Chapter 62 *Ang Pangako ni Zero One*

1.2K 48 8
                                    

Natatandaan pa ni Emerald ang una nilang pagkikita ni Zero One.

Kapapasok niya pa lamang noon sa Venus nang iligtas siya nito.
Mula nga noon ay naging madalas na ang pagliligtas ng lalaki sa kanya. Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob niya rito.

Sa simula ay ayaw niya pang aminin, dahil bawal. Subalit nang malaman niya na si Nikela talaga ang nagligtas sa kanya noong siya ay bata pa, tuluyan na rin niyang inamin ang damdamin para sa lalaki.
Pero hindi mabilis mahalin si Nikela. Bahagi kasi ng katauhan nito ang malupit na si Double Zero.

Dahil kay Double Zero, hindi masabi ni Emerald na kanya talaga si Nikela.
Kaya nga minsan niyang hinangad na puksain si Double Zero sa pag-aakalang kung mawawala ito, puwede na silang maging masaya ni Zero One. 

Pero tila hindi na kailangang puksain pa si Double Zero.
Puwede na silang magkasama ni Zero One dahil tuluyan nang naghiwalay ang dalawa.

"Totoo ba ito?"

Nanlaki ang mga mata ni Dustin nang makita ang dalawang Nikela.
Pumunta siya sa hardin para sana alamin kung ano ang mangyayari kapag naibalik na ang kapangyarihan ni Nikela, pero ito ang nadatnan niya.

"Echezen!" Tumingin siya kay Echezen.

"Oo. Iyan ang naging epekto. Hindi ko ito inasahan," sabi ni Echezen.

"Pero sino sa kanila si Double Zero at sino si Zero One?" tanong ni Dustin dahil parehong pareho ang itsura ng dalawa.
"Ah. Nikela!  Zero One! Double Zero!" tawag ni Dustin.

Tiningnan siya nang masama ng Nikela na nasa kaliwa.

"Mukhang alam ko na kung sino si Double Zero," wika ni Dustin.

"Isa itong malaking kalokohan!" biglang sabi ni Double Zero. Napamura pa siya bago nagpasyang umalis.

"Oy! Double Zero!" tawag ni Dustin, pero di siya nito pinansin. Maging si Emerald ay nilampasan lang nito.

"Mainit na naman ang ulo niya?" puna ni Dustin. " Ikaw Zero One, okey ka lang?" Tumingin naman si Dustin kay Zero One.

Tumango ito bago tiningnan ang sarili.
Halatang hindi ito makapaniwala  na nagkahiwalay sila ni Double Zero.

"Ang mabuti pa iwan na muna natin siya," sabi ni Echezen.

"Ha? bakit?" Nagtaka si Dustin.

Sinulyapan ni Echezen si Emerald.
Napangiti si Dustin. Nakuha niya na gustong bigyan ni Echezen ng oras ang dalawa para makapag-usap.

Umalis na nga sila.

Ang tangi na lang naiwan sa hardin ay sina Emerald at Zero One.

Napatingin si Zero One kay Emerald.
Nakita niya ang mga mata nito na nangingilid na ang mga luha. " Emerald."

"Nikela!" Tila alanganin pa si Emerald na lumapit sa lalaki.

Ngumiti si Zero One at inilahad ang kanyang mga kamay.
Dito na tumakbo si Emerald at yumakap sa lalaki.
Kasabay n'on ang biglaan niyang pag-iyak.
"Nag-alala ako sayo.  Nag-alala talaga ako sayo! Mabuti bumalik ka na!" iyak niya.

Yinakap siya nang mahigpit ni Zero One. " Patawad kung nawala ako nang matagal. Patawad."

"Hindi. Ako ang dapat humingi ng tawad dahil ako ang may nagawang pagkakamali,"sabi ni Emerald, naalala ang minsan niyang pagpanig sa mga Intruder.

"Kalimutan mo na iyon," sabi ni Zero One.

Tumingin sa kanya si Emerald. Tinitigan niya si Zero One.
"Ikaw ba talaga si Zero One? Ikaw ba talaga ang Nikela ko?"

Prisoners in VenusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon