Chapter 43 *Ang Tungkulin ng mga Hashke*

1.4K 66 0
                                    


Hindi na magawang ngumiti ni August Silver. Hindi dahil sa malakas ang hangin sa lugar na kinaroroonan nila kundi dahil iniisip niya na siya ang dapat sisihin kung bakit may mga Regulator na nakapasok.
Si August ay ang pinuno ng mga Hashke ng Wall. Tungkulin niya na tiyaking walang tuta ng palasyo na makakapasok, subalit nabigo siya.

Sa ngayon, nakatayo siya kasama si Mayori sa itaas ng pader ng Venus.

Anim ang bumubuo sa mga Hashke ng Wall.
Kabilang na nga rito ang makisig na si August.
Sumunod sa kanya ang matipunong si Mayori.

"August." Hinawakan ni Mayori sa balikat si August. "Hindi mo kailangang isisi ang lahat sa sarili mo," sabi nito. Nalalaman ang saloobin ng kanilang pinuno. "Hindi sa lahat ng pagkakataon malakas tayo. Mayroon din tayong limitasyon."
"Alam ko," sagot ni August.
Siyempre, alam niya. Katunayan iyon mismo ang nagpapainis sa kanya. Bakit kailangang magkaroon pa sila ng hangganan?
Dahil sa likas na kahinaan ng kanilang mga  pisikal na katawan, nagkakaroon din ng hangganan ang paggamit nila sa kanilang mga kapangyarihan.
Kung hindi lang sana siya nagpahinga nang gabing iyon. Kung hindi niya lang sana ipinaubaya sa baguhang si Novi at pasaway na si Juno ang pagbabantay. Baka sakaling nahuli nila ang mga Intruder.  Wala sana silang problema ngayon.

Bahagi rin ng grupo nila sina Novi at Juno. Si Novi Haloween ang lalaking may gintong buhok. Samantalang si Juno Agate naman ang matangkad na lalaki na puro benda ang katawan.
Wala sila ngayon sa Wall dahil may inutos sa kanila si August.

Sa kasalukuyan, ganito ang naglalaro sa utak ni August.
Hindi na niya hahayaang maulit ang pagkakamali. Titiyakin niyang hindi na makalalabas nang buhay ang mga nanghimasok.

"Kumusta kayo?" Biglang lumitaw sa harapan nina August at Mayori si Dustin.

"Superior! "Agad na nagbigay galang ang dalawa.

Napakunot ng noo si Dustin. "Bakit dalawa lang kayo? Nasaan ang iba?"

"Nasa Hashke Village po sina Novi at Juno. Sina Afrile at Seth naman ay nasa palasyo," mabilis na tugon ni Mayori.
Ang tinutukoy niyang Seth ay ang lalaking kilala dahil sa kasuotan nito na purong itim. Si Seth Duran. Si Afrile Moon naman ay ang nag-iisang babae sa grupo nila.

"Anong ginagawa nina Afrile at Seth sa palasyo?" tanong ni Dustin.

"Naroon po sila para tiyakin ang kaligtasan ni Superior Echezen. Isa po iyon sa mga tagubilin sa amin ni Superior Double Zero. Bantayan ang Head kung sakaling may mga Intruder," paliwanag ni August.

"Ganoon ba." Napatango si Dustin. "Lumilibot ako ngayon sa buong Venus kaya hindi ko sila nakita, pero tama iyon. Kailangang bantayan nang mabuti si Echezen," pagsang-ayon ni Dustin. Kasabay noon ang pagtingin nito sa Emerald City. Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita ito. Bigla na lang natahimik si Dustin.

Isa siya sa mga Prisoner na hindi pa nakakatungtong sa bayang iyon kaya hindi na nabibigla si Mayori sa reaksyon nito. Ganito rin si August nang unang makatungtong sa Wall.

"Ah, buweno..." Muling humarap si Dustin kina August at Mayori. "May ideya na ba kayo kung saan nagtatago ang mga Intruder?"

Napatungo si August. "Wala pa rin," sagot nito.

Pinagtibay lamang ng kanyang kasagutan ang posibilidad na sadyang malakas ang mga Intruder na kahit ang mga Hashke ng Wall. Ang mga Hashke na taglay ang kapangyarihan ng mga pandama ay hindi sila kayang maramdaman.

"Patawad po," sabi ni August.

Umiling si Dustin. "Wala kang dapat ihingi ng tawad Ipagpatuloy n'yo lang ang pagbabantay n'yo. Babalik na muna ako sa palasyo, pagkatapos maglilibot uli ako," sabi ni Dustin bago niya ginamit ang kanyang teleport. Nagliwanag siya at naglaho.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now