EPISODE 17

548 23 5
                                    

🧓
IRENE

Natawa ako sa ginawa kong pagpopoker face at sakto namang naclick niya yung cam. Nagtawanan naman kami parehas.

Napawi yung sakit ng dibdib ko nung nakasama at nakipagtawanan kay kim. Napasaya niya ako kahit sa konting bagay lang. Nakikita ko sa kanyang mata yung pagka-sincere, and she's so lovely. Swerte ng mapapangasawa neto kung sakali. Napaka down to earth at the same time napaka-professional.

Hindi siya ignorante, alam niya lahat ng bagay. Kaya gumaan lalo yung loob ko sa kaniya.

Tinanong niya ako kung bakit mauuna na akong uuwi. Sinabi ko nalang na pagod ako at inaantok na kaya gusto ko na umuwi nang makapagpahinga na. Ayoko namang sabihin sa kanya about sa nalaman ko tungkol kay greg. Saka na kapag handa na akong magkwento at kung hindi ko na kayang itago yung sakit.

"Are you still single?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit natanong ko yun bigla. Pero why not naman divaaa? Masama ba magtanong?

"Uhm, Yes po" sagot niya.

"Bakit naman? Sa ganda at sexy mong yan you are still single" sabi ko.

"Ayoko po kasing mahirapan yung magiging jowa ko dahil isa lang yung taong inaadmire ko pero malabong mapasakin 'coz she's already married at alam kong happy na siya ngayon" she answered.

"Na curious naman ako sa sinabi mo, sino ba yan?" I desperately asked.

Ngumiti lang siya saakin. Grabe napaka disperada ko namang tao. Pati yun gusto kong malaman. Pero she's married sabi niya meaning babae yung tinutukoy niyang matagal na niyang inaadmire.

"ooooh nandito na po sundo niyo" sabi ni kim at meron na nga talaga yung magsusundo sakin.

"Sige see you tomorrow" i said sabay pasok ng sasakyan at nginitian siya.

"See you Ms. Irene" she answered.

At tuluyan na ngang nagdrive si manong papuntang bahay.

👮‍♀️
KIM

Andito na ako sa batac at chinecheck bawat corner ng stage. Open stage ito na nasa harapan ng circle papasok ng capitol. Yung circle fountain siya, lalagyan ko sana ng LED kaso hindi naman na aabot ng gabi yung event bukas kaya huwag na.

Habang hinihintay ko yung team, tumambay muna ako sa may trunk ng sasakyan at gagawa ng report. Dapat may maipasa akong report after ng day-off ko. Yun ung assignment mo tuwing day off mo.

Maya-maya dumating na sila ma'am imee at ng team. Yung team nila ate dean, mahuhuli pa dahil marami pa silang babaklasing mga tela. Tsaka wala naman na silang isskirt'an dito sa batac, aayusan lang nila yung isang elf, para yun ung sasakyan ng family marcos sa parade.

"Hello kim, ok na ba?" ma'am imee asked.

"Opo ma'am, goods na po na layout ko na po kung saan ilalagay yung mga instruments at mga speakers" i said.

"Osige, magstart na kayo mag-ayos para makapagpahinga na kayo after nyan" ma'am imee said.

"Ano pala, saan kayo matutulog? Saan kayo tutuloy after neto" dagdag niya.

Bigla namang sumagot si karla.

"Sa guesthouse po ng kaibigan ko" karla said.

"Maganda kung ganun. O siya, magsimula na kayo. Kim, ikaw na bahala rito ha" sabi ni ma'am imee.

"Opo, no problem po ma'am" i answered.

*FF

Nakapag-ayos na kami pati na rin sila ate dean. Nadecorate na nila yung sasakyan. It's time para makauwi sa guesthouse ng kaibigan ni karla.

Wala akong idea na may pa'guesthouse itong karla na to. Ang plan ko sana na itake sila sa hotel, treat ko. E may paguesthouse naman na sila, edi gora na. Bawi nalang ako next time.

