Chapter 20 *Bawal na Pag-ibig*

1.4K 64 0
                                    


ANG BUONG akala ni Mia wala na siyang pakiramdam, na hindi na siya natatakot... subalit mali siya dahil pagdating sa First Region bigla siyang nakadama ng panginginig. Sakay siya ng isang puting kabayo at pinaggigitnaan ng dalawang Servant na sa kulay itim na kabayo naman nakasakay.

"Ito na ang First Region. Mula rito di-diretso na tayo sa palasyo," sabi ng Servant na nasa kanan niya. "Para rin sa kaalaman mo, ang palasyo ay pinamumunuan ni Superior Echezen. Siya rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga Hashke at napipiling Rose," dagdag nito.

Napalunok lang si Mia. Ang totoo wala siyang alam sa mga bagong Superior. Iyon marahil ang dahilan kaya kinakabahan siya. Pero wala naman dahilan para makadama siya ng ganito. Siya ang napiling Rose kaya ibig sabihin magkakaroon na siya ng proteksyon.
BAHAGYANG NAPAAWANG ang mga labi ni Mia nang makita ang tarangkahan ng palasyo. May nakaukit doon na tila kalahating buwan. "Ang simbolong yan..." sabi ni Mia.

"Pamilyar ka ba riyan? Si Superior Echezen ang naglagay niyan," tugon ng kasama niyang Servant.

Sa palagay ni Mia hindi alam ng dalawang Servant na ang simbolong iyon ay ang pagkakakilanlan ng nasirang bayan ng Venus. Sigurado siya roon dahil may ganoong simbolo ang damit ng kanyang ama.

Gusto bang buhayin ng lugar na ito ang nawasak na Venus? Naitanong ni Mia.
Nasagot agad iyon nang bumukas na ang tarangkahan at makapasok sila sa loob. Mula roon ay may mahabang kalsada pa na kailangang daanan bago tuluyang marating ang kastilyo. Sa paligid ng kalsada ay ang luntiang kapaligiran. Maraming maliliit halaman at punno roon subalit walang mga bulaklak. Ang higit na pumukaw sa atensyon ni Mia ay ang mga rebulto na sunod-sunod niyang nakikita. Sigurado siya na ang mga ito ang mga nagdaang gobernador sa bayan ng Venus. Dito niya natiyak na sadya ngang gustong buhayin ng palasyong ito ang dating Venus. Alam niya iyon dahil minsan na niyang nakita ang larawan ng mga gobernador mula sa gamit ng kanyang ama.
Galing sa nasirang Venus ang kanilang angkan.

MULING NAMANGHA si Mia nang makita ang loob ng palasyo. Napakalawak nito. Halos di niya matanaw ang kisame. Gawa rin sa purong bato ang paligid at may mga sulo at malalaking mga mural na sa tingin niya ay naglalahad ng kasaysayan ng Venus.

Talaga nga bang dito na siya titira? Parang di siya makapaniwala. Kung hindi pa siya nakulong di niya pa mararanasan makatira sa isang palasyo.

Sa pinakadulong silid siya dinala ng mga Servant. "Narito na po tayo," sabi ng isa. "Iiwanan na po namin kayo," dagdag nito bago umalis.

Hinabol pa sila ng tingin ni Mia. Nagtataka ang dalaga kung bakit sa labas lamang siya ng silid na iyon iniwan ng mga Servant.

Hindi ba sila maaaring pumasok? Iyon ang tanong niya na nasundan pa. Nasaan na ba si Dustin? Bakit hindi siya ang sumundo sa akin?

Alam ni Mia na hindi naman masasagot ang mga tanong niya kaya sa halip na mag-isip pa ay binuksan na lamang niya ang pinto ng silid. Napapikit siya nang bumungad sa kanya ang isang nakasisilaw na liwanag. Galing iyon sa malaking bintana na nasa silid. Pero sandali lamang ang pagkasilaw niya. Natuon na kasi ang pansin niya sa silid. May malaking carpet iyon na kulay pula. Mayroon din malalaking vase sa bawat sulok. Sa gitna ay may tatlong magandang upuan kung saan nakaupo ang tatlong lalaki. Kabilang doon si Dustin.

"Pumasok ka na," sabi ni Dustin. Doon na natiyak ni Mia na ang tatlong lalaking iyon ay ang mga Superior. Bahagya siyang napalunok, senyales na medyo kinakabahan siya subalit agad din niya iyong inalis sa kanyang isipan.

Walang dahilan para matakot, naisip niya bago niya buong tapang na inihakbang ang kanyang mga paa. Kasabay ng pagtungtong niya sa kulay pulang sahig ay ang pagbulaga sa kanya ni Dustin. Gulat na gulat siya dahil mistulan itong hangin na bigla na lang lumitaw sa harapan niya. Ni hindi niya ito nakitang tumayo o naglakad. Basta na lamang ito nakalapit sa kanya.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now