Chapter 67 *Imbitasyon*

1.1K 49 5
                                    

"Alam ko na si Emerald ang gusto mo!" Pinagdiinan iyon ni Mary.
Tiningnan siya ni Echezen.  Isang matiim na pagtingin.Pagkatapos ay bigla itong tumawa nang malakas.

"Anong nakakatawa?" naiinis na tanong ni Mary.

"Ang paratang mo," sagot ni Echezen.

"Paratang?" Napangisi si Mary. "Noon ko pa napapansin ang kakaibang kilos mo kapag nariyan si Emerald. Pati mga lihim mong pagsulyap sa kanya napapansin ko rin kaya siguradong sigurado ako na may pagtingin ka sa kanya!"

"Katulad ba iyon ng pagtingin mo kay Nikela?" biglang sabi ni Echezen.  Tinitigan nito si Mary.

Napakunot ng noo ang dalaga. "Anong sabi mo?"

"Hindi ba't gusto mo rin siya?" giit  ng Superior.

Hindi naman nakapagsalita si Mary.

Samantala...

Mahabang katahimikan ang namayani nang magkasalubong sa may pasilyo sina Double Zero at Emerald.

Pero hindi rin naman nakatiis si Emerald.  Siya ang bumasag sa katahimikan.

"Double Zero..."

"Bakit? Kung may sasabihin ka sabihin mo na..." mabilis na tugon ni Double Zero.  Hinihintay lang pala nito na si Emerald ang maunang magsalita.

Nakakagulat iyon.
Oo. Nabibigla si Emerald.
Dati rati kasi ay hindi naman siya nito pinakikinggan. Kung gawin naman nito ay lagi lang itong galit.
Hindi tulad ngayon.
Bigla tuloy siyang napaisip.
Si Double Zero nga ba talaga ang kaharap niya? Parang napakabait nito.
Hindi kaya...
Hindi kaya nabubuhay na ang bahagi ni Zero One sa kanya?

"Double Zero! Bakit parang hindi na masama ang pakikitungo mo sa akin?" bigla iyong lumabas sa bibig ni Emerald.

Napangiti si Double Zero. "Nagugulat ka ba? Ginagawa ko lang ito dahil aalis ka na!" sabi ng lalaki. "Sa wakas, mawawala ka na rin!" dagdag pa nito.

Ah. Hindi pa rin pala siya nagbabago.
Ganoon pa rin pala siya, sabi ni Emerald sa isip.
Kasabay noon ang paghawak niya sa kanyang dibdib.
Bakit ganito?  Bakit parang may tumutusok sa dibdib ko?
Parang may kutsilyo na biglang bumaon rito?

"Emerald! Double Zero!"

Mula sa likod ni Emerald ay nagpakita si Mary.

"Mary!" sabi ni Emerald.

Tumakbo ang dalaga palapit sa kanila.
"Emerald, ayos ka lang ba? Inaaway ka ba ni Double Zero?" Sinulyapan pa ni Mary si Double Zero.

Agad namang umiling si Emerald. "Hindi. Ayos lang ako."

"Mabuti naman," sabi ni Mary sabay tingin nang diretso kay Double Zero. "Salamat naman at binibigyan mo na siya ng konsiderasyon ngayon," sabi nito.

Walang naging komento si Double Zero. Lumakad na ito paalis. Tinabig pa ang balikat ni Mary.

"Sandali, Nikela!" habol ni Mary.

Napahinto si Double Zero.  Nagsalubong ang mga kilay.

"May pupuntahan ka ba? Lalabas ka ng palasyo?"

"Ano bang pakialam mo?" sarkastikong sagot ng lalaki.

"Sasama ako!"

"Ano?"

"Ah, Emerald." Muling tumingin si Mary kay Emerald. "Bumalik ka na muna sa kuwarto mo para makapagpahinga. Kailangan mo iyon para mapangalagaan ang baby." Hinawakan ni Mary ang tiyan ni Emerald.  "Teka... may kapangyarihan pala na pumoprotekta sa tiyan mo? Ah, Nikela ikaw ba ang..."

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon