Chapter 57 *Takbo! Emerald!*

1.1K 52 1
                                    

A/N: This is dedicated to Hya Infinity.  Thank you sa pagsagot sa survey ko sa FB page kung ano ang gusto mong maging power if ever na maging Rose ka.

***

"Sa tingin mo ba ayos pa rin si Nikela?"
tanong ni Emerald habang nasa sasakyan sila ni Mary.
Si Mary ang nagmamaneho.

Nangangamba pa rin si Emerald kahit na sinabi naman ni Echezen na hanggat maaari ay sisikapin nito na hindi mawala ang kapangyarihan ni Dustin. Para kay Dustin. Para kay Nikela.

"Siguro, sa halip na sa Third Region eh, dumiretso na tayo sa First Region. Gusto kong matiyak na madadala na nga ang Venus Heart!" sabi pa ni Emerald.

"Masyado ka namang nag-aalala. Wala ka bang tiwala sa Hashkeng iyon?" tanong ni Mary.
Ang tinutukoy ni Mary na Hashke ay ang Hashkeng nakausap nila ni Emerald sa Sixth Region.

Hindi naman sa walang tiwala rito si Emerald.
Nag-aalala lang talaga siya.
Pakiramdam niya kasi ay marami nang nasayang na oras.
At habang tumatakbo ang oras mas nanganganib ang buhay ni  Nikela.

"Sa tingin ko naman hindi natin kailangan mag-alala. Sugurado kasi na hindi hahayaan ng mga Hashke na may masamang mangyari kay Nikela. Kung alam mo lang. Sobra ang paggalang nila sa taong iyon."

Napaisip si Emerald.

Siya nga naman.

Walang dahilan para mag-alala.

Nauna nang sinabi ni Echezen na hindi mamamatay si Nikela.
May inilagay na kapangyarihan si Dustin dito.

At makukuha ng Hashke ang Venus Heart.

Tama.
Walang dapat ipag-alala.

Magiging maayos ang lahat.

"Sige. Magtitiwala ako," sabi ni Emerald.

Ngumiti si Mary bago binilisan ang pagmamaneho.

"Teka..." Napatingin si Mary sa kaliwang direksyon.

"Mary, bakit? "

Kahit malayo, nagawa ni Mary na makita ang kaganapan doon.
Sa palagay niya ay dahil iyon sa kapangyarihan na ibinigay sa kanya ni Echezen.

"May higanteng ahas doon!"

"Higanteng ahas?" Napatinginan na rin doon si Emerald.

Inihinto ni Mary ang sasakyan.
Nagkatinginan sila ni Emerald.

Mabilis naman nilang nabasa ang isat isa.

Oo.
Kailangan nilang pumunta roon.
Kailangan nilang tapusin ang halimaw na iyon.

Sabay na ngang bumaba ng sasakyan ang dalawa.

"Si Dustin at Mia!" Napabulalas si Emerald nang matanaw ang dalawa.

"Kailangan nila ng tulong!" sabi ni Mary.

"Tulungan natin sila!" sabi naman ni Emerald.

Inihanda na nga ng dalawa ang kanilang mga sandata.
Si Emerald, ang kanyang espada.
Si Mary, ang kanyang pana.

Pumunta sa kabilang bahagi si Mary. Sa likod ng kaaway.

Si Emerald naman ay sinugod ang mga ahas. Gamit ang kanyang espada, napabagsak niya ang isa.

"At sino naman iyan!" inis na sabi ng maliit na lalaki matapos makita si Emerald.

"Hoy!"

Agad na nilingon ng lalaki ang pinanggalingan ng sigaw. Nakita niya ang isa pang babae na titira ng palaso.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon