Chapter 58 *Ang Laban ng mga Hashke*

1K 42 0
                                    


Nakita nina Nilo at Trez---dalawa sa mga Intruders ang pagbagsak sa lupa nina August at Mayori.
Duguan ang dalawang Hashke at may mga espada na nakatarak sa katawan.
Sa palagay nina Nilo at Trez ay wala na ang dalawa kaya nga nagpasya sila na iwan na ang lugar na iyon.

"Tayo na! Tapos na tayo rito," sabi ni Nilo.

Tumango si Trez.

Paalis na sila nang biglang mapansin ni Trez ang paggalaw ng kamay ni August.

"Ah!" Nanlaki ang mga mata ni Trez lalo pa nang makita niyang dahan dahang tumatayo si August.

"S-Saan kayo pupunta?" tanong ni August.

"Ano?" Nanlisik ang mga mata ni Nilo sa nakita.
Paano nagawa ng lalaking ito na makatayo gayong puro sugat na ito?

"Hindi n'yo alam kung ano ang mga pinagdaanan namin dito sa Venus kaya wala kayong ideya sa kaya naming gawin!" anas ni August.

"Anong sinabi mo!" Nanggalit ang mga ngipin ni Trez.

"Ang mga ito... Balewala lang ito!" Binunot ni August ang mga espada na nakatarak sa kanya.

"Ahh!" Hindi makapaniwala si Trez. Parang namangha. Tao pa ba ang isang iyan? Napatanong siya sa isip.

"Hiyaah!" Biglang sumugod mula sa likuran si Mayori, subalit mabilis iyong nailagan nina Nilo at Trez.
Lumukso sila palayo sa dalawang lalaki.

Tulad ni August ay duguan na rin si Mayori, subalit nagagawa pa ring kumilos. Tumabi ito kay August.

"Anong kalaseng mga nilalang kayo!" Napabulalas si Trez.

"Huwag kang magpalinlang sa kanila!" agad na kumambiyo si Nilo. "Oo, nagagawa nila iyan pero ang katotohanan ay mahihina na sila. Wala na silang kuwenta dahil wala na silang kapangyarihan!"

"Talaga?" sabi ni August taglay ang mapanghamong tinig. "Kami, wala nang kwenta? Sino namang nagsabi sa inyo niyan?"

"Kung akala n'yo maaapektuhan kami ng pagkawala ng aming mga kapangyarihan... nagkakamali kayo!  Wala kaming pakialam dahil nagsimula kaming lumaban na wala pa ito!" sabi naman ni Mayori.

At tama siya.

Karamihan sa mga napipiling Hashke ay iyong mahuhusay lumaban.
Maaaring may ibang Hashke na nasanay na at dumipende na nang husto sa kanilang mga kapangyarihan kaya mabilis na natalo, pero hindi ganoon si August. Hindi ganoon si Mayori.

Para saan pa ang pagiging piling Hashke nila kung basta na lang sila matatalo?
Hindi nila hahayaan na mapahiya sila kay Double Zero---sa Superior na pumili sa kanila.

"Hiyaaah!"
Sabay na sumugod ang dalawa, pero bago pa man sila makalapit ay pinaulanan na agad sila ng mga sandata.
Sinangga nila iyon gamit lamang ang kanilang mga kamay at paa.
Sa pagkakataong ito ay ginamit nila ang kanilang kaalaman sa mano manong laban.

***

Sa Hashke Village.

Kaharap pa rin ni Novi si Magnolia.
Taglay ng dalaga ang malaking ngiti sa labi. Batid kasi nito na wala nang magiging laban pa sa kanya si Novi.

"Para hindi ka na mahirapan gagamitin ko sayo ang ilusyon ko. Hindi mo na mararamdaman ang sakit. Wala nang paghihirap. Mabilisang kamatayan para sayo, guwapo!" sabi ni Magnolia bago siya nagpakawala ng usok.
Sa isang iglap ay binalot ng usok ang buong lugar.

Hindi na nakita ni Novi ang paligid. Maging si Magnolia ay hindi na rin niya nakita. Tanging ang malakas na lamang nitong pagtawa ang kanyang narinig.
Ilang saglit pa ay pati ang boses nito ay nawala na rin.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now