Chapter 6 *Ang Mga Squad sa Venus*

1.9K 84 4
                                    


Nagmamay-ari si Jo Francia ng isang trak.

"Ito ang partner ko... si Joros," pagpapakilala ni Jo sa trak bago siya sumakay dito. "Halika na!" Tinawag niya si Emerald ngunit nag-alangan ito. "Sumakay ka na!"Sa pangalawa niyang pagtawag lamang sumunod si Emerald.

"Para sa kaalaman mo, malaki ang ginastos ko makumpleto ko lang si Joros. Mahal kasi maningil ang mga taga Third Squad. Sila ang nagbebenta ng mga makina dito sa Venus." Habang sinasabi iyon, sinimulan nang paandarin ni Jo ang sasakyan.

"Yung tungkol sa pangkabuhayan ng mga squad... sa totoo lang hindi iyon malinaw sa akin." Biglang nagtanong si Emerald.

"Ah, iyon ba... mabilis lang namang unawain yon." Parang napahiya si Emerald sa sinabing yon ni Jo. Pero anong magagawa niya, naguguluhan talaga siya.

"Sa orihinal na sistema ng Venus, walang partikular na kabuhayan ang mga squad, basta makahanap lang ng pagkain, sapat na. Nagbago ito mula nang si Acro ang maging Superior. Binigyan niya ang bawat squad ng kanya-kanyang kabuhayan. At naging batas na kailangan iyong gawing prioridad. Pero syempre hindi kasama ang First Squad sa mga may kabuhayan. Sa katunayan wala na silang ginagawa para humanap ng sarili nilang pagkain at iba pang pangangailangan. Inasahan na lang nila ang ibang squad."

"Napaka... espesyal pala talaga ng mga taga First Squad?" komento ni Emerald.

Walang sinabi si Jo, ngunit nahulaan ni Emerald na may pagnanais itong mapabilang doon. Tinanong niya iyon upang makasiguro. "Gusto mo bang maging bahagi ng First Squad?"

Umismid si Jo. "Sino bang hindi!" Iyon ang sagot nito.

Siya nga naman... Naisip ni Emerald. Sino nga ba ang hindi naghahangad na mapalipat doon? Siguradong magiging mabilis ang pananatili niya sa Venus kung magiging bahagi siya ng squad na iyon.

HABANG NASA trak, hindi maiwasan ni Emerald na mapatingin sa paligid. Kung kanina ay kakaunting puno lamang ang nakikita niya, ngayon ay marami na. May mga bundok na rin siyang natatanaw.

"Tandaan mo ang lugar na ito. Ito ang hangganan ng Fifth Squad at Fourth Squad," paalala ni Jo.

Agad namang pinagmasdan ni Emerald ang paligid. Sa tapat ng malaking puno na iyon. Gumawa siya ng sarili niyang palatandaan.

"Welcome sa Fourth Region," sabi ni Jo.

"Nandito na tayo?"

"Oo, nandito na tayo sa teritoryo natin pero malayo pa tayo sa Den. Ibig kong sabihin sa tirahan natin."

Tatlumpung minuto pa ang lumipas bago nakakita si Emerald ng mga kabahayan.

"Iyon na ba ang Den na tinutukoy mo?" nasasabik na tanong ni Emerald.

"Hindi pa. Ang natatanaw mo ay ang pamilihan ng Fourth Region. Diyan tayo kadalasang nagbebenta ng mga ginagawa nating sandata. Pero hindi mo kailangan isipin ang pagbebenta dahil hindi iyon ang nakaatang sa atin. Ipaliliwanag ko sayo padating natin si Den."

Nang dumaan ang sasakyan sa pamilihan, napansin agad ni Emerald na sarado ang mga tinadahan.

"Bakit sarado?"

"Nasa Den na ang lahat," sagot ni Jo.

Ilang saglit pa natanaw na ni Emerald ang isang malaking gusali na may limang palapag. Sa pinaka gitna noon ay may tore at watawat na kulay asul.

Huminto na ang sasakyan.

"Bumaba ka na. Nandito na tayo," utos ni Jo. Sumunod agad si Emerald.

Ipinarada muna ng maayos ni Jo ang sasakyan sa isang tabi bago ito bumaba at taas noong pumasok sa gusali.

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now