Chapter 52 *Ang Kapatid ni Jo*

1.1K 47 1
                                    

Hindi normal si Ed Francia.
Oo. Hindi, dahil noon pa man batid na niya ang taglay na kapangyarihan.
May naiiba siyang lakas.
Isang lakas na hindi normal para sa isang ordinaryong tao.

Bata pa lang ay alam na niyang gamitin ang kapangyarihan.
Mula umpisa kasi ay tinuturuan na siya ng kanyang ama na si Eljio Francia.

May mga panahon na gusto niyang takasan ang pagsasanay upang makipaglaro sa ibang mga bata, subalit hindi siya pinahihintulutan ng ama.
Itinatak nito sa kanyang isipan na iba siya.

Naiiba siya dahil mas makapangyarihan siya.

Magsanay ka! At mas maging malakas pa!
Ang bilin ng kanyang ama.

Kung minsan nasasakal na siya.
Madalas niya ngang maisip na tumakas na subalit hindi puwede.

Ayaw niyang umalis dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang kapatid.

"Ate Jo!"
Nagkakaroon si Ed ng ngiti sa labi sa tuwing nakikita niya ang kapatid.
Hindi nito alam ang tungkol sa kapangyarihan niya. Sa katunayan ay wala itong alam tungkol sa pinagmulan nila.
Lalong wala itong ideya sa plano ng ama na pagbuo ng mga mandirigma na may dugong Nylan.

"Pinaplano n'yo bang gamitin si ate para makalikha ng iba pang mandirigma? " tanong ni Ed sa kanyang ama nang minsan niyang marinig ang pakikipag-usap nito sa tauhan ng hari.

"Hindi sapat ang kapangyarihan ko para makalikha ng mga mandirigma. Ang kailangan ko ay iyong may dugo ng Nylan, pero iilan na lamang tayo kaya kailangan ko ang tulong ng kapatid mo para mas dumami tayo."

"Pero ama! Kapag ginawa n'yo iyon hindi na magiging normal si ate. Pati ang magiging anak niya hindi na rin magkakaroon ng normal na buhay. Sa palagay n'yo ba magugustuhan iyon ng kapatid ko?"

"Bakit? Kailan ba naging normal ang pamilya natin?"

Natigilan si Ed.

Tinapik ng kanyang ama ang kanyang balikat. "Mga Nylan tayo kaya kahit kailan hindi tayo magiging normal." Tumalikod ma si Eljio pagkasabi niyon.

"Ama, sandali!" habol ni Ed.

Huminto ang kanyang ama.

"Huwag n'yo na pong idamay si ate. Huwag n'yo na siyang isali sa balak n'yo na paglikha ng mga mandirigma. Ako na lang ang gagawa ng paraan."

Humarap sa kanya si Eljio.

"Ikaw? At ano namang magagawa mo? Napakabata mo pa para magkaroon ng anak."

"Hindi ko pa kayang magkaroon ng anak, pero kaya ko pong magbigay ng kapangyarihan. "

"Ano?" Nagtaka si Eljio.

"Kailan ko lang po ito natuklasan. Ang tungkol sa isa ko pang kakayahan."

"Anong kakayahan iyon?"

"Kaya kong bigyan ng kapangyarihan ang sinomang tao."

Biglang napangiti si Eljio. "Sinasabi mo ba na namana mo ang natatanging kakayahan ng ating mga ninuno?"

Tumango si Ed.

"Kung gayon, sige! Tingnan natin kung hanggang saan ang kakayahan mo. Pumasok ka sa Venus."

"Sa Venus?"

Sa simula ay hindi pa masyadong nauunawaan ni Ed ang layunin ng ama, pero balewala iyon.
Pinili niya na sundin ito sa kasunduang hindi na nito idadamay pa si Jo sa planong paglikha ng mga mandirigma.


"Ama! Ano pong ibig sabihin nito!" Gulat na gulat si Jo nang malaman na makukulong si Ed.
Ilang linggo rin siyang nawala dahil sa training niya  bilang Regulator. Hindi niya akalain na sa pagbabalik niya ay ito ang kanyang malalaman.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now