EPISODE 20

577 24 5
                                    

🧓
IRENE

Habang umiindak. Nagtanong si kuya bonget.

"Si kim ba yun?" Tanong ni kuya bonget sabay turo.

Tumingin naman ako kung saan yung tinuturo ni kuya bonget. May nakatayo sa may fountain, tinititigan ko ng mabuti dahil medyo malabo pagtingin ko at malayo siya. Noong na figure out ko, si Kim nga. HAHA anong ginagawa niya jan? Jusko.

"Oo kuya, si kim nga" sagot ko.

Kumukuha na naman siya ng mga litrato. Hindi ba napupuno memory card ng camera? Unlimited MB ganun? Pero narealize ko rin na hilig niya yan kaya ganyan siya. Ibubuwis yung buhay para sa isang anggulo.

Aba! Sumasayaw rin siya habang kumukuha ng litrato. Hanggang siya ay nahulog. Saksi yung mata ko kung paano siya nahulog. Paghakbang niya palikod hindi niya naapakan yung semento kaya siya nahulog.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhy!" Sigaw niya.

Kaya lahat ng tao napatingin kung saan pinaggalingan ng sigaw. Tumakbo ako papunta sa kanya pero hindi ko siya naabutan. Umaahon siya kaagad at tumakbo. Kaya doon ko nalang siya sinundan.

Basang-basa siya. Pati yung hawak niyang camera. Dumeretso siya ng backstage, sumunod naman ako dahil nag-alala rin ako. Baka may galos siya dahil semento yun at kung may nainom ba siyang tubig, buti at hindi nalunod.

"Are you ok?" Pag-alalang tanong ko.

"Pahinging tuwalya!" sigaw ko sa mga tao doon pero i think yung mga staff niya yun.

Nakita ko namang papalapit yung isang staff at inabot yung tuwalya. Nanginginig na siya sa lamig.

"Thank you Ms. Irene" sagot niya.

"Pwde ba muna kayo umalis guys?"sabi ni kim sa mga staff niya. Sumunod naman sila at ngayon dalawa lang kami dito sa backstage.

Hinubad naman niya yung jacket niya at shocks latak na latak yung 4 packs niya dahil dikit na dikit yung katawan niya sa tshirt. Pati yung malalaking muscles niya sa braso. Hindi ko naiwasang mapa lip bite at nanlaki yung mata.

Parang napaslow motion ang lahat habang naghuhubad siya ng jacket.

Relax irene, alam kong nakakakita ka na ng ganyan sa mga magazines pero bakit iba yung feeling ko nung nakita ko si kim? Parang may mali pero ang hot niya kahit basang basa.

Naramdaman kong nag-init din ako kaya pinaypayan ko sarili ko gamit yung kamay. Nawala yung pagkatitig ko nung may nagbigay ng damit sa kanya sabay abot ng tuwalya sakin.

"Ms. Irene, pwde mo bang icover tong tuwalya para makapagpalit ako?" Utos sakin ni kim.

"Haaa? Aaah, sure" sagot ko sabay kuha ng tuwalya, 'coz why not naman divaaaa? Baka sakaling may makita ako HAHAHHAAHA chariz, dirty mind dirty mind.

Kinoberan ko naman siya at sinimulan na niyang maghubad. Nakita ko yung pagtaas ng kamay niya para tanggalin yung tshirt at ngayon kita ko lang yung hubad na balikat niya. Grabe, maski collarbone ang hot.

Nakita kong naglip bite siya kaya napa lipbite rin ako.

Kim ano baaaaa? Ano ba pinakain mo sakin bakit ako nadadala sayo? Baka dahil sa tubig na bigay mo kaninang umaga, baka may gumaya yun. Nakuuuuu!

"Ms. Irene, bakit po kayo nandito? Dapat nasa kalsada kayo sumasayaw" sabi ni kim.

"Ayos lang naman po ako e" dagdag pa nito.

"Saksi ako sa pagkahulog mo, nakita ka namin na nakatayo sa fountain" sagot ko.

"So pinapanuod mo ako doon?" sabi niya sabay ngiti saakin.

"Kayo Ms. Irene ha, huwag niyong sabihing idol niyo na ako" pagbibiro ni kim.

