Prologue

6.9K 173 10
                                    

Book Cover by rose polly
Book Trailer by sayuriMa

Dedication: To Mia
Kung hindi niya sinabi na gamitin ko ang pangalan niya sa alinman sa mga isinusulat ko, hindi ko maiisip ipagpatuloy ang nobela na ito. My special thanks to you, my friend... to your hubby at sa mga friends natin sa mission.

Achievement ng PIV so far

Napasama sa wattys long listed 2018

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napasama sa wattys long listed 2018.


Teaser

Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kaya mo bang mabuhay sa bilangguang pati ang umibig ay ipinagbabawal?

Upang maisalba ang buhay ng kanyang kasintahan pinili ni Emerald Euxine na makulong sa Venus. Isang bayan na ikinulong sa matataas na pader upang gawing opisyal na kulungan ng kaharian.

Sa kabila ng masamang imahe nito, naniwala si Emerald sa pangako ng kasintahan na hindi siya mapapahamak sa Venus at makakalaya rin siya.

Iyon ang malaki niyang pagkakamali dahil ang lahat ay kasinungalingan lang. Sa loob ng Venus madarama niya ang kalupitan ng mundo. Matitikman ang di pagkakapantay-pantay at mararanasan kung paano pigilan ang pag-ibig na nais niyang ipagsigawan.



Prologue

Malupit ang mundo at madalas walang pagkakapantay-pantay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malupit ang mundo at madalas walang pagkakapantay-pantay.

Sa kabila nito ang mga tao ay patuloy na lumalaban upang mabuhay at upang magmahal.

Paano kung pati ang pag-ibig ipagbawal pa?
Magagawa pa ba nilang magpatuloy?

"Bumalik ka rito!"

Dinig na dinig ng sampung taong gulang na si Emerald ang malakas na sigaw ng bandido na humahabol sa kanya.

Nasa masukal na gubat sila.
Sa gitna ng gabi.
Sa gitna ng malamig na sandali.

Batid ni Emerald na wala na siyang takas, subalit hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo.
Kahit tila wala nang pag-asa, nais niya pa rin makalayo.
Nais niya pa rin makauwi sa kanilang tahanan.

"Huli ka!"

"Aaah!" Napasigaw ang kawawang bata nang tuluyan na siyang mahawakan ng malaking lalaki.
Nagpumiglas siya, pilit na kumawala subalit lalo lang humigpit ang pagkahawak sa kanya ng bandido.
Hanggang sa may marinig siyang malakas na tunog ng pagpalo.
Nang lumingon siya, nakita niya na bagsak na ang bandido.
Tiningnan ni Emerald kung sino ang pumalo rito---isang batang lalaki.
Gusto niya sana itong makilala, subalit madilim kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito.
Lalapitan niya sana ngunit biglang lumabo ang kanyang paningin.

Dala ng sobrang takot.
Nang sobrang pagod, tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nang magising si Emerald, nakasakay na siya sa karwahe ng mga regulator kasama ang isang batang lalaki.

"Mabuti nagising ka na. Ako si Gerad, ang nagligtas sayo," pagpapakilala ng batang lalaki.

Biglang napaluha si Emerald.
Naalala niya kasi ang mga nangyari.
Kung paano siya kinuha ng mga bandido at kung paano pinatay ng mga ito ang kanyang tiyahin.

Akala niya talaga ay hindi na siya makakatakas. Mabuti na lang dahil tinulungan siya ni Gerad.

"Salamat! Salamat!" iyak niya.

Sa mga sandaling iyon, ipinangako ni Emerald sa sarili na susuklian niya ang kabutihan ni Gerad sa kahit anong paraan.

Sa mga sandaling iyon, ipinangako ni Emerald sa sarili na susuklian niya ang kabutihan ni Gerad sa kahit anong paraan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


AUTHOR'S NOTE

"I don't care if I'm cut out for it or not. I'm going to do the battle with my body and win."

Ang sinabing ito ni HINATA SHOYO mula sa anime na Haikyu ang nagpaalala sa akin na hindi hadlang ang limitasyon at mga kahinaan upang magtagumpay.

ANG ISTORYANG ito ay isang kathang-isip, produkto ng aking imahinasyon at damdaming nais ipagsigawan.

Inspirasyon ko ang aking mga kaibigan kaya pangalan nila ang ginamit ko.

WARNING: May mga errors ang story. LIKE typos, etc.
Saka ko na lang po I-e-edit.

Thanks for reading.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now