EPISODE 47

541 37 5
                                    

Irene's POV

Nasa tapat na kami ng isang 2-storey na bahay kung saan may mga gulay na tinda. I think ito na yung bahay nila kim.

Bumaba na ako para tanungin kung dito nga ba talaga nakatira si kim. Nakita ko naman ang isang ale na nagtitinda.

"Magandang umaga po, pwde pong magtanong? Dito po ba nakatira si Kim Santiago" tanong ko sa ale.

"Omg! Ms. Irene kayo po pala" gulat niyang sinabi.

Mukhang siya yung mother ni kim dahil magkamukha sila. Parehas silang maganda. At mukhang mas matanda naman siya sa akin kaya hindi masyadong awkward.

"Si kim po ba? Tuloy po kayo Ms. Irene. Ako po si Josie, mother po ni kim" sabi nito.

Pumasok naman kami sa loob ng bahay nila. Ang ganda ng loob ng bahay nila, simple lang at malinis.

"Sandali lang Ms. Irene, mukhang tulog pa si kim. Late nang nakauwi, madaling araw na kanina" paliwanang ni aling josie.

"Bakit naka night shift duty ba uli si kim aling Josie?" Tanong ko.

"Meron siyang 4 days na day-off kapag night shift yung duty niya. E kagabi nagpaparty siya sa mga staff niya sa shop. E napainom kaya late nang nakauwi" aling josie said.

Party goer na rin pala itong kim na ito. Alas niyebe na at tulog pa rin, malamang may hangover ito.

"Sandali at gisingin ko" sabi sakin ni aling josie.

"Huwag na muna aling josie, uhmmm pwde ko bang gamitin yung kusina ninyo? Magluluto sana ako ng soup para dalhan nalang siya sa kwarto niya kung pupwde po?" Tanong ko.

"Hah? Sigurado ka ba Ms. Irene. Ayos lang naman kung ganon. Iyon po yung kusina namin. Kung may tanong po kayo huwag po kayong mahihiyang magtanong sa akin" sabi ni aling josie.

Maya-maya may lumabas galing sa isang kwarto dito sa baba. Isang matangkad na lalaki.

"Ooh! Lakay, andito si Ms. Irene. Batiin mo" sabi ni aling josie sa lalaki. Baka ito naman yung father ni kim.

"Magandang umaga Mrs. Araneta" iyon ang bungad sakin ng lalaki.

"Napadalaw ho kayo, bukambibig kayo lagi ni kim sa amin. Nabalitaan ko rin na may pinapatayo kayong cultural center sa cauayan city. Aba! Maganda po iyon, Mrs. Araneta" kwento ng lalaki.

"Ako po si Eddie, tatay po ni kim" dagdag nito.

"Magandang umaga rin sa inyo Mang eddie, kahit Irene nalang po yung itawag niyo sa akin" sabi ko sabay ngiti sa kanila at nakipagshake hands kay mang eddie.

"Salamat po sa inyo. Saan po pala banda yung kwarto ni kim?" Habol kong tanong kay aling josie.

Napansin kong tatlong kwarto ang nasa taas. Baka mali yung mapasok kong kwarto mamaya kaya tinanong ko kung saan banda.

"Aaah! Itong nasa unahan ang kwarto ni kim. O siya, ikaw na bahala sa kanya ha. Maiiwan na kita rito, nasa tindahan lang ako kapag may kailangan po kayo" sabi ni aling josie.

"O siya at may lakad rin ako ngayon Ms. Irene, maiiwan ko na kayo rito sa bahay. Feel at home Ms. Irene" paalam ni mang eddie.

Sabay nila akong iniwanan dito sa sala at ako naman nilibot ko muna ang tingin ko sa loob ng buong bahay. Napaka-hospitable naman nila. Pinayagan nila akong gamitin ang kusina nila para magluto ng soup para iakyat iyon sa itaas. Ito rin yung inihanda ko sa ilocos noong nagkaroon sila ng hangover.

