Chapter 9 *Naligaw na Landas*

1.5K 89 2
                                    

Natakot si Jo.

Natakot siya sa puwedeng gawin ni Emerald.

Bigla tuloy niyang pinagsisihan na ipinakita niya rito ang salamin. Pero kung hindi naman niya ginawa siguradong patuloy lang itong mabubuhay sa kasinungalingan.

"Emerald!" tawag niya nang makita niya ito. Madalas na si Jo sa Third Region kaya pamilyar siya sa lugar. Ganoon kung paano niya nahanap si Emerald.

Subalit natigilan siya nang makita ito na may kasama . "I-Ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya. Halatang hindi siya makapaniwala na ang lalaking iyon ang kasama ni Emerald. " N-Nikela 01!" sambit niya.

Napatingin naman sa kanya si Nikela.

Ganun din si Emerald.

"Jo..." Si Emerald.

Gusto na sanang kumustahin ni Jo si Emerald subalit hindi niya nagawa. Natuon siya kay Nikela.

"Kasamahan ka ba ni Emerald?" tanong ni Nikela. Hindi na naman kinailangan sumagot ni Jo dahil nalaman na agad ng binata na magkasama sila dahil sa parehong kulay ng kanilang mga bandana. "Mukhang puwede na akong umalis ngayon," sabi ng lalaki bago siya tumuon kay Emerald. "Hoy..." Hinawakan niya ito sa ulo. "Gusto pa kitang makita sa susunod kaya 'wag kang mamamatay... maliwanag ba?"

Hindi nakaimik si Emerald.

Ngumiti naman si Nikela bago umalis.

Hinabol pa siya ng tingin ni Jo.

Nang tuluyan na siyang mawala ay tsaka lang tumuon si Jo kay Emerald. "Anong nangyari sayo? Bakit kasama mo nanaman si 01?"

"Iniligtas niya ko... mula sa mga Hashke!" sagot ni Emerald.

"Hashke?" napakunot ng noo si Jo. "Teka... tinangka mo bang lumabas gamit ang tarangkahan ng mga basura?"

Hindi umimik si Emerald.

Sapat na iyon para masagot ang tanong ni Jo. Tinangka nga nitong lumabas gamit ang tarangkahang iyon. Hindi naman kasi ito sasalakayin ng mga Hashke kung hindi niya ginawa. "Bakit... bakit mo ginawa 'yon!" nagtaas ng tono ni Jo. "Paano kung hindi ka niligtas ni 01? Alam mo ba kung saan ka pupulutin?" dagdag pa niya.

Hindi naman sumagot si Emerald.

At kinainis iyon ni Jo. Gusto niya nga sana itong bigyan ng malakas na suntok pero nagbago ang isip niya nang makita ang kamay nito na natuyuan na ng dugo.

"Pasensiya ka na..." sa wakas nagsalita na si Emerald... pero mahina lang ang boses niya. "Masyado kong pinairal ang emosyon ko, kaya ko 'yon nagawa. Ngayon okey na ko... Hindi na ako lalabas dahil wala na naman akong babalikan..." Napaluha na uli si Emerald pero agad niya iyong pinahid. Ayaw na niyang umiyak. Ayaw na niya.

"Ano bang walang babalikan ang sinasabi mo... Bakit? Wala ka na bang pamilya? Siguradong hinihintay ka nila," singit ni Jo.

Tama naman siya, pero parang alangan na si Emerald.

Siya nga ba? Hinihintay pa rin kaya siya ng pamilya niya?

"Sa tingin ko, hindi na nila ako hinihintay dahil lahat sila inaasahan na hindi na ako makakalabas," sabi ni Emerald.

Mabilis namang tumugon si Jo. "Kung ganon ang iniisip nila patunayan mo na mali sila. Ipakita mo na makakalabas ka!"

"Pero paano? Paano ko gagawin yon?" basag ang tinig na tanong ni Emerald. "Kagaya nga ng sinabi mo... kung hindi ako iniligtas ni Nikela... siguradong namatay na ako."

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now