Chapter 22 *Ang Seventh Region* [Part 2]

1.5K 64 2
                                    


Bumungad kay Emerald ang isang mahabang pasilyo. Sa bawat gilid nito ay may mga pintuan. Medyo masikip ang pasilyo na iyon kumpara sa pasilyo na nasa Den ng Fourth Squad. Gawa ito sa kahoy at mababa ang kisame. Ah, wala itong kisame kundi bubong lang na gawa rin sa kahoy. Wala itong anomang dekorasyon.

Habang naglalakad ay nagpapaliwanag si Mary.

"Ang unang pinto na nasa kanan ay ang lutuan. Walang pwedeng pumasok diyan kundi ang tagapagluto. May limang tagapagluto rito. Sila na rin ang nagdadala ng pagkain ng mga bilanggo sa bawat silid nila. Itong unang silid sa kaliwa ang silid at opisina ko. Ang susunod na mga silid ay silid na ng mga prisoner. Sa bawat silid lima ang kadalasang magkakasama.Tatlumpu't anim ang bilang ng mga bilanggo rito. Pang tatlumpu't pito ka. Paalala lang, walang sariling palikuran ang mga silid dito. Nasa ibaba iyon."

Napapatango na lamang si Emerald.
Malinaw na ngayon sa kanya ang pagkakaiba ng Den sa lugar na ito sa Den ng dati niyang Squad.

Huminto si Mary nang marating nila ang pang walong silid. Kinatok iyon ni Mary. "Hoy Baron! Gumising ka na diyan at salubungin ang bago nating kasapi!" sabi nito gamit ang malakas na boses.

"Baron?" ulit ni Emerald.

"Siya ang kanang kamay ko," sagot ni Mary bago muling naglakad. "Tamad siyang prisoner pero pinili ko pa rin siyang maging kanang kamay dahil kaya niyang harapin si Double Zero nang walang pag aalinlangan."

Namilog ang mga mata ni Emerald. Totoo ba ang narinig niya? Ang Baron na iyon, kayang harapin si Double Zero?

"Nandito na tayo," sabi ni Mary . Sa wakas ay narating na nila ang magiging silid ni Emerald. Kumatok si Mary.

"Si Aril Sierra ang makakasama mo rito. Noong nakaraang buwan namatay ang mga roommate niya kaya siguradong matutuwa siya sa pagdating mo."

"Ah anong sabi nyo... n-namatay? Bakit?"

"Normal iyon dito sa Seventh Squad. Kung minsan dahil sa gutom, kung minsan naman dahil sa sakit o kaya ay sa pananalakay ng ibang mga squad. "Hoy, Sierra! Bakit ba ang bagal mo!" Muling kinatok ni Mary ang pintuan.

Lumabas mula roon ang isang batang babae.

"B-Bata?" Nabigla si Emerald. Mukhang kaedad lamang ng batang babae na ito ang kapatid niyang si Jade. Payat ito, maamo ang mukha, mahaba at kulot ang buhok. Katulad ng ibang taga Seventh Squad ay kupas din at maluwang ang pang-itaas na damit nito. Gayun din ang suot nitong pantalon.

"Pasensiya na Mary, may kailangan ka ba?" tanong nito gamit ang malumanay na tinig.

"May makakasama ka na..." Itinuro ni Mary si Emerald.

Biglang napangiti ang batang babae. "Maligayang pagdating po... Tuloy po kayo..." sabi nito bago kinuha sa dalang gamit ni Emerald. Hinila niya iyon papasok sa silid.

Hindi naman sumunod si Emerald. Tumuon lamang ito kay Mary. "Bata ba talaga siya o katulad niya ang pinuno ng Fourth Region?"

"Magkaiba sila ni Seed!" mabilis na sagot ni Mary. "Si Seed gurang na talaga 'yon. Si Sierra bata pa talaga siya."

"Pero... paanong may bata na pinayagang makulong dito? At sa Seventh Squad pa talaga siya napunta!"

"Bago pa ba yon? Ganoon din ang nangyari kay Double Zero."
Biglang natigilan si Emerald. Tama ba ang narinig niya? Si Double Zero na kakambal ni Nikela bata pa nang makulong?

"Sige na, pumasok ka na. Bibigyan kita ng kalahating oras na pahinga tapos pumunta ka sa opisina ko." Tumalikod na si Mary.

"Sandali lang Pinuno!"

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now