Chapter 16 *Dustin Diamond*

1.5K 60 2
                                    

MAGANDA ang sikat ng araw.

Para kay Emerald, tamang-tama ito upang ipaalam kay Mia ang mga bagay na itinuro sa kanya noon ni Jo.

"Kabilang ako sa mga Tagahanap,"simula ni Emerald, "...At dito ko ginagawa iyon sa lugar na ito." Itinuro niya ang kakahuyan. Sa kasalukuyan nakatayo sila ni Mia sa bukana nito. Nagpatuloy pa siya sa pagpapaliwanag. "Maraming kakaiba at malalaking hayop sa kakahuyang yan. Meron silang mga pinagtataguan pero bawal natin iyong puntahan. Hindi rin natin sila pwedeng patayin. Ang gagawin lang natin ay ang putulin ang mga pangil o suwag nila."

Tumango si Mia.

"May makikita ka rin na mga kable sa paligid ng kakahuyan. Bawal tayong lumagpas doon dahil siguradong---"

"Alam ko na ang tungkol don!" pinutol ni Mia ang sinasabi ni Emerald. "Nasabi na sa akin iyon ng lolo ko."

Muntik na iyong makalimutan ni Emerald---na marami na nga palang alam si Mia. Ang husay nito para matandaan ang lahat ng iyon.

"Siya nga pala, anong sandata ang pinili mo?" Tungkol na lamang doon ang sinabi ni Emerald. Sa natatandaan niya pumipili ng mga sandata ang mga bilanggo bago pumasok sa Venus.

"Wala akong sandata," mabilis na sagot ni Mia.

"Ha?" Nagtaka si Emerald.

"Ang sabi ng regulator na si Elisse sapat na raw ang mga kaalaman ko sa Venus at ang hitsura ko para mabuhay dito."

Napanganga si Emerald sa narinig. Ganoon ba ito ka espesyal para hindi na kailanganin ng sandata? Nakakamangha.

"Ako naman ang magtatanong sayo!" Si Mia naman ang tumuon sa kanya.

Napalunok siya.

"Gusto mo rin bang mapalipat sa First Squad?" Iyon ang tanong ni Mia.

"Ah..." Hindi agad nakapagsalita si Emerald.

"Ang sabi ng lolo ko halos lahat daw ng mga prisoner gustong mapalipat doon... totoo ba yon?" dagdag na tanong ni Mia.

"Hindi ko alam ang sagot sa pangalawa mong tanong, pero tama ka... gusto kong mapalipat sa First Squad," sagot ni Emerald.

"Pero diba... mahirap mapalipat doon?"

"Alam ko na mahirap pero susubukan ko pa rin dahil iyon ang layunin ko."

Napangiti si Mia sa sinabi niya.

At malapit na akong mapalipat doon. Nararamdaman ko na malapit na. Naisip ni Emerald.

Boom!

Napatingin sa taas sina Mia at Emerald nang may marinig silang nagpaputok.

"Ano yon?" tanong ni Mia. Mukhang sa pagkakataong ito naubusan na siya ng kaalaman.

"May problema sa Den!" Biglang nag-alala ang mukha ni Emerald. "Tayo na, Mia. Kailangan nating bumalik!" Nagmadali siya sa pagsakay sa Trak niya. Nagtataka namang sumunod si Mia.

KUNG SAKALING may biglaang pangyayari, magpapaputok si Ram bilang hudyat na kailangang bumalik ng lahat sa Den.

Sa tagal niyang naging kanang kamay, ito pa lamang ang unang beses na nagpaputok siya. Hindi dahil may nanalakay sa kanila kundi dahil sa pagdating ng isang panauhin.

Kanina lamang, habang nag-i-inspeksyon si Ram sa labas ng Den ay may natanaw siyang trak na paparating. Ipinagtaka niya iyon dahil ang alam niya mamaya pa ang balik ng mga prisoner nila. Laking-gulat niya nang makitang hindi taga Fourth Squad ang papalapit.

Hindi pa man nakakababa sa trak ang taong iyon ay agad nang lumuhod si Ram. Halos isubsob niya ang kanyang mukha sa lupa.

"Hindi mo kailangang gawin yan," sabi ng lalaking bumaba mula sa trak. Ito ay walang iba kundi si Dustin Diamond.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now