Chapter 17 *Nabighani*

1.4K 60 1
                                    

PAGKATAPOS ng hapunan, ipinatawag ng Pinuno si Emerald sa kanyang opisina.

"Alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag," bungad ng Pinuno.

Dahil ba sa Superior? Ang hula ni Emerald.

"Tungkol ito kay Mia."

Ah, mali siya.

"At sa Superior."

Tama pala siya.

"Ano po ang tungkol kay Mia?" tanong niya.

"Napansin ko lang na mas bagay si Mia na maging Tagapagbili kaysa Tagahanap," sabi ng pinuno bago nito ipinatong ang mga siko sa lamesa at pinagkapit ang kamay.

"Sinasabi nyo po ba na hindi na sasama sa akin si Mia? Sa pamilihan na po ba siya magtatrabaho?"

"Oo, ganun na nga, pero dahil ikaw ang sundo niya, gusto ko na samahan mo pa rin siya."

"Pero... paano po ang gawain ko?"

"Wag kang mag-alala, Emerald. May napili na ako para pumalit sayo, pero babalik ka pa rin naman sa dati mong gawain. Sa ngayon habang bago pa si Mia samahan mo na lang muna siya."

Gusto sanang sabihin ni Emerald na hindi na niya kailangan samahan si Mia dahil marami na itong alam, pero dahil siya ang sundo nito, alam niya na hindi niya ito pwedeng iwan.

"Tungkol naman sa Superior..." Iyon ang paksa na ayaw sanang pag-usapan ni Emerald. "Malaki ang paniniwala namin na gagawin ka niyang Rose."

Ganun na naman? Pareho lang ng sinasabi si Pinunong Seed at si Ram.

"Mas maganda ito. Hindi mo na kailangan maghirap para maging bahagi ng First Squad."

"Hindi! Hindi yon ang gusto ko!" Agad na umangal si Emerald. "Pinuno, gusto ko talagang mapalipat sa First Squad pero hindi sa ganitong paraan... Ayokong maging Rose."

"Bakit naman... Kung ako ang tatanungin napakapalad mo kung magiging Rose ka."

Patuloy na tumanggi si Emerald. Sa totoo lang hindi ang pagiging Rose ang kaso kundi ang pagtanggap niya sa lalaki. Kung magigig Rose kasi siya ay parang nagpakasal na rin siya.

"Alam ko na mapalad ang mga mapipiling Rose pero... hindi ko ata kayang ibigay ang sarili ko sa taong hindi ko mahal."

"Hindi mo kailangang alalahanin ang tungkol sa bagay na yan. Kilala ko si Dustin kaya sigurado ako na igagalang ka niya. Ang isipin mo na lang ay ang maayos na pamumuhay. Matutupad na ang layunin mo."

"Hindi ko alam..." Iyon ang huling sinabi ni Emerald bago niya nilisan ang opisina ng Pinuno.

Pagpasok niya sa kanilang silid, nakita niya si Mia na handa na sa pagtulog.

"Anna, pinaghanda na kita ng mainit na tubig. Puwede ka nang maligo."

"Ah... salamat."

Dumiretso na sa banyo si Emerald.

Hinubad niya ang kanyang mga damit at inilubog ang katawan sa malaking batya na may maligamgam na tubig.

Ang sarap sa pakiramdam na gawin ito pagkatapos ng mahabang gawain. Masaya rin siya dahil si Mia mismo ang naghanda nito para sa kanya. Rose.

Bumalik na naman sa isip niya ang tungkol dito.

Ang Rose ay mga babaeng nagugustuhan ng Superior. Kahalintulad sila ng mga babae ng hari.

Naalala niya na sinabi iyon ni Jo.

Noong panahon ni Eleixis Acro mga babae lang ang mga Rose na binibigyan ng masagana at protektadong buhay kapalit ng pagpapasaya sa Superior... pero iba na ngayon. Simula nang mapalitan ang Superior nagkaroon na ng ibang kahulugan ang Rose. Ang mapipiling Rose ay yung mga babaeng magugustuhan talaga nila. Sa madaling salita mga babaeng mamahalin nila. Kung hindi sila magmamahal, hindi magkakaroon ng Rose.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now