Sa Vigan pala yung sinasabing guesthouse ng kaibigan ni karla. Hindi naman kalayuan mula sa batac. Pagkapasok namin sa guesthouse, natigil kami dahil parang kulang ang space para sa aming lahat, dahil kasama rin namin ang team ni ate dean.

Bale 26 lahat kami. And it has 6 rooms, bawat kwarto may dalawang double deck kaya 4 persons lang ang pwde.

"I think hindi tayo kasya dito lahat, so i will sleep nalang sa sasakyan ko. May foam naman ako e" i said.

"Ok lang ba sayo yun ading kim?" tanong ni ate dean.

"Of course naman, gusto kong comportable kayo sa pagtulog" i said.

"Pero may isa pa sa atin ang walang matutulungan" sabi ni kuya ben.

"Baka kasya nang dalawa doon sa sasakyan ko, sino may gustong makitulog doon?" Tanong ko sa kanila.

"Ako nalang" karla voluntarily said.

Nagvolunteer si karla para kasamang kong matulog sa sasakyan ko.

"Ayan solved na ang problem, mag-ayos na tayo. Magsipasok na kayo ng kwarto para makapagpahinga na" i said.

"Start ang parade nang 8am, kaya maaga tayong gumayak and please maligo tayong lahat. After nang parade, magpeperform ang drum and lyre and Orchestra na tinuturuan ni Ms. Irene" Sabi ko.

"At yung flashmobs hapon na yun after ng entertainment shows" dagdag ko.

Nakikita ko naman silang nakikinig sakin kaya napaka very good nila.

"Osige na, goodnight guys. Let's ko na karla" yaya ko kay karla.

Sumunod naman siya at may hawak na pillow. Inayos na namin yung loob ng sasakyan para mailagay yung foam ng maayos.

After namin mailagay yung foam nagkatinginan kami.

"Talaga bang kasya tao dito ate? HAHA" karla asked.

Natawa nalang ang aking naging reaksyon.

"Kasya yan kahit tignan mo" sabi ko sabay pasok sa sasakyan at nagsettle na para matulog. Si karla, nakatayo pa din.

"Halika kana dito. Maluwang pa oh" i said. Pumasok naman na siya at nahiga na.

"O diba? Kasiya pa, sabi sayo e" i said.

👧
KARLA

Pumasok na rin ako ng sasakyan para mahiga na. Kasya naman kami saktong sakto kaso magkadikit na yung mga braso namin.

After ng ilang minuto, nakatulog na siya. Pero ako mulat na mulat hindi ako makatulog. Kailangan ko nang pampatulog kaya kinuha ko yung cellphone ko at earphones.

Magpapamusic ako para makuha ko yung tulog ko. Nagsesearch ako ng song at nakita ko tong "Line Without a Hook by Ricky Montgomery".

Pinikit ko na yung mata ko habang nakikinig ng music at para makatulog na rin. Tumagilid ako dahil nakakangawit. Maya-maya tumagilid din si ate kim, magkaharap na kami ngayon. Ang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Konting konti nalang magdidikit na yung mga labi namin.

Napatitig naman ako sa kanya dahil ang ganda niya pa rin kahit tulog. Ang haba ng kanyang pilik mata, ang tangos ng ilong at higit sa lahat ang pula ng bibig.

Nagulat nalang ako nung dumilat siya. Akala ko naman mahimbing na yung tulog. Bigla naman niyang kinuha yung isang earphone and nilagay sa kanyang tenga.

"Hmm, i like the song" mahina niyang sabi.

"Lahat naman ng kanta gusto mo" sabi ko naman. Ngumiti naman siya bilang sagot.

Marami ng songs yung natapos at dilat pa din ako. Alam kong tulog na tong kasama ko dahil humihilik na. Kinuha ko naman na yung earphone na nasa kanya at pinatay ko na yung kanta. Pinikit ko na uli yung mata ko para makatulog na.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSEWhere stories live. Discover now