EPISODE 66

507 34 12
                                    

Irene's POV

Habang nililinisan ni kim yung karne ng baboy, naghihiwa na ako ng bawang at sibuyas na pang-gisa mamaya.

After niyang mahugasan at ichopped yung karne. Nagsalang na siya ng palayok saka niya inopen yung gas stove. Naglagay na rin siya ng mantika sa palayok, at pagkatapos ng ilang segundo at mainit na yung mantika nag saute na si kim.

"Hmmm! Ang bango" i said dahil napakabango talaga nung bawang na ginigisa.

Ngumiti lang naman si kim sa reaction ko.

"Maupo muna kayo, hintayin niyo nalang itong maluto" she said.

Pero wala pang bigas na naluto kaya naisipan kong ako na ang magsasaing. Kinuha ko naman na yung kaldero ng rice cooker at saka nilagyan ng bigas na pang sakto lang sa aming dalawa.

Ginagawa ko ito noong nasa California niya kami at sempre hindi naman uso doon ang may kasambahay kaya ako na yung nagiging full mom at asawa sa bahay na iyon.

"Oooh! Alam niyo palang magsaing Ms. Irene" pagtatakang tanong ni kim.

"Nako! Huwag mong isipin na hindi ko ito ginagawa dahil ito yung ginagawa ko kapag nasa California kami. Kaya tumahimik ka jan, magfocus ka jan sa niluluto mo" pang-aasar ko.

After kong isalang yung kaldero sa rice cooker, umupo muna ako at simulang pagmasdan si kim habang nagluluto.

Nakatalikod siya sa akin at nakaharap siya sa niluluto niya. Dahil nageenjoy akong pagmasdan siya sa harap ko hindi ko maiwasang isipin yung nangyari sa min noon sa sasakyan niya.

And starting making words on my mind saying.

"Sana magka-edad tayo at nakilala kaagad. Wala naman akong interest magkagusto sa babae pero sayo lang ako nahulog ng ganito. Alam kong mali pero iyon yung tinitibok ng puso ko. Araw-araw kitang naiisip, araw-araw kitang namimiss. How i wish na sana mas maaga kitang nakilala pero ganun talaga ang tadhana. Sa time na magpapakasal na ako kay Greg, doon ka namang lumabas sa mundo. Ang unfair lang dahil bakit sa mga ganitong pagkakataon lang kita nakita at nakilala"

Yan ang sinasabi ng utak ko habang nilalaro ko yung finger ko nang naka-siring sa kanya na para bang kinukulit.

"Hmm! So yummy" bigla nitong sabi dahilan na binaba ko na yung kamay ko.

"Ok na ba? Sige at maghahain na ako mukhang luto na rin yung bigas" sabi ko sabay tayo.

Luto na yung bigas kaya nagprepare na ako ng mga pinggan. Inihain na rin ni kim yung niluto nitong adobo.

Pagkasettle namin nagpray naman na si kim para sa food at we start eating. Sinandukan ako ni kim ng nilutong niyang adobo at tinikman ko iyon kaagad.

"Hmm! Sobrang sarap naman neto kim. Ang galing mo talaga sa lahat ng bagay" pagpupuri ko.

Ngumiti naman ito sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

"Pagluluto rin kasi yung dapat mong matutunan. Kapag isa kang pulis dapat alam mo ang magluto dahil kapag nagawi ka sa isang engwentro at napadpad ka sa ibang lugar, atleast alam mong dumiskarte ng pagkain at alam mong lutuin ito" she expalined.

Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.

Naparami ako ng kain dahilan na rin na gutom ako ng sobra. Naubos namin yung ulam na niluto ni kim pati yung kanin.

Tapos na kami kumain at ngayon magliligpit na kami ng pinagkainan. Nilagay na ni kim yung mga pinggan sa lababo at nagstart na siyang maghugas. Ako naman, magpupunas ng lamesa.

Kim's POV

Nilutuan ko ng napakasarap na adobo si Ms. Irene, at sempre nagustuhan niya naman ito. After naming kumain, niligpit na namin yung pinagkainan at ako yung maghuhugas ng mga pinggan.

Sa hindi inaasahan, napahawak ako sa may basag na baso dahilan na nasugat yung kamay ko.

"Aaaaah!" Sigaw ko sabay tingin sa nagdudugong daliri.

Nagulat naman sa sigaw ko si Ms. Irene kaya pumunta siya kaagad sa akin.

"Bakit? Anong nangyari?" Pag-alalang tanong nito.

Buti nalang hindi malaki at malalim yung sugat. Mahapdi lang kaya medyo masakit.

"Napahawak ako sa basag na baso kaya nasugatan ako" sabi ko.

Hinugasan ko naman iyon ng mabuti hanggang mawala yung dugo at nang hindi ma-infection.

"Sandali, kukunin ko lang yung first aid kit sa office" pagmamadaling sabi ni Ms. Irene.

Umupo muna ako habang hinihintay siya. At maya-maya dumating na rin dala ang first aid kit.

"Akin na yang kamay mo, ako na ulit ang mang-gagamot sayo" alok nito sabay kuha ng kamay ko.

Siya rin kasi ang nang-gamot sa akin noong naaksidente akong nahulog sa fountain sa ilocos at nagkaroon ng galos sa paa.

"Ooh! Not alcohol please" sabi ko dahil aakmahin na niyang kunin yung bottled alcohol.

"Nako! Alcohol lang pala katapat mo kim e. Eto na, i will use betadine for you, mahal na prinsesa" pagtetease ni Ms. Irene.

Nilagyan na niya ng betadine yung cotton saka pinahid sa sugat ko. Gentle niya lang itong ginamot. After niyang mag-apply ng betadine, hindi naman ganun ka-serious yung sugat kaya band aid nalang ang nilagay kesa gauge.

Pagkayari namin dito sa kusina, nagpunta na kami ulit sa kanyang office para pag-usapan kung ano man ang sasabihin niya sa akin kaya niya ako pinapunta rito.

Naupo naman na ako sa couch at nilapag niya ang kanyang laptop. Wala akong idea kung ano yung sasabihin ni Ms. Irene kaya hinahayaan ko lang siya, na siya ang unang magsalita.

After a while, bigla itong bumati.

"Hello! Kuya bonget" bati nito sa harap ng kanyang laptop.

Lumingon naman ako sa kanyang screen at they having zoom with Sir Bongbong.

"Kasama mo na ba si Kim?" Tanong ng nasa screen.

"Yuuuh! I'm with her na" sabi naman ni Ms. Irene.

Bigla naman niya ako hinila para makita ako sa camera at nang makita rin ako ni Sir Bongbong.

"Magandang gabi po Sir Bongbong" bati ko.

"Long time no see. Magandang gabi rin saiyo kim" he greeted me back.

"Hindi ko na patatagalin, Kim naririnig mo ba ako?" Sir Bongbong asked.

"Aaah opo sir! Loud and clear. Btw, ano pong meron?" I desperately asked.

"Eh ito na nga, dederetshain na kita" he said.

Tumango tango naman ako sa sinabi ni sir, at medyo kinakabahan ako at baka bad news yung sasabihin sa kin ni sir.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora