Chapter 24 *Dalawang Katauhan*

1.6K 71 0
                                    


Kung magkakaroon si Emerald ng kapangyarihan na bumalik sa nakaraan, isang bagay ang itatama niya. Iyon ay ang sandali na muntik na siyang mahuli ni Baron. Kung maaari gagawin niya ang lahat para hindi mawalan ng malay. Kung hindi kasi siya nahimatay noon malamang nakilala na niya si Nikela. Nasabi niya sana sa lahat na ito ang nagligtas sa kanya kaya hindi ito makukulong. Baka nga matuwa pa rito ang kanyang ama at bigyan ito ng trabaho sa pagawaan ng mga sandata.
Sa madaling salita magiging kapamilya nila si Nikela. Sabay silang lalaki at magkakagustuhan. Magiging magkasintahan sila at magpapasyang magpakasal.
Hindi na sila mapupunta sa Venus bagkus ay magkakaroon sila ng tahimik at masayang pamilya.

Ganoon sana ang nangyari kung hindi nawalan ng malay si Emerald.
Pero kahit hindi ganoon ang nangyari, mukhang umayon pa rin naman kina Emerald at Nikela ang kapalaran.

Hindi man sila nagkakilala noon, nagkaroon pa rin ng paraan upang magkakilala sila ngayon.

"Nikela..."
Nakahanda na si Emerald na magpakilala. Handa na rin niyang sabihin ang kanyang desisyon na makipag relasyon na sa lalaki. Bawal iyon pero wala na siyang pakialam.

"Para saan ang yakap na iyon?" tanong ni Nikela. Namumula pa rin ang pisngi nito.

Hindi naman nawala ang mga ngiti ni Emerald sa labi. "May gusto akong sabihin sayo..."

"A-Ano yon?"

"Nikela..." Nagdesisyon na si Emerald na huwag itago ang nararamdaman niya, subalit may malaki siyang problema. Hindi niya alam kung paano iyon sasabihin.

Paano siya magsisimula? Anong salita ang una niyang gagamitin.

"Ano iyong sasabihin mo, Emerald?" tanong ni Nikela.

Ang tanong na iyon ang lalong nagpakabog sa dibdib ng dalaga.

Emerald, huminahon ka. Huminahon ka lang... sabi niya iyon sa kanyang isipan.

Huminga siya nang malalim bago tumingin ng diretso kay Nikela.

"H-Hindi ko alam... kung paano ito sisimulan, pero... pero..."

"Pero?"

"Nikela... "
Napatungo si Emerald. Ilang saglit pa tumunghay siya at muling tumitig sa lalaki. Hinawakan niya ito sa mukha at biglang hinalikan sa labi.

Siguro nababaliw na siya. Pero ito lang kasi ang naisip niyang mabilis na paraan para ipaalam sa lalaki na payag na siya na magsama sila.

"Nikela..." Pagkatapos ng halik, muling binanggit ni Emerald ang pangalan ng lalaki. Sa pagkakataong ito, may naisip na si Emerald na salita kung paano sasabihin na tinatanggap na niya ang lalaki subalit hindi na niya iyon nasabi dahil si Nikela naman ang humalik sa kanya.
Isa iyong nakapapasong halik na kapawa nila pinagsaluhan.

"Ate Emerald.."

"Ah!" Biglang naalarma si Emerald nang marinig ang boses ni Sierra. "Sierra!" Doon niya lamang naalala na naandon nga pala ang bata. Agad siyang tumuon dito."Pasensiya ka na. Hindi mo iyon dapat nakita!"

Alalang-Alala siya.

"Ayos lang po. Kaunti lang ang nakita ko. Tinakpan ko ang mga mata ko," sabi ni Sierra.

Hindi naman kumbinsido si Emerald... pero ano pa bang magagawa niya? Nangyari na yon. Kailangan na lang niya sigurong paalalahanan si Sierra na di iyon para sa mga bata.

"Nikela, magpaliwanag ka rin..." Humarap si Emerald sa lalaki subalit bigla siyang itinulak nito.

"Ah!" Sa lakas ng pagtulak na iyon ay napaupo si Emerald sa lupa.

"Ate Emerald!" tawag ni Sierra. Napabulalas ito dahil sa ginawa ni Nikela.

Takang taka si Emerald.
"B-Bakit?"
Nakita niya na napahawak si Nikela sa magkabilang tainga nito. Bigla rin itong napasigaw.
"Aaahhhh!" Tila ba may naririnig itong nakabibinging tunog.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now