Chapter 45 *Ang Banta ng mga Regulator* [Part 2]

1.1K 54 0
                                    


A/N Lately bothered ako masyado ng usapin about POV... so hopefully maintindihan nyo ang eksena.

***

Napansin agad ni Nikela ang pagsugod ng Pinuno ng Third Region.
Nakita niya rin ang pagnanais nitong pumatay.
Wala itong pag-aalinlangan. Gusto nitong kitlin ang kanyang buhay.
Madali lang naman para kay Nikela na iwasan ang pag-atake nito, puwede niya rin sanggahin. Subalit di niya magawa. May kung ano na pumipigil sa kanya na kumilos.

Iyon bang sinabi ni Emerald?
"Sumuko na tayo!"

Hindi.

Walang kinalaman ang pakiusap ng kanyang Rose. Ang dahilan kaya ayaw niyang gumalaw ay dahil alam niya na nalinlang ang pinuno.
Hindi lang naman ito. Lahat ng bilanggo na umaatake sa kanila ay nabulag sa kasinungalingan.

Kung maaari. Sana. Maunawaan nila iyon. Bago pa mahuli ang lahat.

"Tapos ka na!"
Buong lakas na inihampas ng Pinuno ang hawak na espada.
Katapusan na Zero One. Katapusan na ni Double Zero! naisip pa nito.
Subalit. ..
Laking gulat ng Pinuno nang biglang sanggahin ni Mist ang kanyang espada.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Takang taka ang pinuno.

Nagdagdag ng puwersa si Mist. Nagawa niyang patalsikin ang espada ng pinuno.

Kasabay ng ginawa niya ay ang pagkabawas ng kanyang lightyears.

"Mist..." Galit na galit ang pinuno.

Napatingin si Nikela kay Mist.

Napahinto naman ang ibang mga prisoners. Hindi sila makapaniwala sa ginawa ni Mist.

Bakit nito iniligtas si Zero One? Bakit nito nilabag ang pinuno. Ito ang unang beses na ginawa iyon ng binata.

"Mist... Anong kalokohan ito?" Nanggagalaiti ang pinuno. "Talaga bang gusto mo kong labanan? Wala ka na bang pakialam sa lightyears mo?"

"Tama na ang kalokohang ito." Si Lamb naman ang nagsalita.

Napanganga ang pinuno nang makita si Lamb na tumakbo patungo sa direksyon ng Regulator na si Raku.

"Anong ginagawa ni Lamb?"
Nagsimulang maguluhan ang mga bilanggo.
Mas lalo pa silang di makapaniwala nang makitang tinutukan ni Lamb ng sibat ang Regulator.

"Pati ikaw, Lamb?" Nilabasan na ng litid ang pinuno.

"Lamb!" Tinawag ni Emerald ang kaibigan. Di niya mawari kung bakit biglang nag-iba ng panig si Lamb.
Kanina lang kakampi ito ng Regulator. Ngayon tinututukan na nito ng sibat.

"Pinuno, makinig po kayo..." Gustong magpaliwanag ni Mist.

"Ako ang pinuno kaya wala kang karapatang utusan ako!" Isang malakas na suntok sa tiyan ang ibinigay ng pinuno.
Napaluhod si Mist dahil doon.

"Pinuno!" sumigaw si Lamb. "Makinig kayo sa akin. Kayong lahat!"

Napatingin ang lahat kay Lamb.

"Ang regulator na ito... " Nakatutok pa rin ang sibat sa leeg ng Regulator. "Hindi ko alam kung ano ang talagang plano ng isang ito, pero isa lang ang sigurado ako... Hindi siya Regulator."

"Ano?"

"Hindi siya Regulator? "
Nabigla ang lahat.

"Anong pinagsasabi mo?" Hindi naniniwala ang pinuno.

Pero sersyoso si Lamb.
Oo, noong una naniwala sila ni Mist sa mga sinabi ng Regulator---na kaya sila narito ay upang ibalik ang dating sistema ng Venus.
Maganda ang adhikaing iyon kaya handa silang makipagtulungan.
Hanggang sa mapansin ni Lamb ang larawan ng ahas na nakamarka sa kamay ng Regulator. Isa iyong marka na kilalang-kilala niya.
Marka ng grupo ng Serpents.

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon