Chapter 26 *Ang Batang Nikela*

1.6K 57 1
                                    


SA WAKAS... pagkatapos ng mahabang panahon nakabalik na rin si Nikela sa palasyo. Tatlong taon na rin mula nang lisanin nila ng kanyang ina ang lugar na ito kaya naman sobra siyang nasabik sa muli niyang pagbabalik. Agad niyang pinuntahan ang paborito niyang lugar, ang tore ng palasyo. Dito ay tumayo siya sa pinaka mataas na bahagi. Tandang tanda niya pa iyong araw na minsan siyang dalhin dito ng kanyang ama. Magkasabay nila noong tinanaw ang kaharian.

Sa ngayon sampung taon na si Nikela... at di maikakaila sa singkit niyang mga mata ang kasabikan. Di kasi lingid sa kaniya na pagdating ng araw, siya na ang mamumuno sa kahariang ito.

Tama, siya. Dahil siya ang orihinal na prinsipe ng Liro.

Sa Liro, ang pamilya Alphonse ang mga dugong bughaw na namumuno. Dito kabilang si Nikela. Kamag-anak nila ang ikalawang pamilya, ang mga Rue.

Sa buong kasaysayan mga Alphonse ang namuno sa Liro. Nabago lamang ito nang mamatay nang maaga si King Alphonse XIV. Bata pa ang anak nito kaya kinuha muna ng pamilya Rue ang pamumuno. Itinalaga na hari si King Rue I. Nakilala ito sa buong Liro dahil ito ang nagpasimula sa Venus. Hanggang sa nakalimutan na ng mga tao ang tungkol sa mga Alphonse.Tumagal ang pamumuno ni King Rue I at ang pumalit sa kanya ay ang kanyang anak na nakilala bilang King Rue II. Sa paglipas ng panahon mga Rue na ang namuno sa Liro. Subalit dahil sa patuloy na pamamayagpag ng bilangguan ng Venus, marami ang nagalit sa gobyerno ng Rue. Dito na nagsimula ang mga tao na hanapin ang mga Alphonse. Sinabi nila na hindi dapat Rue kundi mga Alphonse ang namumuno sa kanila.
Nagbanta ang mga tao na magsasagawa ng pag-aaklas kung hindi ibabalik ang trono sa mga Alphonse. Doon na ipinahayag ng kasalukuyang hari, si King Rue IV na wala nang natitirang Alphonse. Ang iba ay namatay na, ang iba naman ay nakulong sa Venus sa salang pandarambong.
Subalit mali siya dahil mayroon pang isang Alphonse... at iyon ay si Austin.
Isa itong gwapong binata na may taas na anim na talampakan. Taglay nito ang isang matalinong mukha at itim na mga mata.
Ang gobernador ng bayan ng Mandrake ang nagpakilala rito.

Unang kita pa lamang ng hari kay Austin ay alam na nito na isa nga itong Alphonse. Hindi kasi naiiba ang hitsura nito sa mga nagdaang hari ng Liro. Bukod doon suot nito ang kwintas ng mga Alphonse.

Ayaw na sanang balikan ni Austin ang pagiging dugong bughaw. Masaya na kasi siya sa piling ng asawang si Tatiana at anak na si Nikela ngunit pinakiusapan siya ng mga mamamayan. Doon na niya naramdaman na oras na upang ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang mga ninuno. Nagdesisyon siya na tanggapin ang trono.

Nakilala siya bilang si King Alphonse XV.

Tumira siya sa palasyo kasama ang anak (na nang mga panahong iyon isang taong gulang pa lamang) at ang asawang si Tatiana. Si Tatiana ay may singkit at kulay tsokolateng mga mata. Mapupula ang mga labi nito at matangos ang ilong. May balingkinitan din itong katawan, kayumangging kulay at  mahabang kulay itim na buhok.
(Mas kamukha ito ni Nikela. Pero nakuha ni Nikela ang kulay ng balat at mata ng kanyang ama.)

Isa sa mga naging adhikain ng hari ay ang pagpapasara sa Venus subalit marami sa kanyang mga ministro ang tutol doon kabilang na ang kanyang pinsan na dating hari.
Alam naman niya na nasa kanya ang kapangyarihan upang maisagawa ang pagpapasara sa Venus subalit wala siyang magawa. Aminado siya na dahil iyon sa takot. Takot siyang kalabanin ang mga ministro pati na ang kanyang pinsan. Sa ganitong lagay naisip niya na wala siyang kwentang hari. Binigo niya ang mga mamamayan na minsang nagtiwala sa kanya.

Sa loob ng anim na taon naging sunud-sunuran si King Alphonse XV sa kagustuhan ng kanyang mga ministro. Hindi na siya nagkaroon ng sariling desisyon, bagay na ikinais sa kanya ng kanyang asawa.

Salamat sa isang pangyayari, nabago ang pananaw ng hari.

Naganap iyon isang umaga, nang makita niya ang pitong taong gulang niyang anak na tumatakbo sa pasilyo ng palasyo.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now