Napansin kong wala akong makitang graduation picture, or diploma na nakasabit sa pader. Only one big family portrait ang nakita ko. Tatlo lang sila rito and only child lang si kim.

Hindi na ako magtataka kung saan nagmana itong si kim. They're all cool, at sobrang bait.

Nagsimula na akong nagluto ng soup. Hindi naman ako nahirapang manghanap ng mga gamit dahil naka-organized lahat sila. At lahat ng ingredients kumpleto sila rito.

Naisipan ko ring magluto ng sunny side-up, para hindi lang sabaw ang laman ng tyan niya. Magugustuhan niya ito dahil pinaghanda ko siya ng soup for her hangover at sunny side-up pero at the same time may magandang dilag siyang makikita pagmulat niya ng kanyang mata.

Walang kaalam alam si kim kung kailan ang balik ko rito sa isabela kaya alam ko rin na magugulat siya kapag nakita niya ako sa loob ng kanyang kwarto. Ayos lang iyon para masurprise siya sa ginawa ko.

Inihanda ko na yung tray, at inilapag yung isang bowl of soup, 3 sunny side-up at yung binili kong coffee at pancakes dahil sasabayan ko na siyang magbreakfast.

Umakyat na ako sa taas dala dala ang tray. At nasa tapat na ako ng kwarto ni kim kung saan tinuro sakin ni aling josie. Nilapag ko muna yung tray dito sa may lamesa na may vase saka ako kumatok.

Walang sumasagot mukhang mahimbing pa ang tulog neto. Dinahan dahan kong pinihit yung doorknob at buti naman hindi ito nakalock.

Nabuksan ko ito dahilan na kapasok ako ng kwarto. Buti naman tamang kwarto ang napasukan ko.

Kinuha ko na yung tray at pinasok rito sa loob ng kwarto ni kim. Dahan dahan kong inilapag dito sa lamesa na katabi ng kama niya.

Medyo malamig dito sa loob dahil may aircon ito. Hininaan ko ito dahil halatang balot na balot na siya ng kanyang duvet blanket, pero labas ang kanyang isang kamay at nakatagilid sa bandang kanan niya.

Hindi ko pa ring maiwasang libutin ang tingin ko. Napakaaliwas tignan at napaka aesthetic ng design ng kwarto niya. Nilapitan ko na siya para gisingin upang makakain na siya ng soup.

I saw her like an sleeping angel. Labas yung isa niyang braso at halatang she's naked, dahil wala akong makitang damit na nakasuot sa kanya even strap ng bra wala. Omg! Pero buti nalang nakakumot siya ng duvet blanket noong pumasok ako rito. Dahil sa nakita ko napakagat na lamang ako ng labi.

Ang cute niyang matulog, tinitigan ko siya habang tulog. Ang haba ng kanyang pilik mata. At ang pula pula ng labi. Hinaplos haplos ko yung buhok at bigla siyang gumalaw. Naramdaman niya ata yung paghaplos ko. Pero buti hindi siya nagising.

I'm still staring at her pero mukhang matagal pa ito magising dahil napakahimbing pa ng tulog kahit alas diyes na. Naisipan ko nang umalis papunta ng cauyan city para kumustahin yung mga nagtatrabaho doon.

Iiwanan ko na rito yung pagkain at babalik nalang ako kapag nagising na siya.

I kissed her head ng napakatagal dahilan na nagising siya. Lumayo kaagad ako sa pagkakahalik.

Sa una hindi pa niya ako napansin dahil tumatama sa kanya yung sikat ng araw galing sa kanyang bintana. Inunat unat niya yung katawan niya at eto ako pinapanuod siya habang ginagawa iyon.

Kinakabahan ako baka bigla niyang ibaba yung kumot niya sa harapan ko nang walang siyang saplot.

Pero pag-upo niya nakita na niya ako, at gulat na gulat sa nakita.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Sigaw nito habang hawak hawak yung duvet blanket sa bandang dibdib nito para hindi bumaba yung kumot.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