EPISODE 49

499 34 2
                                    

Kim's POV

"You cooked all of these Ms. Irene?" Tanong ko.

"Yes. Except this one kasi sa Starbucks ko ito binili with coffee" she answered while pointing the pancakes.

Nilaklak ko na yung soup na niluto ni Ms. Irene para sa hangover ko pati yung itlog na niluto niya. Marunong pala siyang magluto at masarap.

Habang kumakain kami ng breakfast kahit tanghali na, niyaya ako ni Ms. Irene na pumunta ng cauayan city para bisitahin yung contruction.

"Kim? Wala ka bang lakad ngayon? Kung wala pwde mo ba akong samahan pumunta ng cauayan city?" She offered.

"Yuuuuh sure. Bakit hindi niyo po kasama si Sir greg?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi e. Next week pa siya babalik rito dahil marami pa siyang aasikasuhin sa makati" she answered.

Tumango tango lang ako bilang sagot. After naming kumain, nagbihis na ako ng pang outfit dahil sasamahan ko siyang pumunta ng cauayan city.

Pagkayari kong makabihis, bumaba na kami at nagpaalam na kay mama.

"Ma! Alis na po kami. Pupunta po kaming cauayan city" paalam ko kay mama.

"Mananaghalian ba kayo rito?" Tanong ni mama.

"Baka hindi na ma" i answered.

"Next time po aling josie" sagot naman ni Ms. Irene.

"O sige, kim ingatan mo si Ms. Irene ha. Yang pagdadrive mo" bilin ni mama.

Natawa kami parehas ni Ms. Irene dahil sa bilin ni mama.

"Opo ma, iingatan ko siya" bulong ko kay mama sabay yakap. Kinikilig ako dahil sa pagkakasabi ni mama.

Dumeretso na ako sa sasakyan ko pero si Ms. Irene dumeretso naman sa sasakyan nila. Naalala ko mga naturingang may mga driver pala ito.

Pero habang ini-start yung engine ng sasakyan ko nakita kong papalapit si Ms. Irene.

Bumaba naman ako at baka may gusto siyang sabihin sa akin.

"Can i ride with you?" She said.

Kinilig ako sa sinabi ni Ms. Irene kaya napangiti ako. Hindi ko muna siya sinagot at agad pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan.

"Of course Ms. Irene" i said sabay bukas ng pintuan at nag hand gesture na pwde na siyang pumasok.

"Thank you" sabi naman ni Ms. Irene at ngumiti. Sumingkit yung mga mata niya nung ngumiti. Accck! My heart is falling.

Dali dali na rin akong sumakay at pinaandar yung sasakyan.

Habang nasa byahe, hindi mawawala ang soundtrip. Napansin kong sinasabayan ni Ms. Irene yung beat ng music dahilan na nakita ko yung bracelet na binigay ko sa kanya. I thought hindi na niya ito susuotin pero she still wearing it.

"Bagay na bagay po yung bracelet sa kamay niyo Ms. Irene" i said.

"Aaah oo, ang ganda niya. Kasing ganda mo kim" she said sabay angat ng kamay at tumingin naman siya sa akin.

"Nako Ms. Irene, wala pang swelduhan saka na muna yang bola ninyo" i said with chuckled.

"Akala ko hindi niyo na ito sinusuot" i added.

"No way. This was your first gift for me. Kaya hindi pwdeng mawala or hindi masuot. Remember? You said na magiging lucky charm ko ito. Naniniwala ako doon kaya always kong sinusuot ito" Ms. Irene explained.

Natuwa naman ako dahil sa sinabi ni Ms. Irene. Mas lalo na naman akong nainlove sa kanya.

Natapos yung kulitan namin sa sasakyan noong nakarating kami dito sa cauayan city.

"O my gosh, ang dami na nilang natapos" Ms. Irene surprisingly said.

Totoo, marami na nga silang natapos maski yung magiging office ni Ms. Irene tapos na.

May mga gamit na rin ito sa loob, kumpleto na. Nakoo, the best talaga itong si Clyde. Na-amaze naman si Ms. Irene sa nakitang interior ng kanyang opisina. Bet na bet niya ito. May nakalagay na ring logo ng kanilang magiging cultural center it's called "KULTURA", nakalagay iyon sa likod ng table ni Ms. Irene.

Meron na ring name plate na nakalagay sa desk niya "Irene Marcos-Araneta, CEO" yan lang yung nakalagay sa name plate niya dahil kapag buong pangalan ang nilagay baka aabot yun sa magkabilang dulo ng table niya sa sobrang haba.

Tapos sa harap nito, dito nakalagay yung mga sofa na uupuan ng mga board members with matching kape kape lang ganun.

Pagpasok mo ng office, makikita mo kaagad yung desk ng kanyang secretary niya. For sure meron na siyang nahire dati. May ibang silid naman for meeting place.

"What do you think kim? Ok ba?" Ms. Irene asked.

"Satisfied naman po ako sa design ni Clyde Ms. Irene. It's good!" I complemented.

"Me too. Nagustuhan ko lahat" she said with satisfying smile.

Lumabas na kami ng office at naglibot sa pinapatayong cultural center. Kinamusta ni Ms. Irene yung mga trabahador.

After naming bisitahin yung contruction. Ihahatid ko na si Ms. Irene sa kanyang condo, gabi na kasi. At bukas may work na ako.

Buong araw kaming magkasama ni Ms. Irene, at puros tawanan lang yung mga nagawa namin.

Nasa tapat na kami ng building kung saan yung condo niya. Bumaba uli ako para pagbuksan siya ng pintuan.

Bumaba naman na ito at agad nagtungo sa sasakyan niya. Agad rin siyang bumalik sa akin at inabot ang isang paperbag.

"Here" aniya nito.

"What's this Ms. Irene? You can't do this" sabi ko.

"Please just accept, maliit na bagay lang yan" sabi nito sabay kuha ng isang kamay ko para hawakan yung paper bag.

"Thank you for everything. Lahat ng sakripisyong binigay mo for my projects and for me also, kaya ayan" she added.

Ayokong may nagbibigay ng mga ganitong gifts lalo na kapag dahil sa tulong na binibigay ko. Kusa ko itong ginagawa at hindi ako humihingi ng kapalit.

I hate doing this pero no choice na akong tanggapin iyon at baka magtantrums pa itong napakagandang dilag na nasa harapan ko.

Niyakap ko nalang si Ms. Irene ng napakahigpit bilang pasasalamat. At sinabing.

"You always made my day completely and that's enough for me" bulong ko sa kanya.

Kumalas na ako ng pagkakayakap para makapasok na siya sa loob at makapagpahinga.

"Tatanggapin ko po ito ngayon pero sana this will be the last. Ayoko pong gawin niyo po ulit ito" habol kong sinabi.

Napansin ko naman yung reaction niyang tutol rito.

"Ms. Irene Marcos-Araneta?" Pagsusuway ko.

"Yuh yuuuh, noted Ms. Capitana" pag-aasar niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"What? How did you know that?" I asked.

"Marami akong nalalaman sayo" pang-aasar pa din niyang pagkakasabi.

Nagugulat nalang ako sa mga sinasabi ni Ms. Irene kaya napapaisip nalang ako kung gaano kalawak yung kaalaman niya tungkol sa akin.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now