"Baliw, edi sana wala ako ngayon dito kung hindi kita nakita sa pagkakahulog" i said sabay baba ng tuwalya dahil done na siya magpalit.

"Btw, ayos kana ba? May galos ka ba o may nainom ka bang tubig? Yung camera mo kita kong hawak hawak mo yun, kaya ka nga nandoon dahil kumukuha ka ng mga pictures, diba? Tama ako diba? Ano ayos ka?" tanong ko habang hinahawakan siya.

👮‍♀️
KIM

Nandito rin si Ms. Irene kaya siya pinahawak ko ng tuwalya. Para hindi naman puros paganda at pasexy ang nakikita ko sa kanya divaaaa? HAHAHAHA.

Kinuha naman niya yung tuwalya at kinober sakin. Ayan may ambag kana Ms. Irene. HAHAHAHAHA

After ko magpalit nagtanong siya ng napakadami. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagtatanong.

"Btw, ayos kana ba? May galos ka ba o may nainom ka bang tubig? Yung camera mo kita kong hawak hawak mo yun, kaya ka nga nandoon dahil kumukuha ka ng mga pictures, diba? Tama ako diba? Ano ayos ka?" ms. Irene.

Kita ko yung mata at boses niya na nag-alala siya sakin. Naiiyak ako dahil nag-aalala siya. Bigla ko naman siyang niyakap at binulong sa kanya na "ayos lang ako".

"Pero may galos ata ako sa binti" dagdag ko.

Dahil nararamdaman kong may mahapdi sa binti ko. Basa pa kasi ako kanina kaya wala akong maramdaman pero ngayong tuyo na doon ko lang naramdaman na may humahapdi.

Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakayakap at tinignan yung binti ko.

"Halaaaa! Ang laki ng galos, kim" sabi ni Ms. Irene.

Nginitian ko lang siya HAHA. Baka noong pagkahulog ko, sumagi yung binti ko sa semento at nagasgasan.

"Sandali tatawag ako ng medics" Ms. Irene.

"Huwag na po Ms. Irene, kaya ko na po itong gamutin" sabi ko.

Remind ko uli pulis to kaya alam ang first aid. Pero si Ms. Irene, hindi niya pa alam na pulis ako. Kaya quiet lang kayo. Shhhhh!

"Sigurado ka ba? Paano mo yan gagamutin e wala ka namang gamit? Andaming lumalabas na dugo oh" sabi ni ms. Irene na nag-alala.

"Opo, huwag na po kayo mag-alala. Sandali lang kukunin ko lang po yung first aid kit ko" sabi ko.

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Umupo ka nalang jan, ako na kukuha saan ko ba kukunin?" Tanong ni Ms. Irene.

"Sa sasakyan ko po" sabi ko sabay turo sa may parkingan.

"Akin na yung susi mo" ms. Irene.

"Eto po" sabi ko sabay abot ng susi.

Napangiti ako nung lumakad na siya papuntang parkingan. Open stage kaya tent lang yung nandito, kaya kita ko padin siya hanggang parking area.

Napaka expensive at sexy ng lakad. Napakalalahanin niya pa. Akalain mo yun, tinigil niya yung pagkekembot niya sa gitna ng kalsada para puntahan ako.

Eto pa, Isang Irene Marcos-Araneta ang umaasikaso sakin ngayon. Kakakilala niya palang ako pero sobra na yung pag-alala. Sarap naman sa pakiramdam na inaalagan ng isang Irene Marcos. At yung sobra ko pang inaadmire.

Naiiyak ako sa saya. Sobrang pangarap ko to. Salamat kay ma'am imee, dahil kung hindi kami ininquire ng service namin walang ganitong manyayari. At eto yung way para magkakilala kami ni Ms. Irene. Ngayon we're too close.

Pwde ba lord na ihinto mo muna yung oras para makasama ko pa siya ng matagal? Ilang oras nalang uuwi na kami ng isabela after ng event na ito. At hindi ko na alam kung magkikita pa kami o hindi na.

She's coming kaya punas luha na. Hawak na niya yung first aid kit ko buti nakita niya, medyo antagal niya kasi.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now