EPISODE 64

482 31 2
                                    

Irene's POV

Nagising ako ng mga 5:30 am dahil kailangan na rin naming umuwi ni Greg. May meeting pa kasi ako later via zoom.

Still ganoon pa rin yung pwesto namin ni kim. Nakaunan ako sa may braso niya at nag-alalang baka namanhid na ito kaya agad agad ko nang inangat yung ulo ko ng dahan dahan nang hindi siya magising.

Dahan dahan ko ring tinanggal yung isa niyang kamay na nakayakap sa bewang ko. Gumalaw naman siya ng kaunti at buti naman hindi siya nagising.

Bumangon na ako saka ko inaayos sa kanya yung kumot niya at tinabi yung bolster na nasa kanan ko. Noong naitabi ko na yung bolster, grinab niya naman ito kaagad saka niyakap. Yung parang ginawa niya sa akin.

I think kumportable siya kapag may kayakap siya sa pagtulog kaya ganun yung action niya nung natulog dito sa tabi ko.

After ng pangyayaring iyon, i went to the bathroom para maghilamos at saka ako bumaba. I saw Aling Josie preparing breakfast. At ang bango nito.

"Magandang umaga Aling Josie" bati ko sa kanya mula sa kanyang likod.

Humarap naman ito and she greeted me back.

"Maganda umaga rin po Ms. Irene" ngiti nitong bati.

"Tumabi na ba sa inyo si kim sa pagtulog? Kasi kaninang pag-gising ko, wala naman siya sa tabi namin. Sabi niya na makikisiksik nalang ito after niyang magawa yung report niya" Aling Josie countered.

"Aaah! Oo, mga alas dos na siyang natulog. E naalimpungatan ako that time kaya niyaya ko nalang siyang tumabi sa akin. Tsaka maluwang naman yung kama niya para sa aming dalawa" i said.

"Kaya ayun! She's still sleeping, and i think may kaunting hangover pa iyon dahil uminom siya ng alak" i added.

"Ganyan talaga yan Ms. Irene, basta magpupuyat siya umiinom siya. Pero hindi naman lagi. She can control naman sa pag-iinom" she explained.

"Jusko! Tatlo pala ang may hangover dito sa bahay na ito" she added.

"Nako! Soup lang ang katapat niyan Aling Josie" i uttered.

"Talaga Ms. Irene. Sobrang lasing din kagabi yung dalawang Mister. Buti nga nabuhat namin ni kim si Sir Greg dahil medyo matcho si Sir" she said with giggles.

"Kaya nga Aling Josie, mabigat yung dinadala niya sa kanyang tyan. Btw, Gusto niyo po bang ako nalang ang magluluto ng soup para kay sa kanila, Aling Josie?" I offered.

"Sigurado po ba kayo Ms. Irene, ayos lang naman" Aling Josie said.

Nagtungo naman ako sa may stove saka ako nagsimulang gumayak dahil baka maya-maya gising na yung tatlong lasing.

"Ayos na Aling Josie, naihanda na ang lahat. Pwde na natin silang gisingin para sabay sabay na tayong mag-umagahan" pag-ayaya ko.

Ngumiti lang naman si Aling Josie sa sinabi ko.

"Pero saan pong kwarto nakatulog si Greg, Aling Josie?" i asked.

"Aaah! Dito po bandang kaliwa Ms. Irene, o siya ako rin po gigising ko na rin si Eddie" Aling Josie said.

Pumunta naman na ako sa kwartong binanggit ni Aling Josie kung saan doon yung guest room nila at doon nakatulog si Greg.

Sakto namang bumababa na si Kim galing sa taas.

"Oh anak! Halika na rito para makakain na" pag-aaya ni Aling Josie habang nakahawak sa doorknob ng kanilang kwarto. Napalingon naman ako sa kanya at saktong humikab ito at hinihilot yung ulo niya.

"Magandang umaga sa iyo kim, masakit ba ulo mo?" I greeted.

"Ooh! Goodmorning rin sayo Ms. Irene, medyo masakit po dahil kulang sa tulog. Pero si Sir Greg po, hindi pa ba siya gising?" She asked.

"We're about to wake them up, para sabay sabay tayong kakain ng umagahan" i answered.

"Aaah ok!" Tipid nitong sabi dahil na rin siguro sa sakit ng ulo niya at agad naupo sa hapag kainan.

Binuksan ko naman na yung kwarto at nakita kong tulog pa rin si Greg.

"Greg! Greg!" Sabi ko sabay tapik ng kanyang balikat.

Nagresponse naman ito at minulat ang kanyang mga mata.

"Hmm? Omg! Ang sakit ng ulo ko" pagrereklamo nito.

Hays! For sure masakit rin yung ulo ng asama ni Aling Josie.

"Wake up na at kakain na ng breakfast para makauwi na tayo. I have meeting pa later. Kaya bumangon na jan" i said.

Nagtungo naman ako sa dalawang pintuan para hanapin kung nasaan yung bathroom. I opened the first door and it was a walk-in closet rin, may iilan lang itong mga gamit. At sa pangalawang door, ito na yung banyo ng guest room na ito.

"Eto yung banyo nila, gumayak kana at maghilamos. Kanina pa naghihintay yung pagkain" i said.

Tumayo naman na si Greg at nagtungo sa banyo. Pagyari nun, lumabas na siya.

"Anyways, saan ka natulog? Tumabi ka ba sa akin?" he asked.

"Nope! Sa kwarto ni kim ako nakatulog" i answered.

"And why? Bakit hindi ka dito natulog and i think this is their guest room" he asked.

"Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako doon sa couch niya e, pero pinalipat rin ako sa kama ni kim" pagpapaliwanag ko.

"And magkatabi kayong natulog?" Tanong ulit nito.

"Yes! And why not? We're both girls, at walang malisya yun Greg" I uttered.

"Oo, wala pero sakin meron dahil alam mo bang --" putol na sabi ni greg dahil may kumatok sa pintuan.

"Yes!" I answered.

Bumukas naman yung pintuan and it's Aling Josie.

"Gising na po ba si --, aaah! Gising na po pala kayo Sir Greg. Kakain na po tayo" sabi nito.

"Aaah yes, of course " sagot ko at naglakad na para lumabas ng kwarto. Sumunod naman si Greg sa akin.

Hindi ko na pinansin si Greg dahil iba na naman ang nasa isip nito tungkol kay kim. Nakikita ko naman na walang mali kay kim at bakit ganun nalang ang sinasabi ni Greg sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si kim na nagbo-browse ng kanyang cellphone mukhang natagalan ata kami. At pinaghintay namin siya at yung pagkain.

Nakapagsettle na rin si Mang Eddie.

"Magandang umaga sa inyo dalawa! Maupo po kayo" bati ni Mang Eddie.

Naupo na rin kami at nagsettle. Maya-maya binasbasan na rin ni Aling Josie yung pagkain.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon