EPISODE 11

538 25 3
                                    

👮‍♀️
KIM

"Thank you ulit lord sa bagong napaka-agang umaga" i whispered.

Nacheck naman na ni papa yung sasakyan ko kaya ilaan ko nalang sa pagchecheck ng emails at social medias. Sempre hindi mawawala yung panunuod ko ng tiktok. Then after 15 mins. Bumangon na ako. Magpapawis lang ako konti para hindi masyadong malamig kapag naligo ako.

Nagwarm-up ako ng mga 10 mins. Pagkayari nun naligo na ako at nagbihis. Outfit ko today, black tshirt at trouser na black din para astig. Nakatuck-in din para di magmukhang lolo then white shoes.

Naririnig ko na rin si mama sa baba. Alam kong magluluto siya ng breakfast, gusto niya kasing kumain ng umagahan para may sigla bago gumayak.

"Goodmorning mother" bati ko sabay back hug sa kanya. Sweet akong anak e, kaya for sure sweet rin akong jowa kung may jowa nga, pero wala e. HAHAHHAHA

"Anong gusto mong ulam, anak? Aaaah, alam ko na kung ano gusto mo" sabi ni mama.

Alam naman niya pala e, bat pa siya magtatanong? Nakuuuuu ma, bigyan kita common sense mga 2 kilos ganun, you want?

Pagkatingin ko sa kanya nagbibitak na ng itlog sa kawali. Yuuuh, it's sunny side up egg na toasted, my favorite.

"Ma, tawagan mo ako kapag may problema kayo dito ha. 2 days akong mawawala kaya magtake ka ng gamot. Mamaya mahihilo na naman kayo" bilin ko kay mama.

"Huwag ka mag-alala anak, hindi naman na ako madalas mahilo. Basta tawagan mo ako kapag nakarating ka na dun ha" bilin naman niya.

"Opo ma, tatawag at tatawag ako" i said.

Tapos na ako kumain kaya binuhat ko na yung mga gamit ko para ilagay sa sasakyan. 2:50am palang kaya pinapasok ko na si mama para matulog ulit. Si papa mahimbing matulog yun.

Minessage ko na rin sila karla at ate dean na babyahe na ako. Nagdrive naman na ako para maaga akong makarating doon.

*FF

Sumisikat na yung araw. Hindi ko mapigilang huminto at magpicture lalo na at maganda ang view kapag sunrise.

Isang oras nalang mararating ko na ang ilocos. Naghanap ako ng coffee shop sa ilocos through google map at may nahanap naman ako. Pagkatapak ko ng ilocos, pinuntahan ko kaagad yung coffee shop para makapagchill ng konti dahil nakakangawit magdrive. Tinawagan ko na rin sila mama para maupdate na nandito na ako.

🧓
IRENE

"Happy Birthday Dad" sabi ko habang hawak yung litrato niya. Hindi ko namang maiwasang umiyak kaya hinayaan ko nalang tong tumulo.

Pagkatapos kong magdrama, bumaba na kami ni greg para magbreakfast. Maaga yung misa ngayon kaya binilisan naming gumayak.

"Sabihin mo kila anton at dawn, mauna nalang sila sa church kasi paniguradong maraming magsisidatingang tao sa simbahan mamaya" sabi ko kay greg na parang nag-aalinlangan. Tumango nalang siya bilang sagot.

👴
GREG

Kinabahan ako sa sinabi ni irene. Kararating palang nila dito sa ilocos sina anton and dawn. Hindi totoong kasama ko sila kahapon sa restaurant. Nagsinungaling ako kay irene dahil kasama ko si Pia. Buti nalang at nakausap ko kagabi si anton kung aattend sila ng simba, e pupunta daw sila. Kaya maaga din silang bumyahe para makarating dito at makaattend ng misa sa paoay church.

Tumango nalang ako bilang sagot dahil kinakabahan ako baka magtanong tong si irene kay dawn kung magkasama kami hapon. Paktay tayo kung sakali.

