Chapter 60 *Nikela*

1.1K 56 7
                                    

Author's Note

This is dedicated to Jo Austria.
Ang character na si Genica Austria ay base sa kanya.
(Nagtanong kasi ako noon kung sino ang gustong makasali sa kwento ko. Si Jo nga iyon at ang request niya ay kalaban siya kaya ayan...)

Anyway, I hope ma-enjoy po ninyo ang update na ito!  :)

Isa lang naman ang gusto ni Genica.
Isa lang ang kanyang hangarin.
Ang tanggapin siya ng kanyang ama.
Upang magawa iyon, tinanggap niya ang hamon na pumasok sa Venus.
Tinanggap niya ang responsibilidad na maging mata ng Serpent.
Masasabi niya na lahat ay inilaan niya para sa misyong ito.
Ang buong lakas niya.
Ang buong buhay niya.

Ngunit mukhang hindi sapat ang kanyang lakas.
Sa huli ay natapos din ang kanyang buhay.
Isang mabilisang pagtatapos.
Isang pagtatapos na hindi niya inasahan.
Pero ayos na rin.
Ayos na rin na dito siya namatay.
Ayos na rin na sa ganitong paraan.
Tutal ay ang mahal naman niya ang tumapos sa kanyang buhay.

Nakita pa ni Genica ang mga mata ni Double Zero bago siya tuluyang nanghina.
Gusto niya sanang hawakan ang mukha nito, pero hindi na niya nagawa.
Dahan dahan na siyang bumagsak tangan sa kanyang isipan ang tungkol sa lalaki at ganoon din sa kanyang ama.

Patawad ama.
Patawad kung mas pinili ko ang lalaking ito kaysa sa inyo, ani Genica.

Sa mga ulat niya kasi ay hindi niya isinali ang tungkol kay Nikela.
Hindi niya ito nabanggit.
Hindi niya binanggit.

***

Tiningnan ni Nikela ang wala nang buhay na si Genica.
Sayang, pero ito ang kabayaran sa ginawa niyang kataksilan.

Sinulyapan naman ni Nikela si Novi.

"Superior!" tawag ni Novi, pero hindi na siya kinausap ni Nikela. Parang hangin ang lalaki sa bilis na nakapunta sa lugar nina Juno at ng iba pang mga Hashke.

Nakita niya ang mga ito na nakikipaglaban sa mga higanteng nilalang.

Sa palagay naman niya ay kaya na nila na lumaban kaya nagpasya na siyang umalis.

***

Sa palasyo.

Palaki na nang palaki ang itim na butas na ginawa ng dating monghe na si Giba.
Parami na rin nang parami ang mga Hashke na nahihigop nito. Kabilang ang ibang mga Servant na naroon.

Napahalakhak ang siyentipikong si  Doktor Macro.  "Tapos na kayong lahat!" sabi  nito.

Ganoon din ang nasa isip ni Giba.Tapos na kayo!
Hinihintay na lamang niya na mahigop ang dalawang Hashke na ayon sa ulat ni Aries ay pinakamalakas.
Para kay Giba ay sila lang ang matatapang.
Balewala na ang iba.

Lalo pang pinalaki ni Giba ang itim na butas.
Palalakihin niya pa ito nang may biglang lumitaw na lalaki sa kanyang harapan.

Namilog ang mga mata ni Giba.
Bigla rin siyang napalukso ng tatlong beses palayo sa lalaki dahil sa kakaibang aura nito.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Doktor Macro.
Bakit umatras si Giba?
Bakit nito tinanggal ang itim na butas.

"Ah! Superior!" Halos sabay sabay na nasabi ng mga Hashke nang makita na ang lalaking humarap kay Giba ay ang kanilang Superior Double Zero.

Napakunot ng noo si Doktor Macro. "Superior?" Nakita nga nito ang isang lalaki.

"Sino ka?" tanong ni Giba gamit ang malamig na boses.

Wala pang dalawang segundo ay bigla nang lumitaw sa harapan niya ang lalaki.
Hinawakan nito ang kanyang makinis na ulo at inginudngod siya sa lupa.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now