Chapter 41 *Nikela VS. Dustin*

1.2K 69 1
                                    


Nitong mga nakarang araw naging abala si Double Zero sa pag-monitor sa kanyang mga Hashke. Isa sa mga problema na nakarating sa kanya ay ang tungkol sa pinuno ng Sixth Region. Wala naman talaga siyang pakialam sa mga pinaggagagawa nito, pero dahil sa pakiusap ng ibang Hashke, nagpasaya siya na ituwid na ito subalit wala siyang paraan.

Kahit siya pa ang Superior hindi niya ito pwedeng basta tapusin dahil sa mga batas na kailangan niyang sundin.

Muli niya itong binisita ngunit tulad pa rin ng dati ang resulta--- Pinainit lang ang kanyang ulo.

Paalis na sila sa teritoryo nito nang bigla siyang matigilan.

"Superior? " Huminto rin ang dalawa niyang Hashke.

"Bumalik na kayo sa trabaho. May pupuntahan lang ako," utos ni Double Zero.

Sumunod agad ang dalawang Hashke. Lumukso sila paitaas at nawala na parang hangin.
Tumuon naman si Double Zero sa direksyon pabalik sa Den ng Sixth Region.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit may kung ano sa loob niya na biglang nagsabi na bumalik siya.

Laking gulat niya nang makita si Emerald sa silid ng kinaiinisan niyang Pinuno.

At ang mga sumunod na pangyayari ay di naging maganda para sa pinuno ng Sixth Region.

***

Pabalik na si Double Zero sa palasyo. Buhat buhat niya si Emerald.
Lumulukso siya sa sa mga puno nang biglang gumalaw ang dalaga.
Agad siyang napahinto.
Pinagmasdan niya si Emerald. Nakagapos pa rin pala ang mga kamay nito. Sinunog niya ang pagkakagapos nito.
Ngayon sigurado na si Double Zero na si Zero One ang dahilan kaya naramdaman niya na kailangan niyang bumalik.
Dahil kung hindi niya ginawa, malamang napahamak na ang Rose nito. Pero bakit ba nasa Sixth Region ito?
Ngayon niya lamang iyon napag-isipan habang nakatingin sa dalaga.

"Ah!"
Napailing si Double Zero nang maalala ang huli nilang pag-uusap ni Emerald.

"Kaya mo ba ako gustong patayin ay dahil alam mo na ako ang batang babae na iyon?"

Iyon ang tanong noon ni Emerald na di niya binigyan ng kasagutan.

Ang totoo hindi niya iyon alam. Sa katunayan noong araw lamang na iyon niya iyon natuklasan.
Ngayon, napapaisip siya. Iyong nararamdaman ni Zero One sa babaeng ito... katulad din ba ito ng damdamin niya noon?
Muli siyang napailing. Bakit ba siya nag-iisip ng ganito? Siya si Double Zero. At si Double Zero hindi dapat ganito mag-isip.
Malakas siya. Malupit. Ganoon siya nakilala. Kailangan niyang manatiling ganoon.

Nagpasya siya na ibaba na si Emerald.
Inilapag niya ito at isinandal sa puno.
Paalis na siya nang bigla nitong hawakan ang kanyang braso.
Napatingin siya rito. Bahagya nang nakamulat ang mga mata nito.

"N-Nikela?" tawag ni Emerald.

Napangisi si Double Zero. Ang pangalang 'yan. Matagal ko na iyang kinalimutan.

"Nikela!" ulit ni Emerald.

"Hindi ako si Nikela kaya huwag mo kong hawakan!" bulyaw ni Double Zero sabay tapik sa kamay ni Emerald.
"Huwag mo kong iwan!" Biglang yumakap sa kanya si Emerald.

Namilog ang mga mata ni Double Zero.

"Natatakot ako. Natatakot ako," sambit ni Emerald.

Doon na nakahalata si Double Zero. Hinawakan niya ang noo ni Emerald. Mainit ito. Mukhang nagkaroon ito nang mataas na lagnat at ngayon ay nagdedeliryo na.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa lugar na ito? Rose ka. Dapat nasa palasyo ka lang."

"Huwag mo kong iwan. Mahal kita," tanging sagot ni Emerald bago hinigpitan ang pagyakap. "Iniligtas mo uli ako. Salamat Nikela. Salamat."

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now