🧓
IRENE

Nasa church na kami at marami nang tao ang nagdadatingan at nakaupo sa loob ng church. Nasa harapan kami dahil imimisa ni father si apo lakay dahil ngayon ang kaarawan niya.

Nakita ko na din sila anton at dawn dito. Bineso ko naman silang dalawa. Tsaka na kami magchichikahan kapag nasa cultural center na kami. At maya maya nagsimula na ang misa.

👮‍♀️
KIM

7:30 am na nung bumalik ako sa sasakyan para magdrive ulit dahil 30 mins. Pa daw yung byahe from here to malacañang of the north.

Habang nasa byahe pa, nakikita ko nang naghahanda ang mga tao dito makikicelebrate din sila sa bday ni apo lakay. Andaming bandiritas na nakakabit sa daan. May banner din na may nakasulat na "Happy Birthday Apo Lakay".

Dahil linggo ngayon, lahat ng tao iisa ang direksiyon. Nagpupuntahan sila sa paoay church. Doon na rin ako napunta dahil traffic sa dami ng tao, eh isang way lang ang daan kaya dito na ako napadpad. Naisipan ko nalang din magsimba 'coz why not divaaaa?

Tinawagan ko si karla kung nasaan sila ngayon.

*CALLING TO KARLA

"Hello, karla? Nasa ilocos na ako. Nasa paoay church ako ngayon. Nasaan kayo? I asked.

"Nasa sasakyan ako ate, papuntang cultural center. Pinadala ko nalang yung photographer at videoghaper jan sa paoay church para makuhanan ng pictures ang marcos family" karla replied.

"Hindi na ako makakapunta jan dahil sobrang traffic, andaming tao" dagdag niya pa.

"Osige, tignan ko nalang sila dito baka sakaling makita ko nga sila at sabay sabay na kaming pupunta ng cultural center. Doon na kami dederetso" sabi ko.

"Sige ate kita kits nalang doon" karla said.

"Sige, pakisabihan nalang din si ate dean na andito nako sa ilocos kapag nakita mo, byeeee" sabi ko sabay baba ng phone.

*CALL ENDED

Nagpark na ako malapit sa church. Pagkababa ko, napakamot ako ng ulo dahil paano ko kaya mahahanap yung photographer at videoghaper neto sa daming tao.

Pero for sure, sa marcoses lang sila nakatutok yung mga yun para kuhanan ng mga shots. Kaya ang hinanap ko, yung mga marcoses. Pagkapasok ko ng church, rinig ko yung boses ni bongbong marcos dahil nageecho sa loob ng church kahit hindi ko siya kita.

"Andito ako ngayon hindi bilang senator, nandito ako bilang isang anak ni apo lakay ferdinand marcos" bbm said.

Napahanga ako dahil napakahumble nila. Kaya mahal na mahal sila ng taga ilocos dahil sa magandang magtrato nila sa mga tao dito.

Nandito lang ako malapit sa labas nakatayo, wala na kasing mauupuan. Pero hindi ko padin mahagilap si Ms. Irene, kulang pa ba yung tangkad ko para matanaw ko na siya sa harapan?

*FF

Tapos na ang misa kaya nagsilabasan na ang mga tao. Malapit lang ako sa exit kaya nakalabas ako agad.

Nakita kong natanggal yung isang sintas ng sapatos ko kaya yumuko ako nang maitali ulit yung sintas.

Nagulat naman ako nung biglang may nakabangga sakin buti nakabalance ako at hindi natumba. Pagtingala ko nakita ko Ms. Irene. Napatigil ako mga 10 seconds, dahil sa nakita ko. Napaslow motion ang lahat.

Hindi ako makagalaw at nakatulala lang sa kanya. Wala akong ibang naririnig kundi tibok ng puso ko. Anlakas parang sasabog na.

Nagising nalang ako sa pagkatulala nung tinapik ako.

"Iha, ayos ka lang?" Tanong ni Ms. Irene.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon