Chapter 68 *Magulong Puso*

1.1K 73 5
                                    

"Magandang ideya ito, ah. Puwede rin kaya itong gawin ng mga taga Seventh? " tanong ni Mary habang naglalakad sila ni Double Zero sa pamilihan ng Sixth. "Siguradong maraming pupunta sa amin kung gagawa kami ng ganito!" dagdag niya pa.

"Bakit mo pa ba inaalala ang bulok na Region na iyon, hindi ka na naman tagaroon," sabi ni Double Zero.

Naningkit ang mga mata ni Mary. "Buong buhay ko nasa Seventh ako kaya kahit anong mangyari hindi mawawala ang puso ko sa lugar na iyon. Hindi ako katulad mo na walang utang na loob."

"Huh!" Iyon lang ang naging tugon ni Double Zero.

"Magandang araw po!" sabi ng mga bilanggo na nakakakita sa kanila. Yumuyuko ang mga ito. Maging ang mga nagtitinda sa daan ay yumuyuko rin.

Sinusuklian ni Mary ng mga ngiti ang mga nabati, oero hindi si Double Zero. Wala itong pakialam. Dirediretso lang ito sa paglakad. Napahinto lamang si Double Zero nang may marinig na usapan.

"Bakit ibang babae ang kasama ng Superior? Nagpalit na ba siya ng Rose."

"Hindi ko alam, pero parang Rose ni Superior Echezen ang kasama niya."

Tiningnan na ni Double Zero ang dalawang nag-uusao.

"Ahh!" Agad na yumuko ang dalawa. Bigla rin pinagpawisan dahil sa takot.

Naglabas naman ng apoy sa kanan niyang kamay si Double Zero. Hindi niya gusto ang pinag-uusapan ng dalawa kaya tuturuan niya ito ng leksyon.

"Sandali!" Bigla siyang kinapitan ni Mary. "Halika nga rito!" Hinila siya nito palayo. Napunta sila sa likod ng tindahan.

"Ano bang problema mo!" angil ni Double Zero sabay hatak palayo sa kamay niya.

"Balak mo ba talagang sirain ang pinaghirapan ng mga taga Sixth? Bakit? Dahil lang doon sa narinig mo?"

Hindi umimik si Double Zero.

"Totoo naman ang sinasabi nila, hindi ba? Hindi si Emerald kundi ako ang kasama mo ngayon!"

"Bakit ka ba kasi sumama sa akin!" naiinis na tanong ni Double Zero. "May plano ka ba? Ano iyon? Sabihin mo sa akin."

Napangisi si Mary.

"Sabi ko na nga ba, may plano ka."

"Wala akong plano. Meron lang akong gustong malaman," pagtama ni Mary.

"Ano naman iyon?" taas noong tanong ni Double Zero.

"Tungkol kay Emerald!"

Nagpanting ang tainga ni Double Zero.

"Gusto ko lang malaman kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya. Gusto mo ba siya?"

"Hindi!" mabilis na sagot ng lalaki.

Ngumiti si Mary."Kung gayon, puwede pa pala akong magkagusto sayo."

"Ano?" Napatingin nang diretso kay Mary si Double Zero.

"Sa lahat ng mga bilanggo na nakilala ko ikaw ang pinaka kahangahanga kaya hindi ka na dapat magtaka kung magustuhan kita."

"Ano bang sinasabi mo?" Hindi kumbinsido si Double Zero.

Lumapit sa kanya si Mary. "Double Zero, gusto kita," amin nito. Pagkasabi noon ay natanaw ni Mary ang paparating na si Emerald. Bago pa man ito makalapit ay bigla na niyang hinalikan si Double Zero.

***

Ano ito? Ano itong nararamdaman ko? tanong ni Emerald sa sarili.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Tila ba may matalas na punyal na tumusok sa puso niya. Parang may yelo na bumalot sa kanyang dibdib. Alam naman niya na wala siyang karapatang masaktan, dahil walang namamagitan sa kanila ni Double Zero, pero bakit ganito?
Biglang bumigat ang kanyang mga mata. Namalayan na lang niya na may mga luha nang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Bago pa siya tuluyang sumabog ay tumakbo na siya paalis sa lugar na iyon.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now