Chapter 66 *Paglisan*

1K 51 1
                                    

A/N: One of my readers requested more moments between Zero One and Emerald. I would do that. I will add
scenes (and remove unnecessary) once I edit this story and ready for self pub (if time permits) so Yeah. If you have other suggestions,  comment lang po.

Nasa silid niya si Emerald. Tahimik na nakaupo sa kanyang kama habang naaalala ang ibinunyag sa kanya nina Mary.

Buntis siya.

Hindi niya talaga iyon inasahan.
Hindi niya naisip na posible iyong mangyari.
Kaya naman pala nitong mga nakaraang araw ay kakaiba ang pakiramdam niya.
Dahil pala buntis siya.

Napahawak siya sa kanyang tiyan.

Ano na ngayon ang gagawin niya?
Ano nang mangyayari sa kanya? Sa anak niya?
Paano sila?

"Emerald." Pumasok sa kuwarto niya si Mary.

"Ikaw pala, Mary."'

Lumapit sa kanya si Mary.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito.

Ngumiti si Emerald. "Ayos lang ako."

"Magkakaanak ka na ngayon kaya mas mabuti kung lalabas ka na rito."

"Ha?" Natigilan si Emerald. Napatingin nang diretso kay Mary. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, mas mabuti kung lalabas ka na. Delikado kasi na manganak dito. Hindi tayo sigurado kung mabubuhay ang bata."

"Pero di ba, kayo Dustin dito ipinanganak?"

"Oo. Dahil gumana sa amin ang mga bracelet na isinuot sa amin ng aming mga magulang. Ang totoo marami na rin kami na ipinanganak at nabuhay rito, pero kahit ganoon hindi ko pa rin mairerekomenda na dito ka manganak. Swertehan lang kasi ang paggana ng mga bracelet. Kung alam mo lang mas marami ang namatay na sanggol kaysa sa nabuhay. Sa madaling salita, sugal  ang gagawin mo kung dito mo isisilang ang bata. Hindi mo naman siguro gugustuhin na ipagsapalaran ang buhay niya, tama?"

Tumango si Emerald.

"Isa pa..." Hinawakan ni Mary si Emerald sa balikat. "Mas magiging normal ang buhay niya kung nasa labas siya."

Oo, tama.
Tama ang sinabi ni Mary.
Mas mabuti sa labas.
Mas magiging normal ang anak niya roon.
Kaya lang...

"Mary, paano naman ako lalabas dito?" Tiningnan ni Emerald ang bracelet niya. "Hindi pa napupuno ang lightyears ko."

"Huwag kang mag-alala, may ginagawa na si Dustin."

"Ha? Si Dustin?"

"May kinalaman sa oras ang kapangyarihan niya kaya sinusubukan niyang makagawa ng technique kung saan puwede niyang mapabilis ang oras at mapuno ang lightyears mo."

"Ginagawa iyon ni Dustin?"

Ngumiti ni Mary. "Oo, para sayo Emerald. Para makaalis ka na rito."

"Ah..." Biglang natigilan si Emerald.
Ako? Makakalabas? Makakalabas na ako? napatanong siya.
Para kasing ang hirap paniwalaan.
Oo, noon gusto niya talaga na makalabas agad, pero nagbago na iyon. Dahil sa mga naranasan niya nakalimutan na niya ang salitang iyon.

Bigla tuloy siyang napaluha.

"Oh, bakit ka umiiyak?"

Umiling si Emerald. Agad niyang pinahid ang kanyang luha.

"Masaya ka ba dahil makakalabas ka na? Ang totoo lahat kami na narito gustong subukan ang kapangyarihan na dini-develop ni Dustin, pero mukhang kakain iyon ng malakas na enerhiya kaya sa ngayon ay sa isa niya pa lang kayang ibigay. At sayo nga niya iyon ipagkakaloob, Emerald. Para iyon sayo at sa magiging anak mo."

Prisoners in VenusOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz