It's her birthday today at iyon yung pinuntahan nila Ma'am imee at Ms. Irene. Nakita ko sa pictures na magkakasama sila. At i thank god dahil nakarating sila ng ligtas sa palawan at the same time natuwa ako dahil napayagan sila bawat checkpoint.

Zinoom-in ko yung picture para makita ko sila bawat isa and i saw this one lady. Parang familiar sa akin. Parang nakita ko na ito dati. I don't know lang kung saan at kailan ito. Binalewala ko nalang iyon dahil dinadalaw na ako ng antok, matutulog na ako pero before that nagcomment ako sa post ni Ms. Dawn.

"Happy Birthday Ms. Dawn, i hope ok na po yang paa niyo" simple kong bati with sweet emojis.

If you remember, yung nangyaring aksidente kay Ms. Dawn noon sa ilocos na natapilok siya habang bumababa ng hagdan at to the rescue noon ang ate niyo, kaya sana magaling na yung paa niya na halos hindi siya makatayo at makalakad noon sa sobrang sakit nito.

After ko mailapag yung cellphone ko sa table na nasa side ng kama ko, niyakap ko na yung unan dahil napakakomportable ko kapag ginagawa ko ito at nakukuha kaagad yung tulog.

Irene's POV

Nagising na kaming lahat para sabay sabay mag-umagahan. At isa isang binati si Dawn ng Happy Birthday. Nasa iisang mahabang hapag kainan kaming lahat. Nakahanda na rin yung mga pang breakfast na pagkain. Hindi parin mawawala yung mga silog-silog na pagkain tuwing umaga.

Tapos na kaming kumain at nasa hapag kainan parin kami at nagkukwentuhan. Maya-maya nagsalita si ate imee pagkahawak niya ng kanyang cellphone.

"Dawn, check your IG. Tungkol sa post mo kagabi" ate imee.

Hindi ako masyadong nakakarelate dahil wala naman akong account. Saka ko lang nakikita yung mga post kapag may nagpapakita sa akin.

Pero sa pagkakasabi nito ni ate imee, nakaroon ako ng interest kung ano iyon. Marites lang? Pero pasimpleng kumakain ng dessert para hindi halata.

"Omg si kim ba ito? she commented on my post" gulat na sabi ni dawn.

Kinalibutan ako sa narinig ko nung binanggit ni dawn yung pangalan ni kim.

"Bakit ano sinabi ni kim?" Tanong ko kay dawn.

"Happy Birthday Ms. Dawn, i hope ok na po yang paa niyo" basa nito.

Napangiti lang ako sa sinabi ni kim. Kahit papaano, naalala niya yung paa ni dawn na sobrang nagpakahirap kay dawn nung nangyari iyon. Salamat kay kim dahil nandoon siya kaagad. Hero talaga siya.

Nagising nalang ako sa pagkatulala dahil naiisip ko yung nangyari noon.

"Ireneee!" Sigaw sa akin ni ate imee.

"Nakangiti ka na naman mag-isa" bulong sa akin ni greg at sabay smirk pa ito.

Hays! Tulala na naman akong nakangiti. Nakakahiya sa mga nakakakita sa akin.

Nagsisitayo na pala sila lahat at tumutungo sa dagat. Tumayo na rin ako at sinundan sila.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now