EPISODE 100

436 33 2
                                    

"D-4 BEFORE THE WEDDING"

Kim's POV

Another day, maaga akong gumayak ngayon dahil pupuntahan ko na ang mismong venue ng kasal. Pinatuloy kami ni Mr. President sa kanilang napakagandang Mansion dito sa kanyang hometown. Kumbaga ito ay tinatawag na Modern Mansion kumpara sa Mansion ng Marcos na traditional naman ang disenyo nito.

Nasa venue ako kasama yung mga ibang coordinator. At dahil bilang wedding organizer, diniscuss ko na sa kanila ang buong sequence ng kasal na magaganap. Natuwa naman ako dahil both sound speaker at banda ay meron. Hindi na kailangan pang maghanap ng banda para sa kasal. Well! Ganun din naman yung service namin sa isabela.

Sila Manang Imee inasikaso na ang mga kailangan sa kasal na hinihingi ng munisipyo. Floral vibes ang gustong motif ni manang imee dahil lagi daw siyang binibigyan ng bulaklak ni PRRD and sempre nandoon pa rin yung Hawaiian vibe.

Nasa mismong roof top ng building yung mismong pagaganapan ng kasal at sa mismong oras ng paglubog ng araw ganap na silang Mr. And Mrs. Duterte. Then yung reception dito na sa loob ng building.

Habang nagsesettle na yung mga team. Mukhang ok naman na yung kamay ko kaya tatanggalin ko na yung sling bandage para kumportable na rin akong gumalaw. But then, my phone pop up.

*DINNNNNNG

A message coming from LOML

"We're about to go to mall, and i brought your breakfast idadaan nalang namin dyan. I know maaga kang umalis at hindi na nakapag-umagahan. Kainin mo ito, ok?"

*END OF CONVO

Hindi na ako nagreply pa at hintayin nalang siya rito sa loob ng building. And habang naghihintay, nilinisan ko na muna yung sugat ko. Inalis ko na muna yung bandage na nakabalot at yung gauze na nakatakip sa mismong sugat.

Medyo hilom na ito, but still need ko pa ring linisan at sempre ingatan at baka magbuka ito kapag binabayaan ko.

"Ms. kim ako na po gagawa niyan" sabi ng isang staff saka kinuha yung cotton at nilagyan ng betadine.

"No! Ako na ang gagawa" sabi ng isang boses galing sa likuran namin. At nandito na pala si Ms. Irene.

"Aaaah M-ma'am Irene, m-magandang umaga po" mautal utal na sabi ng staff.

"Salamat nalang, pwde ka nang bumalik doon" mahina kong sabi sa staff na nag-offer ng tulong. Nandito na kasi yung doctor ko. Mwehehehe.

"Here's your breakfast, kainin mo ito. Ako pa mismong nagluto niyan" Ms. Irene said.

"Ooooh! Lumalabas ang pagiging material wife niyo ha, baka magalit na naman asawa niyo niyan" pagbibiro ko.

"Para hindi magalit pinagluto ko na rin" sagot nito habang nililinisan yung sugat ko. Expert na siya rito dahil simula nung naaksidente ako sa ilocos siya ang naggamot sa akin.

"Btw, anong gagawin niyo sa mall Ms. Irene?" i asked.

"Yung mga bata wala pa palang maisusuot sa wedding kaya ngayon pupunta na kami para bumili. Sila bonget at ang kanyang mga anak nauna na" wika ni Ms. Irene.

"Ganun po ba? Mag-iingat po kayo. Ok na po yan Ms. Irene ako na ang magtatapos, baka hinihintay na kayo ni Sir Greg. Alam niyo naman na kumukulo dugo sakin ni Sir Greg" i teases.

"Hmm, hayaan mo siya" she said.

"Sige, mag-iingat ka rin dito ha. Yang food, kainin mo na right away habang mainit pa" bilin nito saka niya ako bineso at niyakap.

Pagkalis ni Ms. Irene, nilagyan ko na ng bagong gauze yung sugat ko saka ko binalutan ng bandage. Hindi ko na nilagay yung sling bandage.

Irene's POV

Namimili na yung mga bata ng kanilang susuotin sa kasal. Meron naman na akong susuotin kaya wala na akong problema doon. Pati si greg settled na rin yung susuotin niya kaya sasamahan nalang namin silang mamili.

Habang naglilibot, my eyes caught the cowl neck backless satin dress na kulay white. Pagkakita ko palang nagfigure out na sa aking mga mata na babagay ito kay kim. I secretly purchased that dress saka ko pinalagay agad kay manong bodyguard sa sasakyan dahil once na makita o malaman ni greg for sure hindi na naman niya ito magugustuhan.

Ipapamukha na naman sa akin na pinaparamdam namin siyang special na tao si kim. But honestly, special na siya sa akin. Ni hindi ko na nararamdamang mahal pa ako ni greg dahil puros galit na lang ang pinapakita niya sa akin kahit wala akong ginagawa.

Nagkahiwalay hiwalay na kami at nadatnan ko si Xandra na ang aking daughter-in-law dito sa may department store while si luis naglilibot libot lang din. Tumitigin si Xandra ng terno na may blazer, tinulungan ko lang din siyang mamili ng design since mahilig din ako mag-fashion at tumingin ng magandang outfit for the specific person, kung ano man ang vibes niya, so I can help her.

Then after we picked some clothes, we saw greggy, alfonso and andy. Palabas na din sila sa toy store.

“Oooh! What is that my little prince?” I asked to my one and only apo.

“It is a puzzle card mamu, it has so many designs. And look what I have got mamu, an iron man robot. It looks like real” he said.

Natuwa naman ako sa apo ko kaya hinalikan ko siya sa ulo. Naalala ko tuloy yung isang piece ng puzzle card, hindi ko pa yun nababalik kay kim.

“So where’s other at nang makakain na tayo ng lunch. It’s almost 1pm” greg asked.

Maya’t maya lumapit na si luis sa amin.

“Tita liza called me at nasa restaurant na sila. Dito lang din sa mall” pag-aaya ni luis.

Sinundan lang namin si luis dahil siya lang ang may alam kung saang restaurant sila napunta. Then suddenly, sa isang unlimited samgyupsal’an pala sila nakarating. Nagcrave daw si sandro at vinny ng meat kaya dito ang ending nila.

No choice na rin kaming mga may edad na kahit masama sa kalusugan ang karne lalo pa at unlimited pa ito. Nagustuhan naman nung mga bata na dito kakain ng lunch.

To be continued.

WHEN AGE IS JUST AN EXCUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon