Chapter 35 *Ang Pagpuksa kay Double Zero*

1.2K 66 0
                                    

Nandito na naman ako... sabi ni Double Zero matapos niyang makita ang sarili na naliligo sa banyo ni Zero One. Hindi na naman ito bago sa kanya. Madalas siyang magising sa lugar na ito.
Ang ikinagulat niya ay ang kanyang nakita pagkalabas niya sa paliguan.
Sino ang babaeng yan? tanong niya agad.  Isa ba siyang Prinsesa? Naisip niya iyon dahil sa magandang kasuotan ng babae.
Sandali... hindi kaya isa siyang...
Nagkaroon na ng ideya si Double Zero kaya nga agad siyang lumapit sa babae. Hinawakan niya ito sa kamay para tingnan kung may nakasulat doon.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
Hindi siya nagkamali.
May nakasulat nga sa kamay nito.
Halos umusok siya sa galit dahil ang markang iyon ay ang kanyang pangalan.
“Anong ibig sabihin nito?  Paano ka naging Rose?” nanggalaiti niyang tanong. Natigilan siya nang mamukhaan ang babae. “Ikaw?”
Kilala niya ito. Ito ang babaeng gumugulo kay Zero One.
Agad niya itong itinulak.
Bumagsak sa sahig ang babae.
“Echezen!” sigaw ni Double Zero bago ito nagliwanag. Sa isang iglap ay nagkaroon ito ng kasuotan at naging maayos ang buhok. Umalis ito na tila hangin.
“Sandali!” habol ni Emerald subalit tuluyan nang nawala si Double Zero.

ANONG GAGAWIN KO?
Nabahala si Emerald. Hindi niya kasi inasahan ang pagbabalik ngayon si Double Zero.
Bakit ngayon pa? Bakit sa pagkakataong ito pa? Ano kaya ang binabalak nito?
Mukhang kailangan niyang makabalik sa palasyo upang masagot ang mga iyon.
Nagmadali si Emerald sa paglabas.
Bigla niyang nakasalubong  si Genica.
“Bakit parang nagmamadali po kayo? May nangyari ba?” tanong nito.
Hindi nakasagot si Emerald. Wala kasi siyang ibang nasa isip kundi ang makabalik na  palasyo.
Kailangan niyang makausap si Echezen.
Hindi siya sigurado pero sa palagay niya ito lamang ang makakatulong sa kanya... puwede rin naman si Dustin. Siguro naman ay tutulungan siya nito dahil minsan silang naging magkaibigan.
“Pasensiya ka na, Genica pero kailangan ko nang umalis,” sabi ni Emerald. Aalis na siya nang mayroon siyang maalala. Muli niyang tiningnan si Genica. “Genica... puwede mo ba akong tulungan?”
Natandaan ni Emerald na may kakayahang gumawa ng lagusan patungo sa kahit saang lugar sa Venus si Genica.

SA PALASYO.
Oras na ng pagsasanay ni Echezen. Papasok na siya sa Book nang biglang lumitaw si Double Zero. Humarang ito sa pintuan.
Napansin agad ni Echezen ang di magandang timpla ng mukha nito.
Ah,  inaasahan na niya ito.
“Paano ko naging Rose ang babaeng yon?” galit na tanong sa kanya ni Double Zero.
Hindi nagsalita si Echezen.
“Tinatanong kita. Sumagot ka!” Mas tumaas pa ang boses ni Double Zero.
“Kahilingan iyon ni Zero One--- na gawing Rose ang kasintahan niya,” sabi ni Echezen. Napilitan na rin siyang magsalita.
Biglang naningkit ang mga mata ni Double Zero. “Kasintahan? Ang babaeng yon?” Bakas sa mukha nito ang pagkainis.
“Emerald ang pangalan niya,” sabi pa ni Echezen na mas lalong ikinainis ni Double Zero.
“Wala akong pakialam kung anong pangalan niya! Ang gusto kong malaman ay kung bakit pinapaboran mo si Zero One!” Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Double Zero.
“Huminahon ka lang!” Hinawakan ni Echezen sa balikat ang lalaki.
Mabilis naman iyong tinabig ni Double Zero.
Napabuntong-hininga si Echezen. Ano pa nga ba ang aasahan niya? Sa simula pa lang alam na niya na ganito ang magiging reaksyon ni Double Zero kaya hindi na siya dapat magtaka.
“Kaya ako pumayag sa gusto niya ay dahil nabasa ko siya,” sabi ni Echezen na bahagyang nagpakunot sa noo ni Double Zero. “May posibilidad na saktan niya ang sarili niya kapag nawala ang babaeng iyon. Ikaw ang mapapahamak kapag ginawa niya iyon,” paliwanag ni Echezen.
“Aaah!” Napasigaw si Double Zero. “Pinasasakit na talaga ng isang yon ang ulo ko. Hindi ko na siya pababalikin!” amok ni double Zero. Nanlisik ang kanyang mga mata.
“Sigurado ka ba sa bagay na yan?” tanong ni Echezen. “Kung aalisin mo na siya sa sistema mo isa lang ang ibig sabihin noon... hindi ka na lalabag sa batas ng Venus. Kaya mo na ba yon?”
Hindi nakapagsalita si Double Zero. Natahimik ito at napatungo.
“Lumalabas lang naman si Zero One sa tuwing naghihingalo na ang lightyears mo, kaya kung hindi ka lalabag, mapagtatagumpayan mo ang sinasabi mo na pagdispatsiya sa kanya,” paalala ni Echezen.
Napakuyom ng kamao si Double Zero. “Hindi ko iyon nakakalimutan!” giit niya.  Higit kanino man, siya ang nakaaalam ng layunin ni Zero One. Aminado siya na sa puntong ito, gusto na talaga niyang mawala si Zero One, ngunit mukhang hindi niya pa kakayanin. Hindi, dahil siguradong magmumukha siyang mahina kung hindi niya ipakikita sa lahat na kaya niyang pumatay.
“Ang ibig bang sabihin nito... walang paraan para ma-i-alis sa landas ko ang babaeng iyon?” tanong ni Double Zero.
Umiling si Echezen.
Gustong magwala si Double Zero.
“Pero huwag kang mag-alala, hindi ko naman binigyan ng kapangyarihan si Emerald . Sinabi ko sa kanila na hindi ko iyon gagawin hangga’t wala ang pahintulot mo.”
Ang sinabing iyon ni Echezen ang nagpahinahon kay Double Zero. Ngumiti ito at humawak sa balikat ni Echezen. “Magaling... mabuti naman at naisip mong gawin yon,” sabi ni Double Zero bago ito umalis.
Sinundan ito ng tingin ni Echezen. Batid ng superior na may binabalak  ito. Anoman iyon, wala siyang ideya at wala rin siyang pakialam.
“Lumabas ka na!” sabi ni Echezen nang tuluyan nang makaalis si Double Zero.
Doon na ipinakita ni Emerald ang sarili.
Dahil sa kapangyarihan ni Genica, mabilis siyang nakabalik sa palasyo at narinig niya ang pinag-usapan ng dalawang lalaki.
“May gusto ka bang sabihin?” tanong ni Echezen.
Umiling si Emerald bago tumakbo paalis.
Habang tumatakbo, namalayan na lamang niya na may mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.
Ayaw niya mang aminin ngunit batid niya na sa lugar na ito—kung wala si Nikela---wala siyang kakampi.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now