EPISODE 57

404 29 3
                                    

*CONTINUTION

Kim's POV

After kong mahalo yung asin sa sabaw, it's time for bardagulan moment.

"Ma, tikman mo nga ito kung ok na?" Pag-aalok ko.

Agad naman akong nagtungo sa table kung saan siya nakapwesto. Nakita ko si mama na walang kaalam alam sa gagawin ko kaya tumatawa na ako sa loob looban ko pero need nating pigilan para maging successful ang prank na ito.

Tinungo ko yung hawak kong kutsara sa kanyang labi at agad naman itong tinikman. Hindi muna ako nagreact after niyang matikman yung sabaw.

"Kimmmm!! Too salty naman!" Reklamo ni mama.

Nakita ko namang napangitan siya sa lasa kaya doon ko na binagsak yung napakalakas kong tawa. Pero hindi ko muna sinabi yung totoo.

After kong matarget si mama, sinunod naman namin si papa.

"Lakay, tikman mo nga tong luto ng anak mo" pag-aalok ni mama kay papa na may halong inis sa mukha.

"Bakit? May problema ba? Masarap naman siya magluto e. Mana nga sa akin" pagpupuri naman ni papa.

"Basta tikman mo!" sabi ni mama.

Agad ko namang itinungo yung hawak hawak kong kutsara kay papa.

Agad namang humigop si papa ng sabaw dahilan na napadila siya.

"Luto mo ba talaga yan anak? Ang alat! Mukhang luto ng mama mo" pag-aasar ni papa.

"Halla mama luto mo raw oh" i replied.

"Ano?! Luto ko?! Baka gusto mong makatikim ng matamis eddie?" Sabi ni mama sabay tungo kay papa para paluin siya ng pambahay na tsinelas.

Tumakbo naman si papa para hindi siya mapalo. At naghahabulan na sila. Ako naman tawang tawa sa katarantaduhang ginawa. Maya-maya may nagdoorbell.

*DING DONG

Napatigil kaming lahat noong marinig ang doorbell.

"Mukhang nandyan na sila" sabi ko.

Napabalingkwas kami ni papa dahil hindi pa kami nakakahain. At si mama naman lumabas para pagbuksan ng gate at salubungin sila Ms. Irene at Sir Greg.

"Pa, dito na ba tayo maghahain sa kusina? Mukhang mas magada kung sa kubo tayo kakain" i suggested.

"Ooh! Magandang idea yan anak. Sige doon nalang. Kumuha ka ng mga pinggan para makalagay na tayo doon" papa replied.

Kumuha na ako ng mga pinggan para ilagay sa kubo na nasa likuran namin. Narinig ko naman nang nasa loob na ng bahay sila Ms. Irene at nakakahiyang makita ako dahil hindi pa ako nakakapagbihis simula kaninang dumating ako ng bahay.

Greg's POV

Nandito na kami sa tapat ng 2-storey house na may tindahan pero closed na ito.

"As your wish, dinala na kita rito para ipakita sa iyo na iba ang iyong iniisip" irene said habang bumababa ng sasakyan.

"Wala akong ibang iniisip gusto ko lang malaman" sagot ko naman sa kanya.

Nagdoorbell si Irene kaya maya't maya pinagbuksan kami ng isang Ali. Pagpasok namin ng bahay bumungad sa amin yung sasakyan ni kim na naka-pranked sa kanilang garahe. May nakita rin akong 4x4 ATV, Giant Talon Bike, at scooter.

"Hon, this is Mrs. Josie Santiago mother of Kim" pakilala ni Irene sa akin.

"Aling Josie, eto rin po si Greg ang asawa ko" irene added.

Nakipagkamay naman ako sa kanya. Kamukha niya si Kim, parehas silang maamo ang mukha at maganda.

"Magandang gabi po sa inyo. Ako po yung nanay ni kim Mr. Araneta" Aling Josie said.

"Greg nalang" i answered.

"Pasok po kayo. Yung dalawa baka naghahanda na sila" Aling Josie said.

"Sinong dalawa?" Tanong naman ni Irene.

"Yung mag-ama po, si Eddie at si kim" Aling Josie answered.

Pagpasok namin sa loob ng bahay namangha ako dahil sa sobrang maaliwalas at malinis dito sa loob. And one thing na nahuli ng aking patingin yung isang portrait na nakadisplay sa kanilang pader.

Portrait nilang tatlo. Ang galing ng pagkakagawa kuhang kuha yung mga mukha nila. Si kim at ang mother nito ay parang copy paste lamang, sa sobrang magkamukha nila.

"So where are they?" Tanong ni Irene kay Aling Josie.

"Nasa kusina po Ms. Irene. Maupo muna kayo rito. Che-check ko lang kung nakapaghain na sila" offer ni Aling Josie sabay alis.

Pagka-alis ni Aling Josie kinausap ko kaagad si Irene.

"Siguro ka bang tatlo lang sila rito?" I asked.

"Yes, bakit may nakikita ka pa bang iba?" sagot naman ni Irene.

Ang laki kasi ng bahay at may tatlong kwarto sa itaas. Makikita mo na ito kapag andito ka sa kanilang sala. Ang ganda ng mga interiors.

Habang tinitignan ang bawat sulok ng bahay na ito, napansin kong walang mga diploma o mga certificates o hindi kaya graduation pic na nakasabit o nakadisplay.

Kaya napaisip talaga akong may tinatago itong si kim at ang kanyang pamilya. Maya-maya tinawag na kami ni aling Josie.

Irene's POV

"Ms. Irene at Sir Greg, nakaready na po yung dinner. Sundan niyo nalang po ako" pag-aaya ni Aling Josie.

Pagtayo namin ni Greg sa couch, sumulpot naman si kim galing sa likod na nagtatakip ng mukha.

"Hey kim!" I said.

"Oh kim! Bakit? Saan ka pa pupunta? Kakain na tayo" sabi naman ni Aling Josie.

"Aaah! Hello po Ms. Irene at Sir Greg. You can start the dinner without me. I will just take a bath. Medyo maamoy na. Wala na kasing time kanina" kim explained.

"No it's ok. Hindi pa naman kami ganun gutom. Hihintayin ka namin" sumbat naman ni Greg.

"Salamat po Sir Greg. Sige po, pahintay nalang po mga 10 mins." She said.

"Ma, dalhin mo na sila sa likod" she added.

"Let's go" pag-aaya ni Aling Josie.

Dahil sa sinabi ni kim na dalhin kami sa likod, hind na ako nagdalawang isip na sa kubo kami kakain. Nakita ko iyon nung nasa balcony kami ni kim sa kwarto niya.

Sa likuran kung saan dito nakatanim ang iba't ibang klaseng gulay na kanyang binebenta sa araw araw.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now