EPISODE 74

406 24 3
                                    

Irene's POV

Nadiscussed ko na kay kim ang dapat sabihin sa kanya about sa darating na kasal ni ate imee. Alam ko naman na professional na si kim about sa bagay na yan at sila imee nalang ang magdadagdag kung ano pa ang nais nilang ipagawa kay kim.

As of now, naka uwi na ako ng condo at si kim umuwi na rin. Nakita ko si greg na nakaupo sa may couch na may hawak na wine glass.

"I'm home" i said.

"Oooh hi! How was your day hon?" Tanong sa akin ni greg.

"It's a little bit tired but it's ok. And finally nasabi ko na rin kay kim about doon sa kasal ni manang at ni pres. Duterte" i explained.

"That's good to hear hon, kumain kana ba? There's a food in the table, kumain kana kapag, ok?" He uttered.

"Tapos na ako kumain hon, i'll take a bath na so we can sleep na" sabi ko sabay tungo sa bathroom. Good mood ngayon si greg ha, epekto ba yan ng wine o baka may nagawang kasalanan sa akin ngayon?

*FF

3 DAYS LATER.

Nasa pilipinas na si manang imee at ngayong araw na yung luwas ni kim papuntang manila para personally na imeet si manang imee at si PRRD and also to have more discussion about the wedding.

At ngayon nasa office ako having a meeting with some investors. Hindi ko na maharap makipag-meet kay kim before she arrive dahil sa meeting na ito. But i messaged her to take care at huwag magpapalipas gutom saka huwag niya akong kakalimutang iupdate kapag nakarating na ng manila.

And also greg doing his work while he is here in isabela. Since nasa manila ang trabaho ni greg puros virtual meeting ang nangyayari dahil ayaw niya akong iwan dito sa isabela nang mag-isa.

Inaayos ko na rin itong lahat ng paperworks, meetings, mga dapat ayusin para makaluwas narin kami ni greg ng manila at makapagready na para sa kasal ni manang imee na gaganapin sa davao.

"Ok! Approved" sabi ng isang investors.

"Thank you for trusting Sir" i said.

"Salamat din sayo Mrs. Araneta, see you around" paalam nito.

Nakipagshakehands na ako kaagad dahil gusto ko nang matapos itong meeting na ito.

"Ms. Nicole, may appointment pa ba ako? Pasettle na ako ng sched this week dahil by next week pupunta ako ng manila for my sister's wedding preparation" i uttered.

Sa manila muna kami tutuloy for preparation, sempre support ako sa lahat ng bagay na ikakasaya ng kapatid ko kaya sasamahan ko siyang magdecide kung ano man ang gusto niya sa magiging wedding nila ni PRRD.

"No problem po Ma'am, isang meeting nalang po with Engr. Ramos, for some discussion about the upper part of the building" She explained.

Sa bilis ng panahon, halos mag-iisang taon nang ginagawa ang cultural center kaya medyo marami rami na rin ang natapos at dahil kailangan nang matibay na pundasyon andyan lagi ang engineer ko para sa project na ito.

I have my meeting tomorrow with him, mahabang discussion na naman ito. At masisimulan na ang 2nd floor ng cultural center. I decided na magkaroon ng theater para may napapanuod yung nga bibisita sa center na ito, hindi lamang puros exhibition at displaying of arts ang makikita mo rito.

Kim's POV

I'm about to leave when i got a message from Ms. Irene, she said that i'll take care at huwag magpapalipas ng gutom then iupdate ko daw siya pagkarating ko. Kinilig naman ako sa sinabi niya, opo mag-iingat po ako. Ehe! Pero baka malilipasan talaga ako ng gutom kasi di kita kasama Ms. Irene HAHAHAHHAHAAH.

After mareceive ni COP yung letter from PRRD about my leave dahil sa gaganaping kasal niya at kailangan ako doon kaya hindi na nagpaligoy ligoy si COP.

Pinapa-alis na ako kaagad, pinapaluwas na ako. Kaya ito luluwas na talaga.

Nakapag-face time naman kami ni Ma'am Imee through zoom meeting and she said na mag-sstay muna kami ng manila dahil mag aayos pa ng ilang gamit na gagamitin sa kasal. I'm aware naman talaga na may mga bagay na wala sa inyong lugar na nasa manila mo lang ito mahahanap.

Dala ko itong sasakyan ko at yes isabela to manila ang gigirahin natin ngayon. Natulog ako ng sapat at after bumyahe kumain muna.

Ilang oras na akong nasa byahe at naramdaman ko ang gutom ko. Remember, huwag daw magpapalipas ng gutom kaya eto nag-stop over muna ako sa may 7/11.

I took 1 big cup of noodle na bulalo flavor tapos isang bote ng tubig. Nag-stay muna ako sa may table nila. Habang kumakain, nagbobrowse lang ako ng fb and then someone requesting to have fb live, aba! Magiging famous na ba tayo for today's vidyuuuw?

Agad ko namang pinindot yung live at may 10 viewers na kaagad.

"Hello! Kain tayo!" Pag-aaya ko sa sampung viewers na yun.

Ilang segundo pa umaabot na ng 200 viewers. Fan ba ako nito o mga marites lang?

As i read their comments, i answering naman so far ang kanilang mga questions at kinaya namang sagutin. Pero ulit ulit lang din naman yung tinatanong kung may jowa na ba ako, at sempre wala pa ang sinasagot ko.

After kong maubos yung isang cup noodles, need ko nang magpaalam sa 5k viewers. Hindi naman ako ka expose sa social media, hindi ko inexpect yung 5k viewers na yun thus i just granting someone requesting kaya nakapag live.

Need ko nang i-end yung live nang makapagbyahe na ulit. Bumili lang ako ng mga chitchiryars at chocolates para habang nasa byahe, ngumunguya para hindi antukin. Nagpatay na ako ng data ko para walang masyadong istorbo habang nasa byahe ako.

Bumili rin ako dito sa Starbucks para makabili ng coffee. Kulang ang araw kapag walang kape, kaya eto na.

Maraming oras na ang lumipas nakarating din ako dito sa Sophia Hotel, kung saan muna ako mananatili habang nandito ako sa manila.

Inupdate ko naman sila Ma'am Imee na nakarating na ako through phone call and she said na magpahinga muna ako at bukas na kami mag-memeet. I'm about to dial Ms. Irene number nung nagshut down yung cellphone ko.

Pagkacheck-in ko ng hotel chinarge ko na kaagad yung phone ko, saka ko nalang siya tatawagan mamaya. Inaantok na ako ng sobra kaya humilata na ako sa kama at agad na nakatulog.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now